Chapter 5: Tommorow

8 4 0
                                    

“ WHAT!?”

“ Ano!?”

“ Ha?”

Sunod-sunod na tanong nila, marahas at na-iinis? Teka, bakit sila naiinis?

‘ Because your Flamma?’ naguguluhan kong tiningnan si Datu Pula deretso sa kanyang tila umaapoy  na abong mga mata.

‘ Bakit? Ano ang kinalaman ng pagiging isang secret agent ko dito? ‘ tanong ko rin gamit ang aking isipan but he just smirked in response.

‘ You can’t remember huh? Your such a pain in the ass, ‘ pakiwari nito at halos masabunutan ko naman ang sarili ng maalala ang pamilyar na mga katagang kanyang binitiwan. Crap! That’s why they’re familiar! Pendelton, Cuevas, Parker, Morstan and Davidson are my irritating clients na inayawan ko sapagkat mas mahalaga ang recent case na hawak ko noon.

‘ Irritating huh?  Someone died and we lost almost everything because of the stupidity of your agency!’

I rolled my eyes at him. No one died! I checked the case throughly after it and it was recorded successful without any casualties exept for the establishments. Uh whatever! I’ll deal with  them later, for now I want clarifications.

Tiningnan ko ang pinakamalapit na pang-isahang sofa. Nilapitan ko iyon at tinitigan si Ivan na kanina pa walang imik. Sa lahat ata ng kalalakihang narito ay siya ang pinakatahimik, walang kaemo-emosyon at kalmang-kalma ang magka-ibang kulay ng kaniyang mata.

“ Stand up!” I comanded, napanganga naman ang lahat dahil sa sinabi kong walang kakurap-kurap.

“ Why would I?” balewalang tanong nito.

“ Because obviously I’m a lady and you’re a man so act like one, stand up and be a gentleman,” dire-diretsong sagot ko but he just smirk ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang panandaliang ipinakita ng kanyang mga mata. I am not really sure if it was real or just a mere hallucination but if it was real then I am certain that it was longing that I saw.

Halos magkapanabay lang ang aming buntong-hininga. Inaasahan ko nang isa iyong hudyat at pahiwatig na hindi niya ibibigay ang upuan dahil sa rahas ng pagpapakawala niya ng hangin ngunit mali pala ang akala ko sapagkat ang kabaliktaran ng inaasahan ang kanyang ginawa.

“ Take a seat then,” walang kaemo-emosyong ani niya sabay tayo. Nginitian ko siya ng sapagkatamis-tamis bago naupo, hindi lang pala gwapo, gentleman din… Hmm not bad, napangisi ako sa sariling naisip.

“Tss,” si Datu Pula.

“ Pft!” tawa ni Heart habang si Spades ay nakangisi sa kanyang tabi tila alam ang na-iisip ko. Hindi ko sila pinansin at binalingan nalang si Watson.

“ Hindi ko tatanggapin,” sabi ko, tumaas ang kanyang kilay at masama ang tinging ipinukol sa akin. Nanahimik ang lahat marahil ay naramdaman ang tensyong biglang namuo.

“ Why?” seryosong tanong niya, hindi maalis ang sama ng tinging binabato sa akin parang hindi nangyari ang yakapan doon sa library. Crap! What do I expect? Ganyan naman sila palagi hindi ba? Ni minsan ay hindi inaalala ang mga gusto ko.

“ Because your being selfish, Clary,” ani Heart seryoso at tila hindi na napigilan ang sarili.

“Selfish? Seriously?” sagot ko, nagpipigil. I heaved a sigh, calming myself at ng hindi ko nagawa iyon ay tiningnan ko sila isa-isa.

“I’m sorry, I need some air,” wika ko atsaka tumayo na at umalis. Hinawakan ko ng mahigpit ang  librong kanina ko pa pala hawak atsaka mas binilisan pa ang paglalakad patungo sa lugar kung saan alam kong matatahimik ako.

Nagpunta ako sa likod na parte ng palasyo. Maraming kahoy ang naroon ngunit isa lang ang nakakuha ng aking atensyon. Ang napakalaking kahoy na may iba’t ibang kulay ang mga dahon, tila isang bahaghari na nagkatawang kahoy. Isang duyang gawa sa isang tapi na may dalawang malalaking lubid sa magkabilang gilid ang nakasabit sa malaking sanga. Napangiti ako, kahit papaano ay napanatag ang loob. Naglakad ako patungo roon atsaka umupo. Dahan-dahan kong ibinuklat ang librong hawak atsaka nagsimulang magbasa. Hmm a perfect time for reading walang istorbo’t asungot.

“ Ehem,” alright binabawi kona may istorbo pala. I rolled my eyes before closing the book.

“ Leave me alone,” pikit matang wika ko.

“ We won’t,” mariing wika ng pangahas na taong iyon.

Mariin kong ibinaling sa taong iyon ang aking paningin at napatanga ako ng lahat ng pitong pares ng mata ang tumititig sa akin.

“ Kung nandito kayo upang sumbatan ako dahil sa hindi ko pagtanggap sa kaso ninyo pwes wag ngayon mainit ang ulo ko!” ani ko.

“ Mmm alam namin, halata naman hindi ba,” pilosopong ani Walter subalit mahina ang boses at mailap ang tingin niya, sinamaan ko lang siya ng tingin.

“ At wag din kayong mag-alala dahil ang sinasabi niyong milyon-milyong nawala sa inyo ay babayaran ko nalang,” dagdag ko.

“ Ganyan ba talaga kababaw ang tingin mo sa amin, Ms. Flarey Claret Kingston?” tila na-iinsultong tanong ni Zach. Inirapan ko siya matapos kong marinig ang buo kong panglan. Crap! Ampangit sa pandinig!

“ It’s Flare, call me Flare,” wika ko sa kanya.

“ Okay, call me Flare then,” nakangisi nang wika niya, nang-aasar and I swear he’s successful in doing so.

“ I told you, It’s Flare, nothing more and nothing less,” mariing wika ko.

“ Alright, alright, it’s Flare,” aniya na mas ikinainis ko pa ngunit hindi ko na pinatulan. Huh! I won’t give you the satisfaction.

“ Anong ginagawa niyo rito?” pag-iiba ko ng usapan dahil alam kong walang patutunguhan kung makikipagtalo lang ako sakanya.

“ Pumasok kana sa loob,” si Mr. Fruit  ang sumabat. What’s his name again? Uh yeah right Lee, Lee Pendelton.

“ Ayaw ko,” kalamado ng sabi ko.

“ Pasok na sabi!” pagpupumilit ni Zach.

“ AYAW KO!” mariing sagot ko, sabi ng ayaw eh wag kasing mapilit!

Biglang may humblot ng kamay ko at padarag akong pinilit na tumayo and when I looked at who it was ay tila kumulo na ang dugo ko. Ugh! This red hair guy!

“ I told you all already! I don’t want to go back there!” Bulyaw ko sakanya, pilit na kumakawala sa pagkakahawak niya. May kung anong likido ang nagtitipon sa aking mata ngunit hindi ko ito hahayaang tumulo. Hindi ako iiyak!

“ Ano ba! Nasasaktan ako!” Sigaw ko ulit at tila naramdaman kong lumuwag ang kanyang hawak.

“ Hayaan mo na bro, tayo nalang ang magsabi,” seryosong wika ni Paris at tuluyan na nga akong nabitawan ni Datu Pula. Crap! Tiningnan ko siya ng masama, deretso at sinalubong ang nag-aapoy na abo niyang mga mata.

“ Our Parents are coming over,” Ivan told me, after a few moments of dead air.

“ And when he said ours, then it include yours,” dagdag ni Levis na nakapagpatigil sa akin. D*mn it! No way!

“ W-when?” utal-utal na tanong ko.

“ Tommorow,” they all said in unison.

The Prowess Inside - COMPLETEDWhere stories live. Discover now