Chapter 6: Eyes on Fire

6 3 0
                                    

‘ Our Parents are coming over. ‘

Hindi maalis sa isip ko ang balitang iyon mula kina Paris, kung saan nila nalaman ay hindi ko alam marahil ay may nakapagsabi sakanila o baka naman nakinig sila sa usapan nina Heart. Malay ko diba? Baka naman winner din sila pagdating sa tsismisan. Ugh ang bakla isipin! I mean, sa itsura nilang ‘yon?

Hindi na’ko nakasabay sa iba para sa tanghalian dahil sa pag-iisip ng mga maaaring mangyari kinabukasan at ganoon din sa hapunan sapagkat hindi ko masikmurang kumain kapag alam kong pagagalitan lang ako ng aking mga magulang, pagputok na pagputok ng araw bukas. Dinalhan man ako ni Nanny Eveth at ng ibang katulong ng pagkain ay hindi ko naman iyon masyadong napagtuunan ng pansin dahil sa unang kagat ko palang ay inaalala ko na ang galit na mga matang ipupukol sa akin ni Mama kinaumagahan.

I let out another sigh and forced myself to sleep. I need energy for tommorow mahaba-habang mga sermon at lintyata ang pakikinggan ko kinabukasan kaya kahit hindi ko maiwasang mag-alala ay kailangan ko paring matulog. Kahit alam ko na na hindi maganda ang mangyayari bukas ay ginawan ko pa rin ng paraan upang mas mapabilis ang pagdating ng nito sa akin and I guess I am successful in doing so because after counting a hundred of sheeps everything went pitch black.

Kinaumagahan ay nagising ako ng mas maaga sa inaasahan. Hindi pa man lubos na nagpapakita ang haring araw ay mulat na mulat na ang aking mga mata. Sinubukan ko mang muling ipikit iyon ay hindi ko magawa dahilan ng maaga kong pagbangon.

Agad kong ginawa ang mga kailangan kong gawin sa umagang iyon. Inayos ko ang kamang pinagtulugan atsaka pumunta na ng banyo.  Pagkatapos noon ay pinatuyo ko na ang aking buhok gamit ang tuwalya. I didn’t bother to use the blower dahil baka mahampas ko lang iyon kapag ginamit ko habang naglalakbay ang aking diwa patungo sa mga magaganap mamaya.

I wore a white shirt, a maong jacket, a black tattered jeans and I paired it with white sneakers and a silver wrist watch. I checked myself on the mirror at ng makitang maayos naman ang aking suot ay tumalikod na ako habang pinaglalaruan ang aking nakalugay na itim na buhok. I got my phone and then I started walking towards the door.

Malayu pa man ay nag-uumapaw na ang kaba sa aking dibdib sapagkat ramdam ko ang mga presensyang na sa ilalim ng ikalawang palapag na kinaroroonan ko. I checked my phone for the time and it says it’s already 6:45 in the morning. Isang mahabang buntong-hininga ang aking pinakawalan at muling hinarap ang napakahabang hagdan, for now I don’t have time kailangan kong magmadali dahil ramdam ko ang  presensya nila doon at habang iniisip ko palang ang seryosong usapan ng mga Hizards at ng aking mga magulang ay tila aatakihin na ako sa puso.

“You look tensed,” kalmadong wika ng kung sino man mula sa likuran ko at naging dahilan iyon ng aking pagkagulat na naging sanhi ng muntikan kong pagkahulog sa hagdanan.

“Crap! What are you doing there?” Inis na wika ko at sinamaan ko ng tingin si Paris ngunit inosenteng tiningnan niya lamang ako.

“Don’t worry about them, everything will be fine,” aniya na tila alam ang iniisip ko. Uh maybe he’s really pertaining about my thoughts, marahil nakita niya ang reaksyon ko kahapon kaya ganito nalang siya kung magsalita.

“Uh yeah I hope so,” I replied after calming down, tango at isang munting ngiti lamang ang naging ganti niya  sa akin atsaka siya dahan-dahang naglakad pababa sa hagdan habang ako nama’y napabuntong-hininga ulit.

Nilakad ko ang distansya patungo sa gilid ng hagdan atsaka doon ipwinesto ang sarili. For the ninth time ay bumuntong-hininga ako bago nagsimulang pumadaosdos.

“What the!?” Mahinang ani Paris at biglang napatigil sa paglalakad na tila isang estatwa na hindi makagalaw ng lagpasan ko.

“Susmareyosep! Ano ba namang bata ito, bumaba ka diyan at baka mahulog ka!” gulantang na sigaw ni Nanny ng siya naman ang aking nakasalubong. Tinawanan ko lamang siya atsaka kinayawan ng kaunti upang hindi ako mawalan ng balanse.

Maging ang mga bantay at iba pang mga katulong ay napatigalgal ng makita ang ginawa ko. Ngunit nginitian ko lang sila isa-isa atsaka bumati ng ako’y tuluyan ng makababa.

“Magandang araw po!” I greeted them and smiled genuinely as if nothing happened. Nginitian ko sila isa-isa tila hindi kinakabahan sa maaaring mangyari kapag makakaharap ko na ang aking mga magulang.

“You startled me,” a well-modulated voice from behind made me stop.

“ Parisian Pendelton,” nakangiting wika ko na ikinangiwi niya, pansin ang  pagbabago ng mood ko.

“I told you, It’s Paris, Ms. Kingston,” sagot nito na mas ikinangiti ko.

Tumigil ako ng nasa harap na kami ng kusina, kung saan ramdam ko ang malalakas na presensya ng iba. I sighed before looking at him.

“Let’s make a deal then, I will call you Paris as what you wished and you’ll call me Flare, drop the formalities, I don’t like it,” I told him while smiling still.

He smiled back and he then looked at the wooden double doors in front of us.

“Things will be better after this,” he said. He’s more like talking to himself than to me.

We both sighed before he opened the door for the both of us, nauna siyang pumasok sa pinto but he intentionally stopped halfway para mabigyan daan ako. I looked at him and he did the same, the hospitable smile plastered on his face never vanished.

“After you,” wika niya atsaka iminuwestra ang kamay.

“Thank you,” malugod na pagpapasalamat ko sakanya atsaka nag-patiunang maglakad upang tuluyan ng makapasok.

Binalingan ko siya ng huling tingin bago ko binigyang pansin ang mga matang kanina pa nakatingin sa amin. Kyuryoso, malisyoso ngunit hindi iyon ang naka agaw ng pansin ko. Levis Pendelton is glaring at me at nakataas pa ang isang kilay nito habang nakakunot ang noo. He’s jaw clenched and his dark grey eyes were on fire. Hindi iyon ang nakita ko noong una at ikalawang beses ko iyong tingnan, this one is different, may kakaiba sa emosyong nakikita ko ngayon.

What’s his problem!?

The Prowess Inside - COMPLETEDWhere stories live. Discover now