2: So Near Yet...

735 21 2
                                    

"Sa wakas dumating ka narin Dennise! Akala ko iindianin mo na ako eh." Tumayo agad si Ella ng makita ang papalapit na kaibigan.

"As if I have a choice. O halika na at baka maiwan pa tayo ng eroplano lagot pa ako sa parents ko." Sabi niya pagkatapos halikan sa pisngi ang kaibigan.

Ilang minuto pa ang lumipas at nasa himpapawid na sila.

Ayon nga sa napagkasunduan nilang mag-ama naiwan siya para tapusin ang presentation samantalang ito, ang mommy niya at si Beatriz ay nauna na doon sa probinsiya.

Sumandal si Dennise at pinikit ang mga mata. Antok pa siyang talaga. Sobrang aga kasi ng flight na kinuha ng daddy niya. Kung siya nga lamang ang masusunod ayaw niya pa sanang bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kama pero ayun na nga, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang bumangon, mag-ayos at pumuntang airport para sa flight pauwi ng Negros.

"Besh, how was the presentation nga pala." Maya't maya'y narinig niya ang boses ng kaibigang si Ella.

"It went well naman besh. Kinabahan ako pero hopeful naman ako sa magiging resulta noon. Ginawa naman namin ang lahat for that, it's up to Mr. Scott nalang talaga kung sino ang pipiliin niya." Minulat niya ang kanyang mga mata at sinagot ang tanong ng kaibigan.

"So, hindi pa pala sila nakapili. Marami ba kayong nagpresent kahapon?" Patuloy parin sa pag-usisa si Ella.

"We were on schedule besh, wala na akong idea if after namin ng team ko may nagpresent pa, pero marami talagang interesado na makuha yung project eh! Sana lang talaga, kami ang mapili nila." Bumuntong hininga si Den. In a way disappointed siya kasi akala niya after ng presentation na iyon kahapon, agad na iaanounce kung sino sa mga nag-participate ang makakakuha ng project.

"Makukuha mo yan, ikaw pa ba?" Pagpapalakas ni Ella sa loob ng kaibigan.

"Confident ako na mapapasaamin yung project besh. Ipagpapaliban nga lang daw muna ang announcement hanggang sa pinakalast day ng bidding for the said project which is twenty days from now."

"Twenty days from now ang announcement? Eh paano iyon diba you'll be staying sa Negros for a month? Baka nagtampo ang abuela mo niyan pagbumalik ka ng Manila nang hindi pa tapos ang isang buwan." Medyo worried na turan ni Ella. Nakita niyang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Dennise.

"Iyon pa nga ang problema doon. Hay, ewan nalang pero sana pumayag siyang icut ko ang bakasyon ko doon in time for the announcement. Importante si nana sa akin besh, pero alam mo ring importante din itong project na ito for me and para sa company." Mahina niyang sabi.

"You will figure it out Besh." Hinawakan ni Ella ang kamay ni Dennise. Naiintindihan niya ang kaibigan. Medyo may kahirapan nga ang sitwasyon nito ngayon pero kampante siyang malulusutan din ito ni Dennise.

"I will cross the bridge when I get there besh." Ngumiti siya kay Ella at pinikit uli ang mga mata.

Naging tahimik ang dalawa sa buong duration ng flight. Si Dennise mas pinili ang umidlip nalang muna habang si Ella ay hinayaan nalang ang kaibigang bumawi ng tulog. Naging sobrang pressured and stressed kasi ito sa preparation ng presentation.
××××××××××

Sa ancestral house naman ng nga Lazaro, nagkakagulo na ang lahat. Masyado ng abala ang lahat para sa gaganaping selebrasyon mamayang gabi para sa kaarawan ni Martha Lazaro.

"Dad, whose gonna pick up ate Dennise from the airport?" Tanong ni Bea sa ama the moment na iwan ito ng taong kausap nito.

Napatampal sa noo si Jaime. Dala marahil ng sobrang pagkaabala nakaligtaan niyang ngayong umaga na pala ang dating ng kanyang panganay.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now