6: Uncovering

449 15 1
                                    

(Fast forward to six years after - 2009)

Dennise and Beatriz are now sixteen and fourteen year olds respectively.

Den grew up to be very beautiful and intelligent young lady. She's a constant honor student and is highly popular in their school.

"Ate, are all those flowers from your suitors? I thought pinagsabihan mo na silang tigilan ang pagbibigay sayo ng mga iyan? If they bought you chocolates instead, eh di pwede ko pang kainin. But those flowers? Aanhin mo naman ang mga iyan? If sa Negros sana tayo we could easily bring that to Lolo's grave!" Beatriz rolled her eyes. Tinutulungan kasi si Dennise ng driver na ipasok lahat ng mga bulaklak sa passengers seat.

"Stop with that Bea! Alam mong ilang beses ko ng pinagsabihan ang mga iyan na tigilan ang pagbibigay ng mga bulaklak sakin but to no avail. Hindi sila nakikinig, sige parin ng sige. So wala akong magagawa and my friends told me to just let them be. Besides may pakinabang naman ang mga iyan. Inaayos ni mom and nilalagay sa vase." Sabi niya while putting her seat belt.

"Manong Vic, salamat po sa pagtulong sakin with those flowers, daan po muna tayo sa convenient store may bibilhin lang po ako." Dennise told their driver.

Tumango lang naman ang driver at pinaandar agad ang Grandia.

"Shiii----! Can I borrow your phone for a moment ate?! I forget to tell Cam kasi na bukas ko nalang idadaan ang book na hihiramin niya!" Napatampal sa sariling noo na bumaling si Bea sa kapatid makaraan ang ilang sandali, pero parang hindi siya nito narinig. Busy kasi ito mukhang may katext din sa sariling telepono.

"Ate, narinig mo ba ang sinasabi ko? Pahiram ng phone importante lang talaga, nalowbat kasi ang akin. Baka kasi maghintay si Camille sakin doon. Sandali lang I'm gonna send her a message lang naman ate." Linakasan niya talaga ang sariling boses para marinig iyon ng kapatid.

"I heard you the first time Beatriz! Huwag apurado pwede? Kitang ginagamit ko pa eh! Angil ni Dennise sa kapatid, at tinapos ang kung anumang ginagawa sa telepono.

"Oh eto na po kamahalan." Kakaabot palang ni Dennise ng phone sa kapatid ng mapansing tumigil na ang sasakyan. At dahil hindi pa naman ganoon ka high tech ang mga phones noon agad namang nabuksan ni Beatriz ang cellphone ni Dennise. Nagtype na rin siya agad pagkakuha nito mula sa kapatid.

"Nandito napo tayo sa convenient store ma'am Den." Magalang na sabi ng driver kay Dennise.

"Bababa napo ako manong. Hintayin niyo nalang po ako dito, sandali lang po ako." Habilin niya sa driver bago bumaba ng tuluyan sa sasakyan.

Si Beatriz naman ay katatapos lang isend ang kanyang message kay Camille, ng biglaang tumunog ang phone ng kapatid. Sa pag-aakalang sakanya yung message na dumating agad niya itong binuksan.

"Sabihan moko kung kailan talaga ang dating niyo ha? Para makapunta agad ako sa bahay ng nana niyo."

"Can't wait to finally see you again, I missed you so much D."

Iyon ang nilalaman ng dalawang messages na iyon. Huli na ng marealize niya na hindi iyon ang reply na hinihintay niya kundi reply iyon ni Alyja sa text message ng nakatatandang kapatid.

Kinabahan siya, malalagot siya nito! Panigurado magagalit ang ate niya kasi hindi sinasadyang mabuksan at mabasa niya ang messages na hindi para sa kanya.

Pero nawala sa isip ni Bea ang magiging reaksiyon ng kapatid ng muling tumunog ang cellphone. Binuksan niya iyon at sa pagkakataong iyon, tama na siya. Iyon na nga talaga ang message na hinihintay niya. Ang reply ng kaibigang si Camille.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now