"Is there any chance na makausap ko si Alyssa?" Dennise was talking to Fille via face time.
"What for Dennise? Huwag mong sabihin sakin na itutuloy mo parin iyong ridiculous mong plano? Maawa ka naman doon sa tao? Gagamitin mo pa talaga siya?" Fille cannot believe what she's hearing from Dennise.
"I will do everything just to spite my family! Handa akong gawin ang lahat-lahat...."
"And by saying so, kasama ba diyan ang pagpapakasal sa taong hindi mo mahal? Nasaan ang konsensiya mo? Pati yung walang kasalanan idadamay mo pa. Maawa ka sa tao Dennise. Kung hindi mo siya magawang mahalin, then let her be. Don't be too cruel!" Fille felt the urge na pigilin si Dennise sa kung ano mang pinaplano nito.
"Spare me with those ate Fille. As I said gagawin ko ang lahat just to spite them, and isa sa pinakamabisang paraan is yun nga to have Alyssa as my wife. I wanna see how my family would react if dumating na yung moment na ipapakilala ko na si Alyssa." An evil smile appeared on the young archtect's face.
"For real Lazaro? I can't believe na kaya mong gawin iyan! Ano ba ang nangyayari sayo?" Desperadong napatitig na lamang si Fille sa kaibigan.
"Being the first born grandchild of the great and mighty don and doña Lazaro, I was considered by many as the luckiest girl. Dahil sa mayaman, kilala, ginagalang, at tinitingala ang pamilyang aking kinabibilangan, people started to have high expectations of me. Nakatatak na sa isipan ng mga tao na I should be this, I should be that. I should be perfect in all aspect. Being a member of this clan is both a blessing and a curse." Dennise sigh.
"What do you mean?" Nakakunot ang noo na turan niya.
"Not everyone is given the chance to live a life like that of mine ate. Marami nga siguro diyang nagwiwish na sana maexperience nila ang buhay na meron ako. Hahaha. If only they knew." Pagak pa na tumawa si Dennise.
Nangunot lalo ang noo ni Fille sa mga pinagsasabi nitong kanyang kaibigan.
"People percieved me as the perfect role model. And iyon ang pinakaayaw ko. Kasi tao lang din ako, at the end of the day may magagawa at magagawa parin akong mali. They're all praises pag nakagawa ako ng tama but they failed to acknowledge na tao lang din ako. If may nagawa akong mali they are much quicker to judge. Despite of my achievements, meron at meron paring magkukwestiyon sa kakayahan ko. Not that nagmamatter ng ganoon kalaki ang opinions nila ano? Pero yung constant na "ingay behind your back" regardless kung validated or not ang mga pinagsasabi nila, surely takes a toll on you. Take for example, iyong project na nakuha ng team ko. The one na nagpave ng way para makilala ko si Dominique, foes and friends alike where saying na nakuha ko iyon just because of connection, na nangyari iyon "coz I am a Lazaro". Na anak ako ng ama ko! Imagine that? Hanggang kailan ba ako mananatiling ganito?"
"Ikaw mismo ang may sabi na hindi naman nagmamatter iyong perception ng ibang tao sayo ah? Hindi nagmamatter ang opinions ng ibang tao as long as ikaw kilala mo ang sarili mo. Kilala mo pa nga ba ang sarili mo Dennise? Kasi ako nag-uumpisa na akong magduda kung ikaw parin ba iyong Dennise na matagal ko ng kilala, iyong matagal ko ng kaibigan." Gumuhit ang lungkot sa mukha ni Fille ng sabihin ang huling parte ng kanyang pangungusap.
"Maniwala ka man o hindi matagal ko ng kilala ang sarili ko. Noong araw na "iyon" mismo ko nakilala ng tuluyan ang sarili ko ate. Umasa akong mabibigyang laya iyong nararamdaman ko para sa taong iyon. Ngunit nagkamali ako, ang lugar kasi mismo kung saan naisip kong magiging malaya ako, ay siya ring naging aking bilangguan. Sa mansion, sa hacienda, sa harap ng aking pamilya. Masakit isiping maski sa mga lugar na iyon, hindi ko magawang maging totoong ako." Ang kalungkutan sa boses ni Den ay hindi na maitago ng mga oras na iyon.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.