33. Reunited

596 20 4
                                    

A few days before Bea's scheduled trip to Sarangani Province.

Dennise is at a restaurant and is having dinner with Ella and Fille.

"Anong sabi mo sasama ka sa kapatid mo papuntang Sarangani Province? Ang layo noon besh, not to mention parang marami ding mga armed groups doon na anti-government. Delikado yata." Wika ni Ella, while sipping her wine.

"Got no choice, kailangan niya daw kasi ang opinion ko. May itatayo yatang project iyong organization na kinabibilangan niya for the community. Community ng mga katutubo."

"Katutubo? Meaning liblib iyong pupuntahan niyo. Pumayag naman ba ang daddy mong sumama ka? Considering na kakabalik mo lang a few days ago, sigurado akong hindi biro ang workload mo ngayon." Si Fille naman.

"Hindi ko pa alam if nakausap na ni Beatriz sila dad. Sabi niya kasi siya nalang ang bahalang magpaalam on my behalf. You know, idea niya kasi lahat ng ito. Ang pupuntahan namin? I guess liblib talaga siya. Beatriz said na may mga military personnel kaming kasama liban sa mga locals na magsisilbing guides."

"Ibig sabihin, delikado talaga iyong place na iyon. Iba din ang guts niyang kapatid mo ano Den? Akalain mong sa yaman niyong iyan. Naturingan kayong apo ng isang haciendera. Legit alta, pero iyang si Beatriz handang ilagay sa peligro ang buhay makatulong lang sa mga naghihikahos. Sobrang dedicated niya sa advocacy niya na pati ang pagpunta sa mga malalayo, delikado at liblib na pook hindi niya uurungan. Talo pa niya ang mga politiko dito satin eh. Hahaha. Hindi naman sa nilalahat ko ang mga politikong iyan, pero karamihan sa kanila visible at maingay lang kapag malapit na ang election, if tapos na at nakuha na nila ang kanilang gusto. Babye na!" Bilib na naman talaga kahit noon pa si Fille kay Beatriz. Iba kasi talaga ang drive nitong makatulong.

"Kahit noong maliit pa iyang si Bea, nakikita ko na talagang she has a soft spot for the less fortunate. She got that from our mother. Ganyan na ganyan din kasi si mom. Matulungin saka relatable." Medyo natawa si Dennise.

"Relatable?" Ulit ni Ella sa nangungunot na noo.

"What I mean to say is sila iyong uri ng tao na sobrang humble. Marunong makibagay sa lahat. Without them minding about that certain persons social status. Mapadukha, middle class mayaman, or legit elitista ang kaharap nila nagagawa nilang pakisamahan ng maayos. Sa iilang outreach programs na nakasama ako kila Bea, kitang kita ko kung paano siya around people. Walang barrier, walang intimidation na nangyayari between her and those ones na nakapaligid sa kanya." Dennise smiled a little.

"Naiingit ka sa charm na meron si Beatriz? Excuse me with this Den but, personality wise. Magkalayong magkalayo talaga ang ugali ninyong magkapatid." Napangiti narin si Fille habang nakatingin sa arkitekto.

"Si Bea, mabait iyon. Ikaw? Apakataray mo friend!" Malakas na wika ni Ella sabay tawa.

"Hhmmpp." Umirap siya sabay natawa nalang din. Totoo naman kasi ang sinabing iyon ni Ella.

"Bea's somewhat the same as Alyssa. Magkalapit sila ng personality. Mga mabababa ang loob and sobrang mabait. Ipinagtataka ko nga kung bakit sayo nagkagusto iyong si Valdez! Magkasalungat kasi ang ugali ninyong dalawa." Si Fille, with that playful smile.

Palihim na pinanlakihan ng mata ni Dennise si Fille. Up until that point, wala parin kasing kaalam-alam si Ella sa nangyaring pag-iisang dibdib nila Alyssa at Dennise.

"Speaking of Alyssa nga pala besh? Asan na ba iyon? May alam kaya iyon na hiwalay na kayo ni Dominic? Naghiwalay kayo because pinagpalit ka niya sa kapwa niya lalake!" Parang wala namang kung anong napunang kakaiba si Ella patungkol sa mga binitawang salita ni Fille.

"Hanapan na ba ako ng mga nawawalang tao at sakin mo pa siya hinanap? Correct me if I'm wrong pero hindi ba at nasa abroad iyon?" She should give herself a pat on the back for doing great. Hindi kasi siya nautal or ano ng magsalita at mag-deny sa kinaroroonan ni Alyssa. Lol.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now