Maaga palang ng sumunod na umaga ay gising na si Alyssa. Bumangon siya at naupo, sabay tapon ng tingin sa natutulog paring kakambal.
"Gusto kong kalimutan mo na ang batang iyon at ipaubaya mo na siya saakin Alyssa! Gusto ko siya, at isang magandang uportunidad na hindi mo pa nasasabi sa kanya kung sino kang talaga! Ako na ang makikipagkita sa kanya bukas. Hindi niya malalamang may kakambal ako at hindi rin niya malalamang ikaw iyong nakita at nakasama niya kanina!"
Napangiwi siya ng maalala ang sinabing iyon ni Alyja. Una palang, nakaramdam na siya ng kakaiba sa pinakita nito kahapon pero, hindi niya inaasahan na aabot sila sa puntong pagbabawalan siya nitong makipagkitang muli sa naturang bata.
Pero ang hindi talaga matanggap ni Alyssa ay ng direktang sabihin ng kakambal na ito na ang magpapakilalang siya, sa muli nilang pagkikita ng batang iyon, at hindi na ito magkakaideya na siya (si Alyssa) ang batang nakausap nito ng araw na iyon.
Wala sa sariling napahawak si Alyssa sa kanyang dibdib. Hindi niya maintindihan ngunit may pinong kirot siyang naramdaman sa tuwing maiisip na hindi na siya kailanman magkakaroon ng pagkakataong makausap at makita ang batang dayong iyon.
Tahasang ninakaw ng kanyang kakambal ang pagkakataong makahanap siya ng bagong kaibigan.
Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi habang pinagmamasdang muli ang kakambal.
Magkaparehong magkapareho silang dalawa sa halos lahat ng aspeto. Makasingkatawan, magkasingtangkad, pareho ang kulay ng balat, parehong may biloy sa mukha. Pati ang paraan ng pagtawa at pagngiti nila ay walang pinagkaiba.
Sa mga hindi pamilyar at nakakakilala sa dalawa hindi, o mahihirapan talaga silang tukuyin kung sino si Alyssa at kung sino si Alyja sa dalawa.
Dalawang bagay lamang ang maituturing na pagkakaiba ng kambal.
Ang unang pagkakaiba nila ay ang kulay ng kanilang mga mata. Si Alyja ay itim na itim ang kulay ng mata samantalang ang sa kanya ay kulay brown naman.
At ang ikalawang pagkakaiba, ay ang katotohanang si Alyja ay ipinanganak na may karamdaman sa puso. Mahina ang puso nito na nagiging dahilan ng mabilis nitong pagkapagod. Bawal din itong madepress at maging sobrang masaya. Kaya habang maari iniiwasan talaga nila itong maging malungkot o magtampo man lang, sa kadahilanang hindi iyon makakabuti sa kanyang kalusugan.
Kaya labag man sa kalooban ni Alyssa, pinagbigyan nalamang niya ang hiling ng kapatid na ito na ang tumayo sa pwesto nito, at ito narin ang makipagkita sa batang dayo na iyon.
Pagkatapos ayusin ang higaan, tumayo si Alyssa at tinungo ang sariling cabinet. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang libro. Binuklat niya ang ilang pahina ng naturang libro at kinuha ang bulaklak na nakaipit doon.
Kahapon, nang makaalis na ng tuluyan ang batang dayo, hinanap ni Alyssa ang bulaklak na nabitawan nito, ng magulat ito ng may magsalita galing sa kung saan.
Makikitang berde pa ang kulay ng tangkay pati ang mga dahon nito. Asul parin ang mga petals, pero alam ni Alyssa na kasabay sa paglipas ng panahon magkukulay brown rin ang mga ito.
Hindi niya mawari kung bakit nagdulot ng pinong sakit sa kanyang dibdib, ang kaisipang ang bulaklak na ito, na lamang ang nagsisilbing alaala niya sa batang iyon. Ni hindi niya alam ang kanyang pangalan. Kung ito ba ay taga doon mismo, o ito ay isang totoong dayo lamang?
Hindi maiwasan ni Alyssa na tanungin ang sarili kung bakit labis siyang nalulungkot sa posibilidad na kahapon, na ang una at huling araw na nakita niya ang batang babae.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.