"Kung sakali bang magkabukuhan, makakaasa ba akong makakasama kita sa laban Den?" Seryoso ang pagkakasabi noon ni Alyssa.
Na labis namang ikinabigla ni Dennise! Hindi na naman tuloy ito nakaimik. Nakatulala lamang ito at bahagyang nakaawang ang mga labi!
"You should have seen your face Dennise! Hahaha. Sorry, pero huwag mo seryosohin iyong sinabi ko ha? Joke lang yun." Biglang kambiyo si Alyssa. Nakita kasi niya ang pagguhit ng labis na pagkabigla sa mukha ni Dennise.
"Huh?" Sa naguguluhang tinig ay naibulalas nito.
"Sorry if I rendered you speechless a couple of times this evening. Minsan kasi hindi ko mapigilan itong bibig ko. Huwag mo nalang seryosohin, lalo na iyong huli kong sinabi." Kakamot-kamot sa ulo na wika ni Alyssa.
"I'm sorry din, hindi ko kasi talaga alam kung paano magrereact sa mga pinagsasabi mo." Pag-amin ng arkitekto.
"Napakaimposible naman kasing mangyari iyon." Bahagyang sumandal si Alyssa sa aluminum railing. Itinukod niya ang magkabilang braso sa pinakamataas na bahagi, para suportahan ang sarili.
"Na magkabukuhan?" Nakakunot noong balik ni Dennise.
"Na sasamahan mo ako sa laban kapag nagkabukuhan." Mahinang usal ni Alyssa.
"Alyssa." Iyon lang ang nasambit ni Dennise.
"Ayos lang, ako narin mismo ang may sabing napakaimposible niyong mangyari! But if worst comes to worst at magkabukuhan man. Nakahanda na naman ako sa mga posibleng mangyari."
"So tell me Alyssa, ano ang gagawin mo incase dumating tayo sa puntong iyon?" Hindi niya mapigilang magtanong. Curiousity suddenly hits her. Curious siyang malaman kung ano ang plano nito kung sakali mang magkabukuhan.
"Sasabihin ko ang totoo. Na kasal tayong dalawa. Pero hindi naman talaga tayo mag-asawa. Not in the real sense of the word. Then, I will take it from there. To tell you the truth I am already bracing myself for the worst Den. Witnessing how you reacted earlier sa joke ko, made me conclude na wala ka talagang balak na ipaglaban ang kung anumang meron tayo. I kind of lowered my expectations narin naman! Mahirap kapag masyadong nag-eexpect, napakataas ng expectations. Sobrang sakit kapag nadisappoint." Mahina parin ang pagkakasabi noon ni Alyssa, makikita din ang isang alanganing ngiti sa mga labi nito.
Napalunok si Dennise. Tama ba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ni Alyssa? Na kung sakali mang magkabukuhan. Bibitawan nalang siya nito ng basta-basta? She wasn't expecting anything herself, pero bakit parang ang sakit marinig ng mga katagang binitawan nito?
"Hindi naman talaga tayo mag-asawa!"
"I am bracing myself for the worst!"
"Mahirap kapag masyadong nag-eexpect, napakataas ng expectations. Sobrang sakit kapag nadisappoint!"
That last sentence hit her hard.
Nadisappoint!
Yeah, disappointed ito on how she reacted doon sa magkabukuhan thingy. Negative kasi ang implication ng reaction niya.
But, Den's also aware that she did inflicted pain and disappointment in Alyssa the moment she forgot about her birthday.
"Pasensiya na kung nakalimutan ko ang birthday mo." Mahina at sa may kababaang loob na bigkas ni Dennise.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.