3: In a Very Distant Past

666 21 3
                                    

Summer of 2002.

Isang napakagandang umaga ang sumalubong sa buong mag-anak. Pagkatapos mag-agahan kasama ang mga magulang na sina Emilio at Martha pati ang kanikanilang mga asawa't anak. Napagkasunduan nina Rafael at Jaime na bisitahin ang manggahan.

Naghahanda nang umalis ang dalawang lalaki ng makita sila ni Dennise. Tinanong ng siyam na taong gulang na bata ang kanyang ama kung saan ito pupunta.

Sinabi naman ni Jaime na paroroon sila sa mangahan. Biglang lumiwanag ang mukha ng batang Lazaro ng marinig ang sinabi ng ama. Agad niyang pinahiwatig dito ang kagustuhang sumama.

Wala namang pagtutol sa parte ni Jaime. Pero nag-alangan si Rafael kasi baka mabored lang doon si Dennise. Wala pa naman masyadong mga bahay sa parteng iyon ng hacienda kaya malayong makakita siya doon ng batang pwede niyang maging kalaro.

Dahil sa kaisipan iyon, sinama nalang nila ang nakatatandang anak ni Rafael na si Jia, at ang bunsong kapatid ni Dennise na si Bea.

Pagkatapos magpaalam sa kanikanilang mga asawa umalis na ang dalawang lalaki kasabay ang tatlong bata.

Hindi naman nanibago ang mga bata sa kulang kulang tatlumpong minuto na lakaran.

Naghahabulan pa nga silang tatlo. Pero kapansin-pansin ang pagkamangha sa mga mata nila Dennise at Beatriz dahil sa kagandahang taglay ng paligid. Ito kasi ang unang pagkakataon na makapunta sila sa parteng ito ng hacienda.

Napakagandang pagmasdan ang mga punong hitik na hitik sa bunga. Nakakadagdag pa sa overall charm ng lugar ang usok na nanggagaling sa mga tuyong dahon at sanga ng mangga na sinusunog para magsilbing pangtaboy ng mga insekto na mapaminsala sa mga bunga ng mangga.

Mahigit isang linggo palang kasi ang nakakaraan buhat ng makauwi silang muli dito sa Negros makalipas ang limang taon. Sa Manila kasi piniling manirahan ng pamilya ni Jaime, sa kadahilanang nandoon ang kanyang trabaho. Isa kasi siyang Inhenyero.

Agad na sinalubong ng isang may edad na lalaki sina Rafael ng makarating sila sa gitna ng manggahan, may makikita roong isang kubo at dalawang papag na nakapwesto. Nagsisilbi itong pahingahan ng mga obrero at ng katiwala mismo.

"Kamusta ka na Toto Jaime? Maayo man kay nakapauli ka diri sa Negros, nahidlaw man kami sa imo diri, kag nalipay guid kami nga ari ka diri subong para magbakasyon." Masayang bati ng matandang lalaki kay Jaime.

(Kamusta kana Jaime? Mabuti at nakauwi ka dito sa Negros, namiss po namin kayo at masaya po kaming nakapagbakasyon ka dito)

"Maayo man Tay, nahidlaw man gani ako nga makita kamu liwat. Ti, kamusta kamu diri Tay? Daw kanami sang bunga sang mangga naton subong nga tuig ah?" Nagpalinga linga si Jaime sa mga puno at totoo nga namang maganda ang kalidad ng bunga ng mangga ngayong taon kompara noong nakalipas na anihan.

(Okay lang po ako Tay, ako nga rin po miss ko narin po kayo. Kamusta naman po kayo dito Tay? Parang ang ani natin ngayong taon ah?)

"Sa kalooy sang Diyos to, daw swertehon kita subong nga tuig. Manami ang bunga sang mangga, kadalagko kag katinlo. Ay huo gali, diri kita sa papag oh ah, para makapungko kamu kag makapangape samtang nagaistorya kita." Bumaling ang matanda sa papag na nasa hindi kalayuan.

(Sa awa ng Diyos anak, parang siswertehin tayo ngayong anihan, tingnan mo naman ang lalaki't ang kikinis ng mga bunga ng mangga natin. Hali po kayo, dito na po natin ipagpatuloy ang pag-uusap natin sa papag, at nang makapagkape narin tayo.)

Lumapit sila doon at naupo, habang si tatay Manuel ay pumanhik sa kubo at tinawag ang asawang si Nanay Maria para ipaghanda ng kape ang mga amo.

Makaraan ang ilang sandali magkasunod na lumabas ang mag-asawa. Tulad ni Tatay Manuel masayang masaya rin si Nanay Maria ng makitang muli si Jaime.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now