Maaga palang ng sumunod na araw ay makikita na ang isang puting van na nakatigil sa harap ng mansiyon ng mga Lazaro.
Kasalukuyang nakikipag-usap si Alyssa sa driver ng bumukas ang main door.
Mula roon ay magkakasunod na lumabas sila Ella, Bea, Lexi, Gabby, Jia at Dennise.
Kapuna-punang bawat isa sa mga ito ay may nakasabit na backpack sa kanilang mga balikat. Si Beatriz naman ay may bitbit pang isang may katamtamang laking case, then may nakasabit pang isa pa na mas maliit sa kanyang leeg.
Pagkakita noon, ay agad na lumapit si Alyssa, kinuha nito ang case na nasa kamay ni Bea saka binalingan si Lexi para sana kuhanin narin ang backpack neto.
"Let me get that one Lex!" Wika niya pertaining to the backpack.
"Kaya ko na eto hon, don't worry! Ang sugat mo, remember?" Wika nito sabay tingin sa braso niyang nababalit parin ng benda.
Wala namang nagawa pa si Alyssa, kundi ang mapakamot nalang sa kanyang sentido.
"How's your arm doin' ate Ly?" Mayamaya pa ay wika ni Bea.
"Masakit pero malayo sa bituka!" Sagot niya ng may alanganing ngiti sa mga labi.
"Ikaw talaga, puro ka biro!" Iiling-iling na wika ni Lexi sabay hampas sa kabilang bisig ni Alyssa.
Napaaray naman si Alyssa sa ginawang iyon ng dalaga.
"Iyan kasi, sige pa ate Ly!" Kasunod noon ay ang mga malulutong na tawa ni Beatriz.
Inirapan naman ito ni Alyssa!
Dahil sa biruan at kantiyawang nangyayari, hindi namalayan ng tatlo na nasa van na pala ang iba pa nilang mga kasama.
"You two, stop it! I think we should be going! Tayo nalang yata ang hinihintay nila!" Ang mahina ngunit awtorisadong boses na iyon ni Lexi ang nagpatigil sa kulitan nila Alyssa at Bea!
Doon naman napansin ni Alyssa na naroon na nga sa loob ng sasakyan ang kanilang mga kasamahan.
Bigla siyang natigilan.
Ngunit kaagad ding iwinaksi ni Alyssa ang kahit anong negativity. Now's not the time for any.
With that, nagpatiuna na siyang maglakad para pumuntang sasakyan, ngunit hindi pa siya nakakalayo, nang marinig niya ang boses ni Rafael.
"Alyssa!" Pagtawag ni Rafael.
Ibinaba niya muna ang dalang case, na mabilis namang pinulot ng driver. Saka tumalikod upang balikan si Rafael. Ang driver narin ang nagpasok ng case na iyon sa loob ng sasakyan.
"Manong, dito nalang po sa loob. Maselan po kasi ang laman niyan!" Narinig niya pa ng sabihin iyon ni Bea sa driver.
Naglakad narin ito kasama ni Lexi papasok ng van.
"Po, tito Rafa?" Magalang niyang wika ng nasa harap na siya ng lalake.
"May kaunting mga bagay lang akong ihahabilin sa iyo Ly!" Panimula ng lalake
"Ano po iyon tito?"
Lumapit ito saka siya inakbayan.
"Alyssa, ikaw na ang bahala sa kanilang lahat, hindi man ikaw ang pinakamatanda sa grupo, ikaw naman ang pinakacapable na mag-alaga sa kanila! That I say, despite your injury! Look after them Ly, hindi kasi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari once naroroon na kayo sa lugar na iyon. Kung sakali mang may hindi kanais nais na insidente o pangyayari, tumawag ka kaagad sa amin!" There is a hint of concern on Rafael voice.
"Makakaasa po kayo tito! Ako na'po ang bahala sa kanilang lahat. Hindi ko po sila pababayaan!" Mariin niyang wika.
Huminga ng malalim ang ginoo.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.