Saktong dalawang linggo matapos ang pag-uusap sa pagitan nila Alyssa at doña Martha mangyayari na ang pormal na awarding ng land titles.
Matapos dumating ang buong mag-anak ni Jaime, napagkasunduan ng lahat na ngayong araw na ito na idadaos ang pormal na awarding. Dalawang araw magmula ng makarating ang mga ito.
Simple lang naman ang magiging programa. Ang mayor, ilang mga malalapit na kaibigan ng pamilya Lazaro at ang mga representative lang ng government agency na may kaugnayan sa usapin patungkol sa lupa ang siyang imbitado.
"Sa mga bisitang nandirito at sa mga trabahador ng hacienda na siyang panauhing pandangal ng selebrasyong ito, binabati ko po kayong lahat ng isang napakagandang gabi." Wika ng isang babaeng siyang magsisilbing emcee ng programa. Nakatayo ito sa isang makeshift stage na nasa gitna ng malawak na hardin ng hacienda.
Pormal ng nagsimula ang programa. Hindi maitago ng mga obreros ang saya at excitement. Magmula nga noong araw na natanggap nila ang napagandang balita, halos hilahin na nila ang oras para mapabilis lamang ang pagdating ng araw na ito, ang araw na siya nilang pinakahihintay.
Matapos ang ilan pang mga sandali tinawag na si Doña Martha para magbigay ng kanyang mensahe.
"Kung wala ang mga masisipag at tapat nating mga trabahador wala tayo ngayon dito Martha, wala ang hacienda. Noong nabubuhay pa ang aking asawa ang mga katagang iyan ang madalas niyang banggitin. Binigyan niya ng labis na importansiya ang mga taong dugo at pawis ang ipinuhunan para mapabuti ang aming kabuhayan. Naglatag siya ng mga programa para sa ikabubuti ng buhay ng mga ito. At isa nga sa mga programang iyon, ay ang pamamahagi ng lupa sa mga karapatdapat na pamilyang nagtatrabaho para sa hacienda. Ngunit dahil sa mga hindi maiiwasang sirkumstansiya hindi nabigyan ng pagkakataon ang aking asawa na maisakatuparan ang mithiin niyang iyon." Tumigil pansumandali sa pagsasalita ang doña at tinitigan ang direksiyon kung saan nakaupo si Alyssa.
Nakaupo ang dalaga sa pwesto mismo ng mga obreros, katabi nito ang mag-asawang Rene at Susana pati narin sina Val at ang asawa nitong si Ruby, sina manong Mike, manong Caloy at ang iba pang pamilyang makakatanggap ng lupa ay nandoroon rin.
"Lumipas ang mga taon at aminim ko man o hindi, hindi na namin napagtuunan ng pansin ang bagay na may kaugnayan sa pamamahagi ng lupa. Ngunit, masaya akong ipaalam sa lahat na pagkatapos ng mahabang panahon finally, napagkasunduan namin na ngayon na ang tamang panahon para maisakatuparan ang matagal ng pangarap ng aming mahal na señior Lazaro. Masayang masaya akong naririto kayong lahat para saksihan ang katuparan ng isang proyekto na siyang magsisilbing legasiya ng aking asawa." Mariin na wika ng matandang Lazaro.
Habang nagsipagpalakpakan ang mga taong naroroon. Si Alyssa naman ay natigalgal sa kanyang kinauupuan.
Natigilan siya, hindi makapaniwala sa mga katagang narinig kanikanina lamang.
Ano daw? Bakit ganoon ang naging talumpati ng doña? Lahat ng credit at acknowledgement ay binigay nito sa namayapang don? Ni isang beses na pagbanggit sa pangalan ni Alyssa ay wala.
Ang mga trabahador na nakapaligid kay Alyssa ay sabay sabay na napatingin sa kanya. Pati ang mga ito ay nagtaka at nagulat sa deklarasyon ng doña.
Nanatili sa gitna ng entablado ang matandang doña at pasimpleng tinitigan si Alyssa. Tinging mapanghamon.
Napansin iyon ng mag-asawang Rene at Susana pati na ng ibang trabahador.
"Anak, kung gusto mo umalis nalang tayo." Narinig niyang wika ni tatay Rene. Si nanay Susana ay mahigpit na pinagsalikop ang mga palad nila ni Alyssa.
Alyssa felt uncomfortable alam niyang nakatoon parin sa kanya ang buong atensiyon ng doña. Gusto nalang nga niyang magwalk-out, ngunit kung gagawin niya iyon lalo lamang siyang mapapahiya at paniguradong magsisisunuran ang kanyang mga kasama.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.