Thursday after lunch.
Den's dragging herself back into her office. She, together with her team and some senior Engineers just came from a site inspection.
"Good afternoon miss Dennise. Miss Bea's inside po, she's been waiting for you." Celine, her secretary informed her.
"Good afternoon Celine. How long has she been there?" She asked back.
"Close to thirty minutes na po siyang nasa loob ng office niyo miss! I told her, you went on site, and more likely hindi po kayo makakabalik kaagad. She said she'll just wait for you. I let her inside your office." The secretary politely answered.
"I didn't know nakabalik na pala siya. Thank you Celine." Dennise gave her secretary a smile before heading towards her office.
"Welcome miss D!" Pahabol pa nito.
"Hey Bei, I didn't know you're coming. Kelan ka bumalik?" Buong galak na binati niya ang kapatid.
Mula sa pagkakaupo, ay kaagad na napatayo si Bea.
Lumapit siya sa kapatid sabay yakap dito.
"Earlier today ate. How are you?" She said ng magbitaw sila.
"I'm okay, kaso ito masyadong busy. Kagagaling ko nga lang ng site. We did some inspection, next week uumpisahan na ang project." Imporma niya sa kapatid.
Inilapag niya ang bag sa table at naupo sa couch. Ganoon din ang ginawa ni Bea, naupo rin ito katabi ng kanyang ate.
"Magiging busy ka na naman niyan ate."
"Sobrang busy you mean Bei. But I got no choice, that's my job. Wala ako sa lugar para tumanggi, I was tasked to do the job, responsibilidad ko iyon bilang isang hamak na empleyado ng firm, plus bawal tanggihan ang blessings Beatriz. Ano nga pala ang ipinunta mo dito? Don't tell me, ganoon mo ako kamiss na ako kaagad ang pinuntahan mo after mong makabalik." She smiled, teasing her younger sibling.
Over the weekend, Sunday evening to be exact, ay umalis si Bea. She went to Singapore. May three day scheduled conference itong kailangan daluhan sa bansang iyon. Naturalmente, may kaugnayan iyon sa sarili nitong trabaho.
"Hindi ba pwedeng iyon talaga ang rason kung bakit ako nandito ngayon? Na namiss talaga kita ate Den?" Bea raised her brow.
"Flattering, and nakakataba ng pusong isiping ganoon nga but, I knew you enough para hindi maniwala sa sinabi mo Beatriz!" Den cackled.
"Nakakainsulto!" Ingos naman ng nakakabata niyang kapatid.
"Hahaha. Sabihin mo na kasi kung bakit ka nandito." Natatawa paring wika ng dalaga.
Bea cleared her throat. Nagbagong bigla ang aura nito. Biglang nagkatensiyon.
"When was the last time you saw ate Ly?" Seryosong tanong ni Bea.
"Can't exactly remember when was the last time we saw each other. I presumed that was last week pa." Nangunot ang noo ni Dennise ng marinig ang tanong na iyon ng kapatid! Seriously? Iyon talaga ang ipinunta niya dito? Ang tanungin siya king kailan niya huling nakita si Alyssa?
"What day's today ate?" Napasandal ito sa couch sabay napatingala sa kisame!
Naguguluhan at nawiwierduhan man sa inasal ng kapatid ay ipinagpatuloy parin ni Dennise ang pakikipag-usap dito.
"Thursday, third day of July, 2023!" Umusog siya at isinandal din sa armrest ng couch ang likod sabay tinitigan ang kapatid.
"Wala ka bang nakalimutan last week ate Den? Special occasion maybe?" Nakapikit na ito habang patuloy parin na nakatingala sa kisame.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.