32: Why

596 27 4
                                    

A Few Weeks After.

"So, where is he Dennise?" Her father tries his best to sound as calm as possible.

"He's still in the US dad." Tipid niyang wika.

"Ikaw ba never mong napunang may kakaiba sa kilos ng Dominic na iyon? Matagal kayong nagkasama, it's a surprise na hindi mo manlang napansing may kakaiba sa kanya." Her father continues.

"He's acting normal naman whem I'm around, walang kaduda duda sa mga kinikilos niya. Nagulat nalang din ako ng aminin niyang hes gay." As much as possible gusto ni Dennise na maging kapanipaniwala ang lahat ng lumalabas sa kanyang mga bibig.

"He's just too good in keeping secrets dad. Kita mo walang nakaalam sa secret niya?" Sabat ni Bea, sabay tawa.

"Beatriz!" Agad siyang sinuway ng ina.

"I am just saying the truth mom. Too bad nabiktima niya si ate." Isang makahulugang titig ang pinukol ni Beatriz sa gawi ng kapatid.

"If ang tinutumbok mo is iyong pinalabas niya sa akin, sa atin, pati na sa ibang tao that hes straight, and is very much into me well, he kinda succeeded with that. But, I too appreciate the fact na nagawa niya paring maging honest sakin on the last minute. Hindi na niya pinaabot sa puntong kasal na kami before siya umamin." Binaba ni Dennise ang kubyertos at pinunasan ng napkin ang bibig.

Hindi niya sasabihin sa mga ito na matagal na niyang alam na gay si Dom.

"Hindi ibig sabihin noon hindi ka niya niloko. Look at the extent ng ginawa niya? You are all over the headlines Dennise. Nagkalat na sa lahat ng social media flatforms iyong eskandalong kinasasangkutan ninyong dalawa. Daig niyo pa ang celebrity na pinagpipyesyahan ng mga tao." Halata ang frustration sa tinig ng kanyang ama.

Sino nga bang ama ang matutuwa na ginagawang talk of the town ng media saka ng mga Marites ang pribadong buhay ng isa sa pinakamamahal niyang anak? Hindi ba't wala?

"Lilipas din lahat ng iyan dad. Bago palang kasi kaya ganyan kung pag-usapan, give it a week or two huhupa din iyan." Anna tried to pacify Jaime. Hinawakan pa nito at banayad na hinaplos ang braso ng asawa.

"Tell that Dominic to go and see me when he comes back, Dennise." Kalmado na nitong wika pagkatapos.

"But, dad? Kailangan pa ba talaga yan? Nakapag-usap na naman kami, nagkaintindihan na. Wala na akong nakikitang rason para harapin ka niya. Plus hindi ko alam kung kailan or babalik pa ba iyon." Pinigil ni Dennise na mapa-eye-roll dahil sa sinabi ng ama.

Wala na nang problema sa pagitan nila ni Dominic pero itong tatay niya paka overacting!

Dennise knew all too well na mangyayari at mangyayari ang pag-usap na ito. Kaso, imbes na dalawa sila ni Dominic makipag-usap sa mga nakakatanda, ang ending mag-isa siyang humarap sa mga ito! Hindi pa kasi nakakauwi galing ng US si Dominic at Alvin.

Masyadong nawili sa honeymoon ang dalawang iyon. Lol!

Iyon lang ang bagay na ikinayayamot ni Dennise. Bago palang kasi sila umalis ng bansa. Iyong sa bar palang kasama sila Fille, nasabi na ni Dominic na pagkarating na pagkarating nila ng Pilipinas galing Amerika, magkasama nilang haharapin at kakausapin ang magulang ni Dennise. Pero nadah! Hindi iyon ang nangyari!

But then again hindi naman kasi talaga iniexpect ni Dennise na ito ang sasalubong sa kanya pag-uwi niya ng Pilipinas.

Ilang segundo palang siyang nakatayo sa gate ng NAIA at naghihintay sa pagdating ng kapatid na siyang susundo sa kanya ay kapunapuna na ang dami ng taong pumalibot sa kanya. Nakilala niyang reporters ang majority ng mga taong iyon.

Masked, UnmaskedWhere stories live. Discover now