At around eleven in the evening Dennise bid her cousin goodnight. She went straight to her room feeling a little down. Alyssa has yet to send her any message!
A thankful sigh escapes her, the moment she stepped inside her room. There is no trace of her sister nor of her bestfriend in there. A bottle of wine, five or more bottles of beers, empty chiciria packets and those used wine glasses where the only ones left.
"Good thing, sa iisang area lang sila nanatili the whole time." Den whispered after a meticulous look-over of her room. If nagkalat or nanggulo pa kasi ang dalawa, ibang usapan na iyon!
After spending a good three minute of pagmunimuni, Dennise decided na its time to do her nightly rituals.
She all so slowly started making her way to the bathroom.
Nang makalabas ng bathroom agad siyang nagbihis saka naupo sa kanyang vanity dresser para ayusin ang sarili at tuyuin narin ang buhok.
Habang ginagawa ang lahat ng iyon, panaka-naka din niyang tinatapunan ng tingin ang cellphone na nasa ibabaw ng kanyang kama. Hoping against hope, na magparamdam ang taong kanina pang laman ng kanyang isipan.
Hindi niya maiwasang maoverwhelmed sa mga emosyong nadarama. This is all new to her. Matagal tagal na panahon narin ang lumipas mula ng huling beses siyang makaramdam ng ganito. Hindi mapakali, tuliro at puno ng pag-aalala. Nag-aalala siya sa taong mukhang wala namang pakialam sa kanya. Isang buntong hininga uli ang pinakawalan niya sabay pilig ng ulo. Nahihibang na talaga siya!
Sa tulong ng hair drier nagawa niyang tuyuin ang sariling buhok in no time. Ilang beses niya pang pinadaanan ng hair brush ang buhok bago ibinalik sa tamang lugar ang aparatong ginamit. Tumayo na siya pagkatapos noon at agad na humiga sa kanyang kama, katabi ang cellphone.
Habang nakahiga at napatitig siya sa kisame, kahit anong pilit niyang huwag mag-isip ng kung anu-ano, napakarami paring scenarios ang walang humpay na nagsusumiksik sa kanyang isipan, at ang ugat ng lahat ng iyon? Ang hindi pagtext ng dalagang Valdez!
Ang pinaka-negative ay ang posibilidad na naaksidente si Alyssa dahil sa kasamaan ng panahon.
Napapikit siya sabay marahas na napailing. Paraan niya para iwakli ang napaka-negatibong isiping iyon.
Para madestress siya, sinubukan nalang niyang mag-isip ng positibo. Mga bagay na pwedeng maging rason ng hindi pagpaparamdam ni Alyssa, malayo sa mga unang scenarios na kanyang naisip.
Isa nga doon ay ang posibilidad na hindi pa tapos mag-usap si Alyssa at si Felipe Villarama. Pero agad ding kinontra iyon ng kabilang bahagi ng kanyang isipan. Based kasi sa digital clock na nasa kanyang mesa, malalim na ang gabi, at sa mga oras gaya nito. malabo nang nag-uusap parin si ginoong Villarama at si Alyssa.
Isa pa sa posibilidad, ay iyong dahil sa sobrang naging busy ang araw ni Alyssa, pagod ito at dahil sa labis na kapaguran nakatulog na kaagad, after makipag-usap kay Felipe.
Pwede ring nakalimutan lang talaga nito ang habilin niyang agad siya nitong itext, pagkarating na pagkarating nito sa kabilang farm.
Ang kaisipang iyon ay lalong nagdulot ng kalungkutan sa dalaga. Sa huli nag give up nalang din siya!
That night the young architect dozed off with a troubled mind and a heavy heart.
Maaga pa ng sumunod na araw magkapanabay na nilibot nina Jaime at Rafael ang buong hacienda. Ginawa nila iyon para matingnan ang estado ng mga pananim at para kausapin narin ang mga trabahador sa kung ano ang kanilang magiging hakbang para paghandaan ang paparating na bagyo.
Dahil narin sa habilin ng doña, inutusan ni Jaime ang ilang kalalakihan na magpuntang mansion para makausap ni doña Martha.
Inutusan ng matanda ang mga lalake na maglabas ng ilang sakong bigas para ipamahagi sa bawat pamilyang nasasakupan ng hacienda.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.