Dennise manages to get hold of her emotions in time. She calmed herself. Hastily wiping the tears that is making its way down her cheeks.
"Can you get your hands off of me please?" She whispered coldly.
Nanigas si Alyssa sa narinig. Okay lang ba ang babaeng ito? Kanina lang, at sigurado siyang nangyari talaga! Nakita kasi niya. Umiyak ito, the architect looks so vulnerable and in a very delicate state. Iyon nga ang nag-udyok sa kanyang yakapin ito. But now? Sinlamig na yata ito ng isang blokeng yelo kung umakto!
"Ah, yeah of course. Sorry, hindi ko sinasadyang hawakan ka. You know refrexes!" Palusot pa niya, isang alanganing ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.
Nakita na lamang niyang umayos ng tayo ang dalaga at pinagpagan ng invisible dirt ang suot nitong dress.
"No need to explain Alyssa. Uhm, wala akong makitang rason para gawin mo iyon, but nonetheless thank you. Baka kasi napano pa ako kanina if not because of you." Pag-acknowledge narin ni Dennise sa mabilis na akto ni Alyssa.
Inobserbahan ni Alyssa ang ekspresyon ng babae.
"Nagpasalamat nga pero naka resting bitch face naman?!" Bulong ni Alyssa sa sarili. Napakaimposible talaga ng babaeng ito!
"Exactly! Iyon nga ang naisip ko. Ayaw ko lang talagang mapahamak ka." Alyssa gave the lady a toothy grin. Her way of provoking her.
"Before I forgot, salamat nga rin pala for making this party a success. I heard isa ka sa mga taong nag-effort for this." Wala paring emosyon na turan ni Dennise.
"All for nana Martha." Sabi nalang ni Alyssa. She's way too uncomfortable hearing the coldness on Dennise's voice. Namulsa nalang siya at ibinaling ang tingin sa ibang direksiyon.
"I gotta go Alyssa. Enjoy the party."
"Good to see to again Dennise!" Nasabi nalang niya habang hinahatid ng tingin ang dalaga.
Kakabalik palang ni Dennise sa kanilang lamesa ng tumayo si doña Martha at nagtungo sa gitna para marahil magpasalamat.
"Magandang gabi sa inyong lahat. Sa mga nakalipas na mga taon ang okasyong ito ay naging daan para makasama ko ang mga taong malapit at importante sa akin. Kaya sa lahat ng mga narito ngayong gabi maraming maraming salamat sa pagpapaunlak sa aming imbitasyon. Napasaya ninyo ako dahil sa inyong presensiya. Pero bago ang lahat, kukunin ko narin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang isang taong noong una, masama mang pakinggan pero nagawa kong pagdudahan ang totoong intensiyon. Ang taong ito ay hindi naging duwag at piniling maging totoo. Matapang siyang humarap sa akin at buong kababaang loob ay inamin ang nagawang pagkakamali. Pinahanga mo akong talaga. Sa kadahilanang ayaw ng taong ito na pangalanan ko siya, kaya pasensiya na pero hindi ninyo siya makikilalang talaga. Alam kong nandito ka hija. Salamat sa lahat ng effort na binigay mo hindi lang, sa party na ito kundi sa iba pang bagay, para man iyon sa akin, sa kabutihan ng mga trabahador o sa pagpapalago ng hacienda. Tandaan mong parte ka na ng pamilyang ito. Sa muli maraming salamat sa inyong lahat, enjoy the rest of the evening." Buong galak na nagpasalamat si Doña Martha sa lahat ng kanyang mga naging bisita.
Maririnig ang masigabong palakpakan sa bahaging iyon ng mansion pagkatapos magsalita ng doña.
Prenteng nakaupo at napataas kilay si Dennise ng marinig ang sinabi ng abuela. May sapantaha na siya sa kung sinumang tinutukoy nito pero dapat muna siyang makasiguro.
Nakarinig din siya ng bulong bulungan sa kung sino ang taong tinutukoy ni nana Martha, ngunit sa halip na pansinin iyon minabuti niya na lamang na tingnan ang buong paligid sa pagbabakasakaling makita ang taong iyon.
Ngunit nabigo ang arkitekto. Hindi niya ito makita, saan man mabaling ang kanyang tingin. Wala na marahil ito doon. Hindi niya maintindihan ngunit nakaramdam siya ng pagkadismaya. Napailing nalang siya at tipid na ngumiti.
YOU ARE READING
Masked, Unmasked
RomanceBehind every mask is a narrative. Unravel the mystery behind the disguise.