CHAPTER 1

62 3 0
                                    

I was sweating in nervousness. Graduation kasi namin sa elementary. Huuu! Busy si mommy sa kakamake up sakin. Si kuya naman, tinuturuan ni dad ng tamang pagtatali sa tie nya. Second year high school na si kuya. Aatend din daw siya dahil gusto nyang makita habang inaabot ko yong diploma. Proud kasi sila sakin kahit fourth honor lang ako. Hmm...if I know, gusto lang ni kuya makita ang crush nya, si Camille, ang bestfriend ko simula kinder. Hehe..tindi ni kuya, mas bata pa sa kanya crush niya.

Ay...hindi nyo pa pala ako kilala.. By the way, I am Florence Mendoza. Eleven years of young... Oh di ba? young pa naman talaga ako. Hehe.. And my kuya is Sydney Mendoza.. Galing ng names namin noh? parang mga name lang ng countries...

"Oy Florence. Tama na yang make up make up na yan. Pangit ka pa rin tapos malelate na tayo." sabi ni kuya while putting his coat.

Tss. Kung magsalita, parang hindi siya pangit. Ganda ko kaya. May pacoat coat pa. Tsk!

"Wow! Nagsasalita na pala mga poste ngayon tapos nagcocoat na rin?" ganting asar ko sa kanya. Yan! magsalita ka pa. Hahaha

Hindi man lang siya nagalit. Ngumisi pa.

"Tama na nga yan. Ok. Tapos na. Ang ganda talaga ng anak ko. Mana sakin." sabi ni mommy habang sinisipat ako. May nakita akong butil ng luha mula sa ford ng mata ni mommy. Agad ko iyong pinunasan at tiningnan ko siya nang may pagtataka.

"Mom, bakit ka umiiyak?" tanong ki sa kanya.

Ngumiti siya tapos niyakap ako.

"Hayyy...Gagraduate ka na anak. Magiging dalaga ka na."

"Naman, Nadja. Gagraduate lang anak mo, hindi mag-aasawa." sabi ni dad tapos tiningnan nya ako.

"Ganda talaga ng baby girl ko. Ano? tara na para hindi tayo malate." tapos hinila na nya si mommy palabas.

Sumu od naman agad kami ni kuya at su.akay na kami sa kotse. Nada backseat kami tapos sila mimmy sa unahan.

"Congrats lola! Gagraduate ka na in a few hours." sabi ni kuya while smiling.

"Bumati ka nga ng congratulations pero tinawag mo rin akong lola. Naman kuya! Kung ganyan ka ng ganyan sakin, hindi kita tutulungan kay Camille. Sige ka! Tatandang manong ka nyan." asar ko sa kanya.

Napangiwi siya nang sabihin ko yon. Haha...Yan! Mang-asar ba naman! It's my day kaya!

"Okay. Hindi na kita tatawaging lola. Basta wag mo lang isusumbong kay Camille ko." sabi nya habang nakapout.

"Yuck kuya! Para kang Betty Boop! Kung makapout." sabi ko.

Ngumisi lang siya. Ganyan yan kapagay hinihinging pabor, nagpapout. Aish...Pero kahit ganyan yang si kuya, love na love ko yan. Galit kaya yan sa mga nang-aaway sakin.

After 48 years...joke! After 20 minutes, nakarating na rin kami sa school. Bumaba agad ako sa kotse at hinanap si Camille.

"Mom, dad. Mauna po ako. Hahanapin ko pa si Bhesty eh." sabi ko at naglakad na.

Hinabol ako ni kuya.

"Hintay lola. Sama ako sayo." sabi nya.

"Sige! isa pang lola at goodbye ka na sa chance mo kay Camille!" pabiro kong banta sa kanya.

"Oo na. oo na. Sorry. Tara na!" tapos nauna pa syang maglakad. Tss! In love talaga.

After ng ilang ikot, I found Camille kasama ang family nya.

"Bhest!!!!!" tawag ko sa kanya at patakbong lumapit sa kanila.

"Bhesty!!!!" tapos sabay yakap sakin.

"Hi tita! Hi tito! Hi kuya Caloy!" bati ko sa family ni Camille.

"Hoy Lola Florencia! Carlo is my name, hindi Caloy. Pangit kaya nyang Caloy. Carlo oy, para mas pumogi pa ako." sabi nya sabay kindat tapos bumaling sya kay kuya. "Oy paring Sydney!" tapis naghigh five sila. Tss! Magkaibigan talaga.

"Pre!" bati ni kuya tapos bumaling siya kay Camille. "Hi Camille! Congrats! Gagraduate na rin kayo ni lola!" sabi nya tapos ngumisi sya sakin.

"Namumuro ka na kuya. Gusto ma bang isumbong kita kay Ca---" hindi ko na naituloy sasabihin ko dahil tinakpan ni kuya yong bibig ko.

"Oo na! Manahimik ka na." sabi nya tapos tinanggal na nya kamay nya sa bibig ko.

Ang lipstick ko! Aish! Kuya talaga!! Nakakainis na ha!

"Bhest, yong lipstick ko. Okay lang ba? huh?" panick kong tanong kay Camille.

Tumawa naman si Camille. "Okay pa rin naman bhest eh. You still look pretty." sabi nya.

Lumapit na mommy ni Camille samin.

"Girls, umupo na kayo don sa mga upuan nyo. Malapit nang magsimula ang program." sabi nya tapos nauna na syang pumwesto sa upuan ng mga parents.

Ilang oras pa ang lunipas at inanounce na ng principal ang pinakahihintay namin.

"Congratulations! You are now graduates of batch 2007-2008!" bati nya.

Sabay kaming nagtilian at ang iba ay nag-iiyakan sa saya. Lumapit si bhest sakin tapos niyakap nya ako.

"Congrats sa atin bhest! Sa wakas! Graduate na tayo! Huuu!" bati nya tapos naiyak rin sya.

"Yeah! Congrats satin bhesty! Wohooo!" tapos naoyak na rin ako.

Ganito ba talaga ang feeling noh? Ang saya pala grumaduate!! Sa wakas! bye bye elementary na kami. Hello high school na naman sa June!

Lu.apit na family namin at binati kami ni Camille. Nagkayayaan kami sa restaurant at doon namin isinilebrate ang graduation namin. Ang saya talaga.

"So, any plans on high school girls?" tanong ng daddy ni Camille.

"Yes tito. Napagplanuhan na namin ni Camille yan. Dito lang po kami magha-high school para magkasama pa rin kami." sabi ko.

"Yeah. Tama si Florence dad. Dito lang kami mag-aaral ng high school. Besides, dito rin naman po sila kuya Carlo at kuya Sydney." sabi ni Camille.

Sang-ayon naman silang lahat sa gusto namin dahil sabi nila, kami naman daw ang mag-aaral. Susuportahan lang daw nila kami kung ano ang gusto namin. Sabi rin nila na mas maigi daw yon para mabantayan din kami. Naman! Hindi na kaya kami mga bata!

Pagkatapos naming magcelebrate ay nagsiuwian na rin kami.

Pagdating sa bahay. Nagpahinga lang ako saglit tapos naligo. After non ay nagpaalam ako kila dad na matutulog na ako since 8:30 na ng gabi. Afternoon kasi yong graduation namin.

Pagkahiga ko na pagkahiga, pumikit ako at natulog na.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon