Rome's POVSh*t! Ano ba ang nangyari dito kay Florence? Bigla nalang hinimatay pagkatapos kong sabihin na siya ang iniisip ko. Wala namang kakaiba don eh kasi alam ko naman na ako lang ang may gusto sa kanya. Naman oh! Parang ang cheesy ko na.
Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Florence habang siya naman eh, tulog na tulog pa rin. Pinagmamasdan ko lang siya, para kasi siyang anghel eh. Ang ganda at ang cute pa niya. I know that the first time I saw her ay attracted na ako sa kanya. Ang bait nya rin kahit na nga inaaway na siya ng mga classmates namin. I never saw her got mad. Para talaga siyang anghel.
I touched her forehead. Ang kinis ng balat nya. Oy! Hindi ko siya minamanyak ah. I just can't help myself from touching her. It's like there's something pulling me to do it. Yon lang yon.
I can feel her warm breath against my fingers. Geez! It's weirder than I thought. I felt an electricity that flowed to my heart. It's so unusual but it's wonderful. Hayyy... How I wish I can stare at her forever so this feeling will last. My happiness will last.
Bigla kong binawi ang kamay ko nang kumilos siya. Then I tap her arm slowly. Dumilat agad siya and then our eyes meet. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Para akong nahihingal na nahihirapang huminga. Basta, yong feeling na kakiba pero ang saya dahil sa pagmulat ng kanyang mga mata ay ikaw kaagad ang nakita nya. Alam mo yon? Ganoon yon.
One thing I've realized at this moment, I'm starting to fall in love with her. To fall in love with Florence Mendoza.
Florence' POV
Gosh! Ang lapit na nang mukha namin kanina. Hayyy...
Naman Florence! Bakit ka ba may pa-Sleeping Beauty effect ka pa kanina? Nagsabi lang ng ikaw, Sleeping Beauty na ang peg? tanong nong mataray na boses sa isip ko.
Eh, ikaw kaya titigan ng lalaking pinagnanasaan este! Minamahal mo? Tingnan natin kung hindi ka himatayin. Tapos, nagtapat pa siya na ako ang iniisip nya. Nakakilig lang di ba? Kaya sa sobrang kilig ko, napasleep ang beauty ko. sagot ko don sa isip ko.
Teka nga muna! Bakit ko ba kinakausap utak ko? Nababaliw na ba ako?
Hindi naman. Nagmamahal ka lang at kinikilig. Eh kaso, napasobra ang reaction mo. sagot na naman nong tinig.
Hay! Mabuti pa tigilan ko na kakausap sa sarili ko at baka matuluyan na akong mabaliw. Sa ibang dahilan nga lang. He-he-he..
I looked at him. Nakatingin pa rin kasi siya sa'kin eh. Kinikilig na naman tuloy ako. Eyyy!!!
"Okay ka na ba Florence?" tanong nya sakin.
I swallowed hard kasi para may bara yong lalamunan ko.
"Y-yeah. I'm f-fine." I stuttered.
Then he smiled gently. Oh gee!!! Kinikilig na naman ako. Ang sarap talaga sa feeling just seeing him smile at me.
Tiningnan nya ang wristwatch nya and then turned to me.
"Mas mabuti siguro kung umuwi na tayo para makapagpahinga ka. Para kasing hindi ka okay kanina nang himatayin ka." he said and smiled again.
Oh please! Stop smiling at me at baka magkaroon ng take two ang Sleeping Beauty.
Pero wala akong nagawa eh, I smiled back at him and nodded. Mas mabuti na siguro kung umuwi nalang ako. Hindi na kasi kaya ng powers ko kapag nagtagal pa kaming dalawa dito."Sandali lang at tatawagin ko si Manong." sabi nya.
Tumango lang ako sa kanya at pinanuod siyang umalis. Ang gwapo talaga nang mahal ko kahit nakatalikod.
Ang swerte ko kapag naging kami ni Rome. Sana lang, yong "IKAW" nya kanina eh may meaning. Hayyy...
Nakakabaliw talaga ang pag-ibig kapag masyadong iniisip.
***At the house...
Hinarap ko si Rome at nginitian.
"Salamat sa oras Rome ah? I really enjoyed our day." sabi ko sa kanya.
Bahagya siyang natawa kaya napakunot-noo ako. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko? Namumuro na tong lalaking to sakin eh!
"Bakit ka natawa?" takhang tanong ko kahit medyo naiinis ako.
Umiling-iling siya. Eh? Naman! Wala daw eh tapos na. Tinawanan na nya ako.
He held my hand and looked at me intently and smiled. Gosh! Hindi na talaga magiging normal ang heartbeat ko kapag nasa malapit lang sya at ngingitian ako."Sweet, ako rin. Kahit half day lang at wala tayong masyadong napag-usapan, I still enjoyed our day." sabi nya at seryoso talaga mukha nya.
Oh? Ano na naman kayang kalokohan to? Parang sarcastic kasi pagkakasabi nya sa enjoyed eh.
"Now you're being sarcastic." sabi ko sabay irap sa kanya. Nakakainis na ha. Isa nalang at makakatikim talaga sya sa'kin. Hmmp!
"Hindi ah. Nag-enjoy nga talaga ako kahit tinulugan mo ako nang basta basta lang." sabi nya at seryoso talaga mukha nya tapos may matching taas pa ng kaliwang kamay. Sinamaan ko sya ng tingin kaya naman ibinaba nya agad ang kaliwa at ang kanan yong itinaas nya. Akala nya hindi ko napansin.
"Ewan ko sayo!" sabi ko sabay irap sa kanya. I was about to hold the doorknob when it opened. Si kuya lang pala.
Agad kong binawi ang kamay ko na hinawakan ni Rome.
"Oh! Pareng Rome!" bati ni kuya kay Rome at agad bumaling sakin. "And aga namang natapos ng date nyo. Nagsawa na agad?" tanong nya at tsaka tumawa. Baliw din tong si kuya eh.
Si Rome ang sumagot.
"Pareng Sydney. Ikaw pala. Ahh.. Sumama kasi ang pakiramdam ni Florence kaya hinatid ko nalang sya pauwi."
"Ahhh.. Teka! Sumama?" tapos agad syang tumingin sakin. "Ano bang masakit sayo bunso?" tanong nya at hinawakan ako sa magkabilang balit tsaka tiningnan mula ulo hanggang paa.
Ayan na naman po sya. Nabaliw na nga talaga to si kuya.
"Relax kuya. Hinimatay lang ako. Walang masa--"
"Hinimatay!? Bakit!? Buntis ka ba bunso? Sino ang ama? Si Rome ba!?"
"Kuya. Hindi po ako buntis. Wala namang nangyari sa'min dahil nagdate lang po kami! At tsaka! Ang bata ko pa para sa bagay na yan! Kainis ka kuya!" maktol ko sa kanya.
Over naman kung makareact eh. Bata pa kaya ako para pasukin ang mga bagay na ganyan.
"Totoo ba yon Rome?" paninigurado nya. Nakakainis na talaga! Masasabunutan ko si kuya nito eh!
Natawa naman si Rome.
"Naman pareng Sydney! Ang babata pa namin ni Florence para dyan. Tsk! Tsk! Tsk!" sabi nya with matching iling. Then he looked at me, smiling. Gosh! How could a guy like him looked cool? Naiinis na nga ako rito tapos sya, cool lang?
"Ah... He-he-he... Akala ko kung ano na." sabi nya at inakbayan ako.
"Ah... Sige. Uuwi na ako." paalam. ni Rome samin ni kuya.
"Sige pre! Salamat sa paghatid mo dito sa lola ko." sabi nya habang tinatapik ang balikat ko. At nang-asar pa talaga.
Tumango lang sya habang nakangiti. Bumaling sya sakin.
"Walang anuman. Basta para kay Florence." he said sincerely. I saw something in his eyes. Hindi ko lang alam kung ano yon. "Sige Flor, una na ako. Pahinga ka lang ha?"
Tumango lang ako at umalis na sya. Hayyy... Ang sweet nya pa rin.
Nagpaalam agad ako kay kuya na magpapahinga na ako. Pag-akyat ko sa kwarto ko ay sya ring pagtunog ng phone ko. It was from Rome. Pumasok muna ako sa kwarto at humiga bago ko binuksan yong message.
[Really sweet. Nag-enjoy talaga ako. Kahit siguro hindi tayo mag-uusap bastat nasa tabi lang kita, mag-eenjoy pa rin ako. Sige... Pahinga ka muna. Take care... sabi nya sa text.
Gee! Ang sweet sweet nya talaga. Nakakain love na masyado. With that thought, I fell asleep.
