Chapter 12

12 1 0
                                    


Pagkatapos ng ilang minutong byahe, huminto kami sa isang  pier. Ang ganda ng lugar kahit mukha syang abandunado. May mga flower pots pa naman na nagbibigay buhay at kulay sa paligid pero wala nang mga barko na nakadaong. May waiting sheds pa rin pero mukhang hindi na pininturahan uli. Mukhang luma na kasi pero malinis na malinis pa rin.

Nakarating kami ni Rome sa pinakadulong parte ng pier kung saan tanaw namin ang maasul-asul na dagat at ang kalangitan na kay liwanag tingnan. Everything looked very clear and peaceful.

I took a deep breath. Ang sarap sa pakiramdam. I turned to Rome and saw him facing the sea pero nakapikit siya at bahagyang nakangiti.

Ano kaya ang iniisip nya? Para rin syang anghel tingnan. Hayyy......Mas lalo akong naiinlove sa kanya eh. Ang sarap nyang titigan maghapon. Sana, kahit minsan, sumagi din ako sa isipan nya. I wish he will think of me as a woman, not just his friend. Gusto kong maranasan kong paano mahalin ng isang Rome Cantillor.

Dahil siguro sa malalim kong pag-iisip habang nakatitig sa kanya kaya di ko agad namalayang nakatingin na sya sakin. He looked at me with amusement.

"Ano ang iniisip mo?" tanong nya sakin habang nakangiti.

Gosh!!! Nag-iinit na naman pisngi ko. Napayuko nalang ako. Naman eh!

Lumapit sya sakin ilang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Shocks! Ano ba ang gagawin ng taong to sakin? Parang nakakakaba at nakakakilig.

"Ano nga ang iniisip mo at sa akin ka pa  nakatitig kanina?" tanong nya ulit sakin.

Nakayuko lang ako kasi parang di ko kakayanin kung makaka eye to eye sya. Nahihiya na talaga ako.

"W-wala. Wala yon." kaila ko.

Thin I saw his feet inches away from mine. I felt him touch my chin then held it. He made me face him and then our eyes met.

Lub dub..Lub dub...Lub dub...
Pasaway na puso to eh! Nagpaparamdam na naman.

"I know there is something behind your nothing, Florence. Come on, you can tell me." pag-eencourage nya sakin.

Sabihin ko kaya? Ay wag nalang. Baka sabihing may gusto ako sa kanya.

Wala nga ba? In love ka na nga di ba?  tanong ng isang tinig sa isip ko.

Kahit na. Ayaw ko namang magmukhang atat sa kanya noh? At tsaka, ang babata pa namin para sa gusto gusto na yan.

"Ahm. Naisip ko lang kung ano ang iniisip mo kasi parang ang lalim eh tapos may papikit-pikit effect ka pa." Sana ako nalang ang iniisip mo kanina. Idadagdag ko sana kaso naunahan ako ng hiya eh.

He smiled. Yong smile na parang may lungkot. Ano kaya ang meron kanina?

"Rome?" untag ko sa kanya kasi nakatingin na naman sya sa dagat at nakapikit.

"In this place, I find peace. Narerelax din ako kapag nasa tabing dagat ako. I discovered this place a week before our classes. Naglilibot kasi ako kasama yong driver  namin." sagot nya sakin habang nakapikit at nakaharap sa dagat. Delikado tong tao na to, baka maisipan pa nyang tumalon dahil sa boredom.

"Ah Rome, pwede ka namang magsalita nang nakadilat at hindi nakaharap sa dagat. Baka makalimutan mong nasa tabing dagat ka at bigla ka nalang tumalon. Kapag nagkataon, mamatay ka pa. Paano nalang ak---.. Ay! Baka hanapin ka ng mga magulang mo at ako pa ang sisihin." palusot ko sa kanya. Weew! Muntik na ako don ah. Ang daldal mo talaga Florence!

Bigla nalang syang tumawa. Hala! Baka nabaliw na to. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko ah.

"Oy Rome!" saway ko sa kanya. Tawa pa rin sya ng tawa eh.

" You wanna know kung sino ang iniisip ko kanina?" tanong nya, nakangiti pa rin nyang sabi.


Utang na loob Rome, mas lalo akong naiinlove sayo eh. Wag ka munang ngumiti please? Pagpahingahin mo muna ang puso ko sa pagtatumbling.

Tumango ako habang nakamasid lang sa kanya.

"Ang iniisip ko kanina ay.... IKAW." sabi nya sakin while looking straight into my eyes.

Lub dub..Lub dub..Lub dub...

Bakit parang mas mabilis pa ang pintig ng puso ko ngayon? Parang hihimatayin ako. Bago pa ako makapagsalita, everything went black.

I love you Rome...

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon