Pagkatapos akong hilahin ni Rome kasama si bhest papunta dito sa canteen, nakaramdam agad ako ng gutom. Kayo kaya hilahilain, tingnan natin kung hindi ba kayo gugutumin.
Tss! Lakas din makahila ng isang to, ah. Si bhesty naman, pumila agad para bumili ng makakain nya. Lumingon sya samin ni Rome na nakaupo na malapit sa counter.
"Anong gusto nyong kainin? Ako nalang o-order pero kayo ang magbabayad." sabi nya at ngumisi pa.
"Coke in can at presto creams na chocolate. Anong sayo Florence?" baling sakin ni Rome.
"Ah...Orange juice at presto creams din na chocolate." sagot ko habang nakatingin kay bhest. Nahihiya kasi akong tumingin sa kanya eh.
"Okay." sabi ni bhest.
"Libre ko na kayo, Camille." sabi ni Rome kay bhest.
Pumalakpak naman si bhesty pagkarinig ng libre. Hindi pa rin nagbabago. Mahilig pa rin sa libre kahit mayaman sya. Tsk. Tsk. Tsk.
"Oo ba! Sabi mo eh. Ang sareeep talaga ng libre!" nakangising sabi ni Camille. Nakakahiya talagang babae na to.
Kakakilala pa nga lang namin kay Rome, tumanggap agad ng libre. Pambihirang babae! Tumawa lang si Rome sa kilos ni Camille. Mabait pala ang isang to. I thought, maarte. Hindi pala.
Pagkatapos umorder ni bhesty, umupo agad sya sa tabi ko at kaharap namin si Rome.
"So, ano ang ginagawa ng parents nyo ngayon? I mean, saan sila nagtatrabaho?" tanong samin ni Rome.
Si Camille ang unang sumagot since mas madaldal sya kahit kakakilala palang nya sa isang tao.
"Ah.. My dad owns a chain of restaurants while my mother owns a parlor. I have a brother, Kuya Carlo. Carlo is his name and he also studies here. 3rd year na sya." sabi ni Camille while eating her sandwich.
"Ah... You're family is into business pala." sabi ni Rome.
"Yeah. They want to be rich kasi." sabi uli ni bhesty.
"Ang sabihin mo, they want be richer. Tsk!" singit ko at ngumisi sa kanya.
"Okay lang. Sabi kasi nila, para sa future namin ni kuya ang ginagawa nila." tapos kumagat na naman sya sa sandwich nya. Matakaw pa rin.
"That's good." sabi ni Rome at bumaling sakin. "How about your parents, Florence?" tanong nya sakin.
Nilunok ko muna ang kinakain ko bago sumagot.
"My dad is into real estate business. My mom is into cosmetics at may kuya rin ako. His name is Sydney and Camille's kuya is his classmate and friend." sabi ko.
Tumangutango sya.
"Ang galing ng mga business ng family nyo. Well, my dad is planning to put a new business here aside from handling lolo's company. Ayaw nya kasing umasa sa kompanya ni lolo. Gusto nyang may maitayo sa sarili nyang sikap." kwento nya samin.
Ayos din pala tatay nito. Hindi umaasa sa pinaghirapan ng iba. Wala kayangbkapatid tong si Rome? pero naunahan na akong magtanong ni Camille.
"Wala ka bang kapatid Rome?" tanong nya.
Ngumiti si Rome but may kaunting sadness doon.
"Meron sana, kaso nakunan ng ilang beses si mommy bago ako nabuo. Kaya nga forty three na sya at thirteen pa lang ako." he said and smiled again but this time, may longing na rin. "How I really wish to have a sibling. Nakakalungkot din kasi kung minsan. Wala kasi akong kalaro pag nasa bahay na ako. I only play with my yayas, with mom or dad and sometimes, I play alone." dagdag pa nya.
I touched his hand. Letting him feel na nandito lang kami ni Camille, na nandito lang ako. Ready kaming maging kaibigan o kalaro sya.
"Okay lang yan. Florence and I are here para may makalaro ka na at makausap. Di ba, bhest?" baling sakin ni Camille sabay tapik saking balikat.
"Yeah. We'll always be here for you. So, friends na talaga tayo ha?" I asked then smiled sweetly.
"Yeah.. Friends!" sabi nya at nagshake hands kaming tatlo. Nagkatawanan kami sa ginawa namin.
Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan at napag-usapan na naming bumalik sa classroom dahil malapit nang magstart ang next subject namin.
Naglalakad na kami ngayon pabalik sa classroom namin at pagdating namin, all eyes yong girls samin. Umismid pa yong, Kaye yata yong maarte at isnabirang babae na yon. Then she gazed at Rome. She smiled seductively. Halata talagang may gusto agad sya kay Rome. Yong mga nasa likuran nya, panay rin pacute kay Rome.
Nakakainis talaga sila. Lalong lalo na yong Kaye na yon. Kung makatingin, parang ang pangit na namin ni Camille. Halatang mabigat ang dugo samin ng babaeng to.
Hindi nalang namin sila pinansin at umupo na kami sa mga upuan namin katulad nong kanina. I really don't like the way Kaye looked at me. She's like saying she hates me a lot.
Hayyy... Wala pa ngang kalahating araw, heto agad at may galit na sakin. As far as I can remember, I haven't done anything to pissed her. Naramdaman siguro ni Rome na may iniisip akong malalim dahil tiningnan nya akong nakakunot ang noo.
"Okay lang ako kung yan ang inaalala mo." I said.
He smiled and whispers something.
"Just let them think what they want to think about you. I know and I can feel it that you're a good person."
Now that gave me shiver. Para akong kinuryente don sa sinabi nya. Plus,dumadampi din hininga nya sa tenga ko. Nararamdaman ko na naman na parang nagkakagulo na ang sistema ko. I cant hardly breath. Malakas din ang pintig ng puso ko.
I think this is not good anymore. Everytime he smiles, looked at me and touch my hand, it brought emotions I can't name and makes me hard to breathe. I think I really need to see a doctor or a psychiatrist to explain all of these.