Chapter 7

14 2 0
                                    

Pagdating ko sa school. Wala pa si bhesty at Rome. Hayyy.. Mabuti nalang at wala pa ang crush ko para makakilos ako ng maayos. Nakakaconcsious kasi pag nandyan sya.

Lumapit ako sa kumpulan ng mga kaklase kong babae.

"Ah. Good morning sa inyo." bati ko sa kanila. Tiningnan lang nila ako tapos tinaasan ng kilay.

"Ahm... May I join in your conversation?" tanong ko sa kanila.

Sumagot yong isa naming kaklase na babae.

"Hindi kami nakikipag-usap sa mga malalandi na katulad mo." mataray na saad nya.

What!? Malandi ako? Hindi pa ba tapos yong kahapon na "malandi" issue na yan? Second day pa naman ng school ah. Hindi ko naman alam na ganito pala tingin nila sakin sa loob ng dalawang araw. They're so judgmental.

"What!? Bakit nyo naman nasabi na malandi ako? Eh, pangalawang araw pa nating magkaklase ah at wala rin akong nilalandi." sabi ko sa kanila. Malapit na magsalubong ang kilay ko.

"Yeah. You're flirting Rome. So it means, malandi ka!" sabad naman nong isa na kamukha ni Kakay.

I closed my mouth tightly para hindi ko sila masagot agad. Mahirap na, maldita talaga ako pag inunahan na. Nagpapasensya lang ako ng kaunti.

"I am not flirting Rome. Mabait lang talaga sya at palakaibigan and, I'm a friendly person too sa mga taong gustong maging kaibigan ako." I said calmly.

Lumapit yong tatlo pa naming classmates na babae. Yong isa, hinablot ang braso ko. Medyo masakit yon ah. Patience muna Florence.

"Let go of my arm." I said firmly. Mga war freak talaga mga tao dito. Kahapon sina Kaye, tapos iba na naman ngayon? I can't see anything wrong I've done para awayin nila ako.

"Who are you to order me like that, bitch?" tanong nong isa na mahaba ang buhok pero kulot. Nakuuu! Pag ako, nagalit ng tuluyan, tutuwid talaga yan pag ako humablot nyan!

"Yeah. At bakit ka dito nag-aaral? Mayaman ka ba?" tanong nya sakin.

Mayaman naman kami pero hindi ako mahilig magmukhang mayaman kaya simple lang akong tingnan. Naman! Laitin ba naman ako?

Ngumiti lang ako sa kanila. Hinablot ko ang braso ko na hinahawakan pa rin nong isa kong classmate. Tapos naglakad nalang ako palabas. Malapit na ako sa pintuan ng hablutin ng isa kong kaklase ang buhok ko.

"We're not yet done bitch! Don't you dare turn your back from me!" sigaw nya sakin.

Masakit na talaga! Sumusobra na sila! Gyera na kung gyera!

I grabbed her arm at pinilipit iyon. Marunong kaya ako ng kunti ng martial arts. Napa-aray naman sya dahil don kaya nabitiwan nya ang buhok ko. Sinampal nya ako. Masakit yon ha!

"Bitch!" sigaw nya at akmang susugod na naman sya at ang mga amiga nya ng sampalin ko rin sya ng ubod ng lakas. Para syang nahilo don. Buti at nasalo sya ng mga kampon nyang kalahi rin ni satanas.

"Next time that you will call me that name, make sure you're not calling your own self. And by the next time you will lay a finger on me, start praying hard cause you are not going to like what I am going to do with you. I am capable of what I say so beware." sabi ko at pumunta na sa labas ng room.

Nakakahigh blood talaga sila! Buti hindi ko sya sinipa sa mukha dahil kung nagkataon, hinding-hindi na talaga sya titingin pa sa salamin.

Inaayos ko ang buhok ko nang dumating si bhesty at si Rome. Tss. Nandito na ang sanhi ng lahat. Tumakbo kaagd si bhesty sakin at nag-aalalang nagtanong.

"Bhest! Bakit ganyan itsura mo? Ano bang ginawa mo?" tanong nya sakin.

"Nakipag sparring lang ako ng kunti sa mga classmates natin bhest. Mukhang hindi tinuruan ng mga nanay nila ng magandang asal." sagot ko at ipinagpatuloy ang pag-aayos sa buhok ko.

"Ano ba ang nangyari? Bakit ka nila inaway!? Nakuuu! Resbakan natin bhest! Hindi ako papayag na inaaway ka nila! Hindi rin ako papayag ng walang exercise ngayon!" sabi nya at papasok na sana kaya lang nahawakan agad sya ni Rome.

"Ano ba Rome? Bitiwan mo nga ako." reklamo ni bhesty.

Binitiwan nya si bhesty at nanatili naman itong nasa tabi nya. Lumapit pa sya ng kaunti at hinawakan ang mukha ko. Oh my!!! Nag-rarumble na bituka ko sa loob! Ang weird ng feeling pero ang sarap sa pakiramdam. Inilapit nya mukha nya at bumulong.

"Ayos ka lang ba? May maskit ba sayo?" Rome asked in the most gentlest voice I've ever heard.

Lumunok ako. Bigla nalang kasing nanuyo lalamunan ko.

"O-okay lang ako." sagot ko sa kanya.

Ngumiti sya at hinawakan kamay ko at pumasok na kami sa loob. Ang sama ng tingin nila sakin pero wala na akong paki! I'm too busy feeling the emotions habang magkahawak ang kamay namin ni Rome.

I felt weird but I love this feeling.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon