Chapter 6

10 2 0
                                    

Maaga na naman akong nagising.But this time, magaan na ang pakiramdam ko. Bahala na sila kung ano ang sasabihin nila. Naligo agad ako at nagbihis tapos bumaba na ako para kumain ng breakfast.

Naabutan ko si dad na nagkakape. Lumapit agad ako at humalik sa pisngi nya.

"Good morning dad. " bati ko sa kanya atsaka umupo sa kaharap nyang upuan.

"Good morning baby girl." sabi nya tapos kumunot noo nya.

"Bakit dad?" I asked, puzzled.

"Why didn't you joined us for dinner? May sakit ka ba?" tanong nya.

I was about to answer nang dumating si mom galing kitchen.

"Oh anak. Okay ka na ba? Sabi ng kuya mo, sumakit daw ulo mo kagabi kaya maaga kang natulog. Hindi ka rin kumain ng dinner." sabi ni mom na puno ng pag-aalala.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan din sya sa pisngi.

"Yeah. Sumakit lang kunti mom, dad." maikli kong sagot sa kanila. Thank God at hindi talaga nagsumbong si kuya na umiiyak ako kagabi. Baka bigla nalang maghamon ng gyera sina dad pagnalaman nila yon.

"O, sya. Kumain ka na at baka malate ka pa. Kumain ka ng mabuti." sabi ni mommy. Nilagyan nya rin ang plato ko ng pagkain.

Bigla kong nalala sinabi ni Kaye na mataba ako nang tingnan ko kung gaano karami nilagay ni mom. Babawasan ko sana kaso dumating agad si kuya at nakabihis na rin sya. Himala ata. Maagang nagising. Hindi nya siguro napanaginipan si Camille.

Lumapit sya kela mom and dad at humalik sa pisngi.

"Good morning mom! Good morning dad!"

Tapos ay umupo na rin sya sa tabi ko. Bumaling sya sakin at ngumiti.

"Good morning, lola!" bati nya at ngumisi. Tss. Akala ko ligtas ako ngayon dahil nakita nya akong umiiyak kahapon, hindi pala.

Nginisishan ko nalang sya at binalingan ang pinggan ko. Babawasan ko nalang para hindi madagdagan ang taba ko. Nagsimula na akong sumandok ng mapansin iyon ni mommy.

"Oh, Florence, anak. Bakit mo ibinabalik yan? Ayaw mo ba?" tanong nya. Ngumiti ako ng pilit.

Sasabihin ko kaya sa kanila? Wag na, baka imbis na magkaroon ng world peace, world war pa ang maganap.

"Hindi naman mom. I just noticed this past few days na tumataba na ako." palusot ko.

"Eh, ano naman? Wag mong sabihin may crush ka na kaya ka biglang naconscious. Hayaan mo nalang sila anak. Maganda ka pa rin naman." sabi ni dad.

"Hindi dad, ah. Wala akong crush. I just want to be healthy. Kaya ganyan." I reasoned out.

"Ay sos. Ang anak ko dalaga na. May pacrush crush na sya." panunukso naman ni mommy.

Nag-init na pisngi ko don ah. Hindi naman mainit dahil kakaligo ko lang at pumapasok rin ang lamig ng aircon galing sa salas.

"Oy...Si lola, nagbu-blush. May crush na nga sya." panunukso rin ni kuya. Ang kulit talaga kahit ang aga-aga.

"Wala nga akong crush eh. At isa pa kuya, isusumbong na talaga kita sa sinisinta mo kapag hindi ka pa tumigil dyan." banta ko sa kanya. Natahimik naman sya bigla. Haha...Takot lang pala sya kay Camille eh. Teka, may crush na ba ako?

Wala naman talag akong crush eh. May nagwagwapuhan lang. Pero crush na ba yon? Ay ewan! Basta gusto ko yong ngiti nya, boses nya, at kabaitan nya. Gusto ko rin ang mukha nya dahil cute at gwapo.

Crush mo na siya. May crush ka na nga. sabi nong isang bahagi ng isip ko.

Napangiti ako don. Crush ko na nga si Rome Cantillor.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon