Chapter 14

13 0 0
                                    

Florence' POV

Sunday ngayon kaya maaga akong gumising para magsimba. Actually, kami nina daddy, mommy at kuya ang magkakasama tuwing magsisimba kami. Pagkatapos magsimba ay pupunta kami sa paborito naming restaurant para kumain. Dati na namin tong ginagawa as bonding moments namin.

Tapos na akong magbihis at mag-ayos nang tumunog ang phone ko. My heart skipped a beat when I saw on the screen the name of the caller. Parang instant na talaga tong kilig madness ko.

I took a deep breath before I answered the phone.

[Good morning sweet!] It was Rome. Kahapon pa ito tawag ng tawag ng sweet sakin ah. Ano kayang nakain nito? But somehow, it made me smile.

"Good morning din... Ang aga mo yatang tumawag? May lakad ka na naman ba?" tanong ko sa kanya.

[Yeah... And I was planning to go with you to the church.] he said. Kinikilig na naman ako eh. Akalain mo? Sasama siya sakin para magsimba?

"Hep! hep! hep!" pigil ko sa kanya kahit gusto ko nang sabihing okay.

[ Anything wrong with that, sweet?] tanong nya uli. Ayan naman yong sweet nya.

" Kasama ko kaya sina mommy. Baka magulat ang mga yon na kasama ka." sabi ko.

[Okay na sila. Actually, kanina pa ako dito sa salas nyo. Nagkakape nga sina tito eh.]

"So, alam na naman nina daddy tong pagsama mo sa'min?" takhang tanong ko sa kanya.

[Yeah. And the truth is, si pareng Sydney ang nagtext sa'kin na sumama ngayon sa inyo para magsimba.] paliwanag nya.

So si kuya talaga ang nag-invite sa kanya at alam din nina dad to? Ano to? Sabotage!?

"Hay! Sige na po. Bababa na po. Kasama ka na po namin." parang napipilitang sabi ko. Syempre. Pakipot effect din noh. Baka mamaya, sabihing excited ako. Nakakahiya kaya yon.

I heard him chuckle. Ano naman kaya nakakatawa? Nakakaraming tawa na tong Rome ne to ah.

"Oh. Bakit ka tumatawa!? May nakakatawa ba!?" mataray kong sabi.

[Eh, ba't parang napipilitan ka?] tanong nya pero I can still hear him laughing softly.

"Hindi kaya. Welcome ka nga eh." depensa ko.

Seriously? May nakakatawa talaga? Malala na siguro tong si Rome eh.

[Sige na. Bumaba ka na.] utos nya sakin. Aba aba! Nang-uutos na rin?

He ended the call at bumaba na rin ako. Pagdating ko sa baba, siya agad ang unang hinanap ng mga mata ko para makita sya.

And there he was, sitting at the opposite sofa where mom and dad was sitting. My heart skipped a beat, again for the i-don't-know how many times everytime I see him. Wow! Ang gwapo gwapo nya!

Nakasuot sya nga puting polo na may stripes ng blue at slacks na black. Nakasapatos din sya may shade ng blue at grey. Wow! Para syang isang model sa magazine na lumabas para paglawayin ako.

He smiled, his usual sweet smile. Naman! Kinikilig na naman ako. Pati nga ata atay ko kinilig. Ang gwapo nya talaga!

May abs kaya sya? tanong ng isang hitad sa isip ko.

Eh? Malay ko!? Ni hindi ko nga makita mga kuko nyan sa paa, abs pa kaya? At tsaka, ang bata pa nyan para magka abs. masungit na saad naman ng isang bahagi ng isip ko.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon