Nasa bahay ako ngayon nila Bhesty. Maaga kasi akong nagising dahil sa excitement kaya dinaanan ko nalang sya. Ay...nga pala! First day of school namin ngayon!!! Grabeh! Napakadali talagang lumipas ng araw! First year high school na kami!!! Excited na talaga ako!
"Bhest! Are you wearing our new school uniform now?" tanong nya sakin mula sa kwarto nya.
"Yup! Required kaya yon ng principal. And bhest, it really fits good on me. Ang ganda rin ng color." sagot ko naman sa kanya.
Mayamaya pa ay lumabas si kuya Carlo mula sa kusina. May bitbit syang isang slice ng loaf bread.
"Oh! Aga natin ah? Excited masyado? Hindi halata eh." sabi nya sakin tapos ngumisi pa.
Aish! Pareho talaga sila ni kuya Sydney, mahilig mang-asar!!!
"Do I need to state the obvious, kuya Caloy?" pagtataray ko sa kanya. Ngumisi lang uli sya sakin. Sanay na rin syang tarayan ko kaya naman hundi na tinatablan ng pambabara ko.
Naman!!! Mga kuya nga naman!! Kakainis din kung minsan.
"Oy kuya! Ang aga-aga, inaasar mo na so bhesty eh." singit ni Camille sa usapan namin ng kuya nya.
"Opo manang. Hindi na po!" pang-aasar uli nya but this time, si Camille na naman ang mukhang nabwisitsa kuya nya. Haha..patay ka ngayong bata ka!
"Hoy! Kuya Caloy! Wag na wag mo akong matawag-tawag na manang dahil kung hindi, hindi kita tutulongan kay Stefani! Sige ka! Baka hindi ka pa nagsisimulang manligaw, eh basted ka na!" pananakot ni Bhesty sa kuya nya. Wait! Omeegee! Did she just said, Stefani!?
"Baby si---"
"Oh my!!! Did you just saisd Stefani!? Stefanie Serano!?" putol ko sa sasabihin sana ni kuya Caloy.
"Yup! The one and only maarte to the max and oh sooo taray Stefani Serano." sabi nya as a confirmation.
"Gosh!!! And you like her for kuya Caloy!?" gulat na tanong ko. Ang taray kaya non sa amin ni Bhesty.
"Well. Wala na akong magagawa eh. Gusto nya raw si Stefani. Bahala na nga syang mamuti ang mga buhok nya sa katarayan at kaartehan ni Stefani." sabi naman ni bhest.
"Hoy! Don't talk like I'm not here." singit ni kuya Caloy sa usapan namin ni bhesty.
"Tss. Tara na nga kuya! Baka malate pa kami ni Florence. First day pa naman ng school." sabi ni Camille.
"Yeah. Tara kuya! Excited na akong makameet ng mga bagong feses. Who knows, baka prince charming ko na ang unang makabanggaan ko sa school. Hihihi..." kinikilig kong sabi. Ayeii naman! Excited na talaga ako.
"Oy oy oy!!! Florence Mendoza! Ang aga-aga, lalaki agad ang pumasok dyan sa utak mo. Alam ba ito ng kuya mo? At tsaka teka! Asan pala si pareng Sydney?" sermon nya sakin.
"Ha.ha.. Nagsalita ang hindi. Eh ikaw nga yong Stefani ng Stefani eh! At si kuya ba kamo? Ayon! Tulog pa! Tamad kasi. Baka nananaginip pa kay---" sadya kong ibinitin ang sususnod kong sasabihin at pasimpleng tinignan si bhesty.
"Tss. Sige! Hatid ko muna kayo ni Camille sa school. Pupuntahan ko nalang sya pagkatapos." sabi nya at nauna nang naglakad palabas papuntang kotse.
Nilingon ko si Camille na parang tulala na. Haha... Nagets nya siguro ako kanina.
"Tara na bhest? Natulala ka na dyan. Problem?" tanong ko sa kanya.
"Ah..wala. wala to. Sige. Tara na." she answered then nauna nang naglakad. Nagkibit balikat nalang ako.
Sumakay na kami sa kotse at tapos bumyahe na papuntang school. Mga fifteen minutes siguro ang drive kung galing sa bahay nila bhesty at twenty namn kung galing sa bahay namin.
After 15 mins. nakarating na rin kami ng school. Blue Red Academy. That's the name of our school. Unique eh, noh? Bumaba na agad kami ni bhest ng entrance at nagpaalam na kay kuya Caloy since pupuntahan pa raw nya si kuya Sydney na malamang, tulog parin kakapanaginip kay Camille. Paano ko nalaman? Heto...
***Flashback
Maaga akong nagising dahil excited na ako sa first day of school namin. Kaya naman pagkatapos kong magbihis at maligo ay pinuntahan ko agad si kuya sa kwarto nya.
Pagbukas ko ng door nya, madilim pa rin dahil natatakpan ng kurtina ang windows nya kaya hindi nakakapasok ang liwanag ng araw sa kwarto nya. Nilapitan ko sya at ginising.
"Kuya? Gising ka na ba?" tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.
Malamang, tulog pa sya. Hindi ka nga sinagot. singit ng tinig sa aking isip.
Tama nga naman. I was about to wake him up again nang magsalita sya.
"Camille...Oh my loves Camille. Just say yes and you will have me forever." sabi nya yan while sleeping. Nagsasalita pala sya kahit tulog. Sabagay! Humihilik pa nga kung minsa. Naman!
"Hoy kuya! Gising na nga! Camille ka ng Camille dyan eh malelate na tayo!" sigaw ko sa kanya para mas mapadali ko paggising sa kanya.
Bigla syang bumangon pero nakapikit parin sya. Ano ba naman to!
"Thank you so much Camille. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya sa sagot mo! I promise to love you more at ikaw lang ang magiging babae sa buhay ko. I love you..." sabi nya kahit nakapikit pa sya. Hayyy!!! Ang corny nya! May pa.promise promise pang nalalaman!
Tapos non ay bumalik na naman sya sa pagkakahiga.
"Bahala ka na nga dyan!!! Baka malate pa ako sa kakapanaginip mo!" I said then walked out from his room.
***End of flashback
Ayan! Yon ang dahilan kaya mas nauna ako kaysa sa kanya.
Pu.asok na kami ni bhesty sa gate pagkatapos umalis ni kuya Caloy. Nang makapasok na kami, nabangga ako ng isang lalaki.
My things was scattered on the floor and I was ready to shout at that someone when he spoke.
"I'm sorry, miss. I didn't mean to bump you." he said as he is looking into my eyes.
Parang may bara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. My stomach is also filled with butterflies. Ang puso ko naman, eh parang bolang talbog ng talbog sa loob. I can't hardly breath because of it.
"Are you okay?" tanong nya sakin nang hindi ako nagsasalita.
"Ye-Yeah..." I said, stuttering.
Bago pa may makapagsalita uli sa aming dalawa, naunahan na kami ni Camille.
"Ah...excuse us. Tara na bhesty. Baka malate pa tayo." tapos hinila na nya ako.
He looked at me again as we pass on his side. Grabeh!!! Anong nangyayari sakin? Angnlakas ng kabog ng dibdib ko.
For the last time, I looked back on him and saw him still watching me. I smiled.