Chapter 8

18 3 0
                                    

Pagdating ng uwian, hinawakan agad ni Rome ang kamay ko tapos ngumiti na naman sya. He does it everytime na nakatingin ako sa kanya. He really is a nice guy and...sweet.

So, kinikilig ka na ng lagay na yan? tanong nong tinig sa isip ko.

Hayyy... Oo na! kinikilig na ako. Crush ko na talaga sya...

"Okay ka na ba?" tanong ni Rome sakin nong palabas na kami ng classroom.

Thoughtful din sya eh. Hehe... Nakakakilig na talaga. I smiled before answering him.

"Yeah. I'm fine now." sabi ko at pasimpleng tumingin sa kamay ko na hinahawakan nya parin.

"Ehermmm..." biglang tikhim ni bhest at tiningnan yong mga kamay namin ni Rome.

Hindi naman binitiwan ni Rome yong kamay ko kahit na nakababa na kami ng building. Si bhesty naman, nauna na sa ibaba para tingnan kong nandon na sila kuya Sydney at kuya Carlo. Hindi naman siguro magagalit si kuya kung makita nya akong may kasamang lalaki. Wala rin naman kaming ginagawang masama eh.

Saktong pagbaling ko kay Rome ay parating na rin sila kuya. Kumaway ako sa kanila at kumaway rin naman sila pero nagbaba agad ng kamay si kuya Sydney at agad naglakad papunta sa direksyon namin. Nawala yong ngiti nya ng harapin nya si Rome.

"Hoy! Sino ka? Ba't kasama mo kapatid ko? Ikaw ba yong nagpaiyak sa kanya nong nakaraang hapon? Ha? Ikaw ba yon?" pagalit na tanong ni kuya.

Patay, high blood yata sya ngayon. Akmang kukwelyuhan nya si Rome nang pigilan ko sya. Tapos agad ding hinawakan ni kuya Carlo ang kwelyo ni Rome pero buti nalang at naawat agad ni Camille yong kuya nya.

"Kuya! Ano ba? Kalma ka nga lang!" sikmat ni Camille sa kuya nya.

"Kuya naman! Kalma lang." sabi ko naman.

Agad namang kumalma sila kuya. Hayyy...buti naman.

"Pasensya ka na sa mga kuya namin Rome, ah? Ganyan talaga ang mga yan eh." pagsosorry ko kay Rome. Nakakahiya ang inakto nila kuya.

Ngumiti sya sakin at tinapik ang ulo ko.

"Okay lang. Kahit siguro ako kung may kapatid ako na babae, ganyan din magiging reaksyon ko, especially kung nakita ko syang umiiyak kahapon." sabi nya at nakangiti pa rin.

Ang bait nya talaga... Hmmm.. dagdag pogi points na naman si Rome sakin. Hehe.

"Ah..." sambit ni kuya Sydney at tumikhim. "Eherm.. Pasensya na. Ah, ano nga pala pangalan mo, dre?" tanong nya kay Rome. Good. Magiging friends na siguro sila.

"Rome. Rome Cantillor." sagot ni Rome at inilahad ang kama nya para makipagshake hands.

Tinanggap naman ni kuya ang kamay nya.

"Ok. I'm Sydney Mendoza. Kuya ni Florence." pakilala rin nya.

Lumapit naman si kuya Carlo kay Rome at inilahad ang kamay nya.

"Carlo Dizon. Kuya ni Camille. Sorry din about kanina." tapos ngumiti sya na parang napahiya.

Okay na lahat. Ang babait talaga ng mga lalaking to.

Bumaling bigla si Rome sakin.

"Bakit ka pala umiiyak kahapon? Sino ang nang-away sayo?" he asked seriously. Bakit parang nahimigan kong may inis sya kung ano man ang dahilan ng pag-iyak ko?

Asos! Nag-iilusyon ka naman agad na may something si Rome sayo? singit ng tinig sa isip ko.

Meron nga kaya? Hmmm...

"Ah. Sina Kaye lang at yong mga kampon nya." sagot ko.

"Bakit, ano ba ang ginawa nila sayo?" tanong naman ni Rome.

Sasabihin ko ba na sinabihan ako nila Kaye na malandi ako? Na nilalandi ko raw sya kaya nila ako inaway?

"Oy Florence. Sagutin mo na kung ano ang dahilan. Nagtaka nga ako nong umiyak ka lang ng umiyak. Pati sina dad napansin rin na medyo may iniisip ka." sabi ni kuya. Ganon na ba ako kahalata? Hayyy...

Sasabihin ko nalang tutal naman, pamilya at mga kaibigan ko sila. Kaya lang, si Rome ang dahilan eh. Baka lumayo sya sakin pag nalaman nya yon. Ayaw ko naman na ganon. Ah! Bahala na. Maybe he'll not stay away from me because it was not true. Sige na nga.

"Ah..eh.." tumikhim muna ako. Para kasing nanuyo lalamunan ko eh. "Ahm. Kaye and her friends confronted me and accused me of flirting Rome. Yan ang dahilan kaya inaway nila ako. Kahit ilang beses kong ipinaliwanag sa kanila yon, hindi nila ako pinakinggan." napailing nalang ako dahil umiinit na naman ulo ko.

Tss. Mga makikitid nga naman kung mag-isip. Handa silang makipag-away para lang sa isang lalaki? Ang babaw naman nila.

"Kaya ayon, sa sobrang bad trip ko, naiyak nalang ako. Kahit inaaway nila ako ng ganon, pinagpapasensyahan ko pa rin sila. You know me kuya, hindi ako mahilig makipag-away kahit na sinasaktan na ako." sabi ko.

Nakita ko na tumiim ang mga bagang ni Rome. He looks pissed, okay. I didn't know na ganito ang magiging reaksyon nya.

"Mga impakta na yon! Tinawag ka nilang malandi eh, wala ka ngang boyfriend para landiin at lalong hindi mo boyfriend si Rome para landiin. Ang kikitid at dudumi mag-isip! Nakakaembyerna sila ha!" inis na sabi ni Camille.

Kung ako, mapagpasenya, ibahin nyo si Camille. Mas maldita yan sakin. Pag ako na nga inaway ng mga kaklase namin, naghahamon agad yan ng gyera.

"Ayos lang yon bhest. Hindi naman totoo yon." pagpapakalma ko sa kanya.

"Just tell me pag inulit na naman nila yon. I won't let them call you names and hurt you. Malilintikan sakin kung sino man ang magtatangka nyan sayo." galit na sabi ni kuya Sydney.

I smiled at niyakap si kuya. Kahit nang-aasar ito, sweet na pa rin. Thr best kuya ever!

Tumikhim si Rome.

"Hayaan mo sila. Basta pareho nating alam na wala kang nilalandi." sabi nya. "Tell me if aawayin ka na naman nila. I will just be here for you. Kaibigan kaya kita." sabi nya at ngumiti na.

"Thanks..." sabi ko at nagpaalam na kami para umuwi tapos sya rin ay umuwi na.

Pagdating ko sa bahay. Agad akong humiga.

"I will just be here for you. Kaibigan kaya kita." it felt so nice to hear that he'll be there for me pero bat ang sakit nong word na "kaibigan"?

Hayyy... hindi ko nalang iisipan yan At least, hindi nya rin ako hinusgahan after kong sabihin yon.

Makatulog na nga lang muna.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon