Chapter 5

11 2 0
                                    

  After ng lahat ng klase namin, nag-aya agad si bhesty na umuwi dahil magkukwento pa raw siya sa mommy nya about our first day as high school students.

Nagprepare na ako para umalis dahil nauna na si bhesty sa labas ng building dahil hihintayin daw niya sila kuya Sydney at kuya Carlo para sabay na kami nang biglang sumulpot si Kaye kasama ang dalawa nyang girl friends. Ang sama makatingin nong dalawa while si Kaye naman ay nakangiti but you can see in her smile that she's up to something, and it's not good.

"Hi! Florence, right?" tanong ni Kaye sakin.

Tumango lang ako.

"I'm Kaye. And this is Trina and Sofie." pagpapakilala nya sa kanyang sarili at sa dalawa nyang kasama.

I extended my hand para sana makipagshake hands kaso tinabig lang iyon ni Sofie. Now that's obvious that they really don't like me. Sofie is her name pero matigas ang personality.

"Don't try to touch just the tip of our hand, bitch!" sabi nya tapos nakataas pa yong kilay nya sa kaliwa. Ang taray talaga.

"Okay." sabi ko without stuttering and without breaking an eye on her.

Akala nya sya lang marunong magmatigas? Kahit friendly ako, I know how to be cold too.

Biglang nagsalita yong Trina.
"Look. May sasabihin lang si Kaye sayo para matigil na yang paglalandi mo."

Napamaang ako sa sinabi nya. Me? Naglalandi? Sino naman nilalandi ko? Wala pa nga akong boyfriend eh. At bakit ako ang sinasabihan nya? Wala naman akong kasamang lalaki ah.

"What are you talking about!?" tanong ko sa kanya.

"Cut the act, bitch! Nilalandi mo si Rome. Alam mo ba na hindi ka bagay sa kanya? You're plain and boring. You're even fat and ugly!" she shouted at me.

Nagpanting talaga ang tenga ko don sa mga pinagsasabi nya.

Pagpasensyahan mo muna Florence. Inggit lang yan sayo.  I tried to calm myself.

"Si Rome? Nilalandi ko? Hindi ah! Friends lang kami at friendly lang talaga ako sa mga taong nakikipagkabigan sakin. And pwede ba? Wag nyo akong harangan at uuwi na ako." I said and was about to walk away when Kaye grabbed my bag.

"You're not going anywhere bitch!" she exclaimed.

I snap my hand back at nagmamadaling tinalikuran ko na sila. Argh! Mga lintik ah! Anong nilalandi ang pinagsasabi nila eh, friendly lang nga yong tao and vice versa. Bwisit! Pinapainit nila ulo ko kahit malapit nang dumilim at lumalamig na ang hangin!

Bahala na sila sa buhay nila! They don't know me so I don't care what their mouth kept on saying.

Naabutan ko sila kuya Sydney, kuya Carlo at  bhesty na nakunot noo habang nakatingin sakin. Nilapitan agad ako ni Camille at niyakap.

"Bhest, anong nangyari sayo!? Bakit ka umiiyak!?" panick na tanong ni Camille.

Umiiyak? Pagdampi ko sa pisngi ko, may luha nga! Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako sa sobrang inis.

"Okay lang ako bhest. Napuwing lang ako." palusot ko pero hindi na talaga tumigil sa pagtulo ang mga luha ko.

Nilapitan ako nila kuya Sydney at kuya Carlo.

"Bakit ka umiiyak!? May masakit ba!? May umaway ba sayo!?" tanong ni kuya Sydney.

Umiling lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil feel ko kapag ibubuka ko yong bibig ko, baka hindi ko mapigilang magmura! Oo! Mahilig akong magmura pag tinopak na ako.

"Magsabi ka nga ng totoo Florence. Ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong naman ni kuya Carlo.

Umiling lang agad ako at nauna nang sumakay sa kotse nila bhest since sila lang ang may dala nyon. Ayaw ko munang magsalita at baka sila pa ang mapagsalitaan ko.

Tinapik nalang ni Camille sila kuya at sinabihang hayaan muna ako. Ganyan yan si bhesty kapag ganitong ayaw kong magsalita, alam nya na tinotopak na naman ako.

Sumakay na sila sa kotse at agad pinasibad. Hinatid nila kami ni kuya sa bahay. Nauuna na akong naglakad papunta sa loob ng bahay at agad pumasok sa kwarto ko. Ayaw ko munang magpadisturb sa ngayon. Asar pa rin ako.

May kumatok sa pinto. Hindi ko nilingon kung sino dahil bigla nalang nagsalita si kuya.

"Little sis, okay ka lang ba? Sabihin mo lang kay kuya kung ano ang problema mo." sabi nya in his sweetest tone. Ganyan din yang si kuya kapag tinopak ako, sweet. Mas galit yan kesa sakin pag nalaman nyang may nanakit at nang-away sakin.

Umiling ako. "I just want to rest for now kuya. Pagod ako. Hindi rin muna ako kakain ng dinner. Ikaw na muna bahala kila mommy." sabi ko at nagtalukbong na ng kumot.

"Okay. Just shout Darna if may kailangan ka ah?" sabi nya. Napangiti ako sa sinabi ni kuya. Kulit rin eh.

Naramdaman ko nang lumabas na sya ng kwarto ko. Agad akong tumayo at pumasok sa banyo para magshower. Pagkatapos kong magshower at magpalit ng damit, pumunta agad ako sa harap ng salamin at tinitigan ang kabuoan ko.

Sabi ni Kaye, pangit at mataba raw ako. Hindi naman ah. Okay lang naman katawan ko, at sabi nila mommy, daddy at bhest, cute ako. So I can't see any problem with me.

Hayaan mo nalang Florence. You're sexy and beautiful. Pretty ka talaga, inside and out.  pagkukumbinsi ko sa sarili ko.

Hayyy...

"Nilalandi mo si Rome!" yan na naman ang pumasok sa utak ko.

Argh!!!! Bwisit na mga babaeng yon! Hindi ako malandi at lalong wala akong nilalandi! Bahala na sila sa buhay nila kung ano man ang isipin nila.

Sa sobrang inis ko, bumalik na ako sa kama ko at nahiga. Matutulog nalang ako kesa isipin ang mga katarayan nila! Kung gusto nila ng tarayan, okay lang. Marunong din ako non.

Pumikit na ako after ng ilang minuto at tuluyan ng natulog.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon