Chapter 3

21 2 0
                                    

Pagkatapos nong eksena kanina, hinanap kaagad namin ni bhesty ang classroom namin. Tapos ayon, sa awa ng Diyos, nakita agad namin at may bonus pa! Kaklase ko pa rin si bhesty!!! Then ayon, humanap agad kami ng mauupuan namin. Hindi naman daw kasi uso ang sitting arrangement dito kaya free kaming mamili kung saan kami uupo at sinu-sino yong magiging seatmate namin. Syempre, tabi kami ni bhesty.

Maaga pa kaya wala pa teacher namin so ayon, nagkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Nagtatawanan kami ni bhest nang biglang may tumabi sakin. Paglingon ko, oh my!!! Nagwawala na naman ata mga butterflies sa tyan ko. Yong lalaki na nakabanggaan ko kanina yong tumabi sakin.

Oh my!!! Ang gwapo nya talaga! Nay dagdag bunos pa pala si God. Tapos bigla syang ngumiti at nagsalita.

"Hi! I'm Rome Cantillor. Freshmen rin at dito rin sa section na'to. May I know you?" sabi nung lalaki na nagpakilalang Rome.

So Rome pala pangalan ng gwapong nilalang na'to? bulong ko sa isip ko.

Sumingit bigla si bhesty.

"Ah. I'm Camille. Camille Dizon. And this is my bestfriend, Florence Mendoza. Classmates pala tayo, eh noh?" sabi ni bhest.

"Yeah. Saan kayo grumaduate ng elementary?" tanong nya.

Siniko ako ni bhesty.

"A-ah...Sa Booked Academy. Ikaw?" balik tanong ko sa kanya.

"Ah. I graduated from Knowledge Academy from the US. Transferee kasi ako. My mom and dad decided to stay here for good since lolo already died and no can manage his company. Supposedly, second year na sana ako ngayon kaso, di pala pwede dito yong curriculum don sa US. Kaya eto." pagkukwento nya. Kaya pala yong accent nya, iba.

"Ah..." sabay naming sambit ni bhesty.

Pagtingin ko sa kanya, ngumiti na naman sya. Naman! Keep on doing that at isislid na talaga kita sa bulsa ko. You're making me feel weird kapag ngumingiti ka.

I smiled at him too. Baka sabihin na suplada ako.

Ang sabihin mo, nagpapacute ka lang. sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Hmmp! Di naman. Friendly lang talaga ako.

Nakita ko yong mga classmates namin na panay na ang bulungan at samin pa nakatingin. Yong tingin nila samin ni bhest, parang kakainin nila kami ng buhay pero kapag kay Rome, ang sweet sweet. Parang mababanat na nga bibig nila hanggang tenga eh. Tsk!

Mukhang napansin ako nila bhesty at Rome kaya nagsalita sila.

"Pabayaan mo nalang sila bhest. Inggit lang ang mga yan kasi--" nilapit nya bibig nya sa tenga ko at bumulong " kasama natin, gwapo. Ay di pala. Sobrang gwapooooo." kinikilig nyang sabi. Naman! Affected din pala to sa charm ni Rome.

Akala ko, ako lang yong afected.

So, affected ka pala? Kaya pala panay rin pacute mo eh. sabi nong tinig sa isip ko.

Heh! Manahimik ka! Syempre, tao lang din ako. May kahinaan. sagot ko don sa tinig.

Teka! Bakit ko ba kinakausap sarili ko? Nababaliw na ata ako dahil sa ngiting yon ni Rome.

"What?" tanong ni Rome ng mapansin nyang namilipit si Camille at nakatingin ako sa kanya.

"Wala naman. Sabi nya lang hayaan nalang daw." palusot ko.

"Yeah. Just let them be." sabi nya tapos sabay ngiti.

Ayan na naman. Last nalang Rome, at isisilid nantalaga kita sa bulsa ko.

Ayon! Nagkwentuhan pa kaming tatlo habang yong mga classmates namin, pinagtsitsismisan pa rin kami. Pagtingin ko sa relo ko, eksaktong nag-ring na ang school bell.

Pumasok na yong teacher namin. Maganda sya kahit mukhang nasa mid-forties na. Tapos nagsalita na sya.

"Good morning class!" bati nya samin.

"Good morning ma'am!" sabay naming bati pero si Rome may idinugtong.

"--Mrs. Cantillor!" sabi nya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ngumiti din teacher namin sa amin at pagkatapos ay tuminging nakangiti kay Rome.

Kinalabit ko si Rome.

"Oy Rome. Kilala mo sya?" tanong ko sa kanya.

"Yeah? Probobly because she's my mom?" he said while smiling.

"Naman Rome! Umayos ka nga ng sagot." sabi ko ulit sa kanya.

"Oo na. Tayo na." then he laugh. Yong impit na tawa. Ano daw??? Kami na? Tinanong ko lang naman kung nanay nya ba talaga si teacher, di ba? Bakit nasali yong kami?

Pero kinilig ka naman. sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Oo. Hehe... Pero hindi ko aaminin sa kanya yon noh? Nakakahiya kaya. I tried to look pissed para matakpan anf kilig ko. Mayamaya, sabihin easy girl ako at assuming.

"Tss. Akala ko, matino kang kausap." sabi ko tapos kumuha ako ng piso sa bulsa ko at inabot sa kanya.

"Oh, ayan. Bumili ka ng kausap mo." tapos sabay irap sa kanya.

Di nya ba alam na nakakakilig yong sinabi nya? Hayyy... Rome talaga.

"Wag na. Oo. Nanay ko sya. Nag-apply kasi sya last three weeks dito at natanggap agad sya dahil bestfriend nya pala ang may-ari ng school na to." he explained.

Ahh..Kaya pala magkaapelido sila.

Nagsalita naman si teacher at inutusan kaming ipakilala ang mga sarili namin.

"I'm Camille Dizon, 11 years old. It's nice meeting you all." pakilala ni bhest pero tiningnan lang sya ng mga kaklase naming babae mula ulo hanggang paa. Tapos ako na yong sumunod.

"Hi everyone! I'm Florence Mendoza, 11 years old. It's nice meeting you all and I hope we could be friends." at umupo na uli ako. I heard them talking, and it's a bad talk. Hayyy... Ano ba yan. First day of school, tsismis at panghuhudga agad.

At sumunod na si Rome na magpakilala. Siya rin ang huli.

"I'm Rome Cantillor, 13 years old. I'm a transfer student. I hope we can get along with each other." sabi nya tapos umupo na rin. Yong mga classmates naming babae? Ayon, namilipit sa kilig at panay pacute. Naman!

Tapos nagsalita pa ang teacher pero di nagtagal at dinismiss agad kami since first day of school pa naman. Bago lumabas si teacher, tinawag nya muna si Rome at may ibinulong tapos tu.ingin sya sakin at ngumiti. Of course, I smiled back. Mabait naman si teacher eh. Nakita ko ring ngumiti si Rome at bumaling sakin tapos bumalik na sya samin ni bhest.

He grabbed my hand at tinawag si bhest na nasa tabi ko.

"Tara! Don muna tayo sa canteen." at hinila na nya ako. Sumunod naman si bhest.

Ano ba yan! I thought hindi wild ang mga butterflies pero bakit parang nagwawala sila sa tyan ko? Iba na talaga to.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon