Chapter 11

6 1 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng phone ko. Hay! Sino naman kaya ang tatawag sakin ng ganito kaaga? Don't they know na nakakaembyerna ang pagtawag nila ng ganito kaaga? Grrrrrr!

I lazily picked up the phone kahit naiinis ako. Humanda talaga ang kung sino man itong istorbo na to! Kainis ha!

"Hello?!" singhal ko doon sa caller.
I heard him chuckle from the other line. Oh my G!!! Kilala ko to ah!

[Is that how you greet someone who is calling you early in the morning?]. Natatawa nyang sabi.

Shocks!

"Rome!?" I asked. Nakakahiya! Nasigawan ko pa siya.

[Yeah. Good morning there, sweet.] he greeted. Naman! Umagang-umaga, bumabanat agad.

"Gosh! I'm sorry Rome. I didn't mean to--"

[It's fine sweet. Ang sungit mo pala kapag bagong gising. Haha..] pang-aasar nya sa'kin.

"Hey! Correction, tulog pa po ako nang manggising ka!" asar kong sabi sa kanya.

Tumawa lang siya sa sinabi kong iyon. Hayyy...Rome, wag ka munang masyadong magpacharming at baka humiga ako ulit at matulog para lang panaginipin ka. Baka kapag pinagbigyan ng Diyos, mamatay pa ako sa kilig. Kasalanan mo pa kung magkataon.

[Ok. I'm sorry. Just get up and get ready dahil I'm taking you somewhere.] sabi nya sakin.

Ganoon? Saan naman kaya nya ako dadalhin mamaya? At tsaka, bakit ang aga?

"Hoy, Rome. Ang aga-aga, labas agad ang iniisip mo. May pasok pa kaya ta--"

[Sweet, Saturday ngayon at walang pasok tapos Monday pa naman ang practice mo para sa intramurals pageant.] putol nya sa sasabihin ko pa sana.

"Ok. Ok. But Rome, ang aga pa eh. Tinatamad pa akong bumangon. At tsaka, kanina ko pa napapansin na tinatawag mo akong sweet. Ano ba ang ipinakain ng mommy mo sayo? O baka naman pinakain ka ng yaya mo ng panis na lugaw kaya ka nagkakaganyan?" tanong ko sa kanya.

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon