CHAPTER 15

2 0 0
                                    

Florence POV

              Naglalakad na kami ni Rome ngayon papasok sa main entranceng gate ng simbahan since nasa labas 'yong parking lot. Hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang samakalapit na kami kina mommy kung saan naghihintay sila sa may pintuan ng simbahan. Pagtingin ko kay Rome ay bigla akong kinilig. He was actually looking at me. At ayon, ngumiti ang pinagpala ng Diyos. Lumundag na naman yata puso ko. I smiled back. Trying to look normal when deep inside me is trembling because of too much excitement. Hayyy...

              Nang balingan ko sina daddy ay seryoso itong nakatingin sa kamay namin ni Rome, si mommy naman ay ngiting-ngiti, at si kuya? Ayun, nagthumbs up at pumalakpak. Tss! Sira talaga tong si kuya. Nang makalapit na kami sa kanila ay tumikhim si daddy. Napabitiw naman ako sa kamay ni Rome atbumaling kay mommy, nanghihingi ng back up.

              Nakaintindi naman si mommy at hinila na si daddy papasok ng church. Si kuya naman, nilapitan si Rome at tinapik-tapik ang balikat nito.

             "Ikaw talaga Rome, kahit sa simbahan ay dumidiskarte ka. Tsk!" pang-aasar ni kuya kay Rome at ngumisi ng nakakaloko.

             "Kuya!" saway ko sa kanya. Nakakahiya kaya kay Rome.

             Bumaling naman si kuya sa'kin. Aasarin na naman ako nito. "At ikaw, lola. Matanda ka na pero pumapag-ibig ka pa rin. Tsk! I didn't know na pusong bata ka pa rin pala." tapos ay tumawa siya. Tss! Nakakainis! Pati ba naman dito sa simbahan ay nang-iinis pa rin.

            Makaganti nga. "Excuse me PO kuya, ikaw kaya mas matanda sa'tin. Tsk! Hindi ko alam, pati pala matatanda ay torpe rin! Tsk! Tsk! Tsk!" tapos ay ngumisi ako.

            Nakita kong namumula si kuya at hindi nakapagsalita. Gotcha!!! Hahaha! Akala mo ha. Narinig kong tumawa ng mahina si Rome. Sheyt! Ang sexy ng tawa niya! Nahinto ako sa pagtawa at pinagmasdan siya. And when he turned to me and smiled, wala na! Mahal ko na talaga siya ng bonggang bongga! Kinuha niya kamay ko at hinila na ako papasok. Nakukuryente na naman ako. Nakaka alive alive!!!

          Huminto bigla si Rome at bumaling sa likuran namin. Napatingin rin naman ako sa likuran namin and there I saw kuya na nakatulala pa rin. Napangisi ako.

          "Tawagin mo nga si pareng Sydney. Natulala na eh." sabi ni Rome. Agad ko namang nilapitan si kuya. Napatingin siya sa'kin.

          "Kuya, tara na. Magsisimula na 'yong mass." aya ko sa kanya.

          "Matanda na ba talaga ako?" he said instead. Napangisi ako Haha! Affected ang mama!

          "Affected lang kuya? Hello? Bakit di mo tingnan ang birth certificate mo para malaman mo?" pambabara ko sa kanya. Hahaha!Agad naman niya akong tiningnan ng masama. Hahaha! That look on his face! Nakakatawa talaga! Parang naaasar na nalilito na ewan!

          Pinitik niya noo ko! "Aray, kuya! Bat mo pinitik noo ko!? Huhu.." reklamo ko. Ang sakit non ah!

          Ngumisi naman siya. "Ayan! Mang-asar ka pa! Alam ko namang hindi pa ako matanda kaya lang...." tapos ay bumuntong hininga ito. Napatanga ako sa kanya. Parang may nasesense akong TORPE PROBLEMS ah.

          "Bakit kuya? May problema ka ba sa pagiging torpe mo?" pang-aasar ko ulit sa kanya. Ngumisi na naman siya.

          "Wala noh! At hindi ako torpe. Iniisip ko lang kung bakit mas mukha ka pang matanda kesa sa akin eh, ako ang kuya tapos ay lumalablayp ka pa rin." tapos ay tumawa siya. Tsk! Akala ko ano na ang problema. Hayyy... Kainis! Naisahan ako doon ah.

          "Ewan ko sa'yo!" tapos ay naglakad na ako patungo kay Rome. Ang loko naman ay ngising-ngisi! Pinandilatan ko siya. Narinig niya nga naman yong mga sinabi ni kuya. Kainis talaga ang mga loko. Lalampasan ko na sana siya ng bigla niya kinuha ang kamay ko. Napahinto ako kasabay ng pagdaloy ng kuryente mula sa kamay niya patungo sa kamay ko. Ayan na naman! Kinilig na naman pati spinal cords ko! Nakakakuryente nga talaga kapag in love ang tao. Mabuti at wala pang namamatay dahil don.

          Hayaan mo, Florence. Ikaw pa lang ang mauuna kapag hindi ka tumigil sa kalandian mo... kantyaw ng isip ko.

           Tama siya... Ako nga mauuna nito.

            Biglang nagsalita si Rome. "Ngumiti ka naman mahal na prinsesa. Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot." tapos ay ngumiti siya. Hayyy! Naman! Nakakahawa rin ang ngiti niya dahil napapangiti na rin ako. "Ayan! Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka. Tara na sa loob." sabi niya at naglakad na uli kami. Pero 'yong paa ko ay parang nakalutang sa clouds! Kinikilig na naman ako.

           Maganda raw ako! Ayeiii... Naks naman!

           And when we were finaly inside the church, I realized that he is the ONE. The one I wanna be with forever.

Rome's POV

            Naaaliw akong pagmasdan si Florence habang nakikipag-asaran kay pareng Rome. Ang cute niya talaga kapag naasar at namumula. Ang tunog ng tawa niya, parang isang malamyos na musika sa aking tenga. Ang sarap pakinggan. Nang palapit na siya sa'kin ay nakangisi pa rin ako dahil namumula pa rin 'yong mukha niya sa inis. Pinandilatan niya ako at akma niya akong lalampasan kaya agad kong hinawakan kamay niya. The moment I touched her hand, parang may kuryente. May bawat parte sa aking katauhan ang nabubuhay.

           Alam kong corny na ako but I can't help it. Mas lalo lang lumalalim 'yong pagkakagusto ko sa kanya. Everytime she'll come close near me, naeexcite at tumatambol ng malakas ang puso ko. Napahinto siya sa paglalakad at tiningnan. niya ako. Nakasimangot pa rin siya. Her eyes were twinkling, though.

          "Ngumiti ka naman mahal na prinsesa. Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot." sabi ko sa kanya. Ngumiti pa ako ng ubod ng tamis sa kanya. I wanna see her smile. Hindi naman ako nabigo dahil ngumiti siya. Her heart melting smile. Natunaw nga puso ko dahil sa ngiti niya. And then I realized that I really love her. Mahal ko na talaga siya. Ang weird pero ang sarap sa pakiramdam. "Ayan! Mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka. Tara na sa loob." aya ko sa kanya dahil natataranta na ang puso ko. Hayyy... Ang sarap ma-in love. Nakaka alive alive!!!


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

HI GUYS!!! Kumusta na kayo dyan! SORRY sa super duper tagal na update. Naaliw kasi ako sa pagbabasa ng ibang storya.

I hope hindi kayo nagsawa sa kahihintay ng mga updates ko. Thank you po sa bumabasa ng story kong ito at sa mga bumoto. Sana basahin nyo pa rin po ito at bumoto pa rin kayo.     THANK YOU!!!!

HAPPY READING! XD
GOD BLESS!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Piece of MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon