Avery's POV
It's been two days since nangyari yong pambabato samin. Absent kami ng dalawang araw para magpahinga.
At ngayon, late pa kami dahil, as usual, parang pagong tong kasama ko.
"Akala namin aabsent ulit kayo," sabi ni Nica.
Sya lang ang nakakausap ko kasi seatmate ko sya while the twins, hanggang tingin lang dahil nasa kabilang side sila ng classroom.
Ngumisi lang ako at binalik ang tingin sa teacher. Nagdi-discuss na kasi ang teacher namin sa second subject nang dumating kami.
"Okay na ba ang mga sugat mo?" Tanong nya kaya tumango ako.
"Yeah. Gasgas lang naman yong iba, sa nuo lang talaga napuruhan. Hindi kasi yata itlog o kamatis yung tumama, eh. I think it's a stone but, well, I'm okay now. So, no worries."
Nagsuot ako ng jacket para hindi makita at ang nuo ko naman ay may bandage parin.
Tumango sya. "That's good. Ano nga pala ang say ng parents mo?"
"Ummm... I didn't tell them." Tumingin ulit ako sa kanya. "Nga pala, nalaman ba ng school ang nangyari?" Tanong ko. I'm talking about what happened two days ago.
Umiling si Nica at umirap. "Fortunately, yes but unfortunately, they did nothing. Wala naman atang pakialam yang mga yan, eh. Tss. Ang sarap ipasara ng school na to. Mga kunsintidor."
Umiling-iling lang ako sa narinig. Binalik ko ang tingin sa teacher at nakinig.
May ganitong school pala talaga na nag-i-exist, yung tino-tolerate ang bullying, akala ko sa imagination ko lang yon.
Pagkatapos ng second subject ay agad kaming lumabas ng classroom dahil wala na naman kaming klase. May meeting kasi ang mga teachers tapos celebration ng birthday ng dean mamayang hapon kaya whole day na walang class.
"So, saan tayo? Movie marathon ulit?" Tanong ni Sab.
"Gala tayo since hindi natuloy nong una dahil binato tayo ng mga walangyang yon," sabi ko.
Pumalalpak si Nica. "Sige! Mall tayo!"
Kaya hayon, napagkasunduan na mag-Mall kami at mag shopping slash gala.
Naglalakad kami sa hallway palabas ng building ng makita namin ang Montero cousins na naglalakad papunta sa gate.
"Sina Vince, oh. Tawagin natin para makapag thank you tayo," sabi ni Nica na sinang-ayunan ng kambal.
"Anyway, alam nyo ba yong chismis ngayon sa school?" Tanong ni Sab. "Ang narinig ko, ni-threaten daw ni Cyrus ang mga students dito na if bubullyhin ulit si Avery, sya na daw ang makakabangga."
Napaawang ang mga labi ko, "for real?"
Tumango sya, "ang sabi pa nya raw, walang ibang mangbully sayo kundi sya lang."
Napailing si Sam, "and we don't know if it's good or bad."
"Vince!Ashton!" Sigaw ni Nica kaya nakakuha sya ng attention ng mga studyante, pati na rin ng magpipinsan.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na sila ang tumulong samin.
But, well, walang impossible kapag kay ulterior motive.
Tumakbo silang dalawa, si Sab at Nica, papunta sa magpipinsan habang kami ni Walter at Sam ay naglakad lang.
Nakalagay sa bulsa ng hoodie ko ang mga kamay ko. Habang si Bakla ay sa pants nya. Backpack ang mga bag namin kaya walang kailangan bitbitin.
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...