Avery's POV
Pagmulat ko ng mata ay tumambad sakin ang puting kisame. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid.
Nasa clinic ata ako.
'What happened?'
Ang naaalala ko lang ay binabato kami ng itlog at kamatis tapos may yumakap sakin.
Isang pangahas at lapastangan na hampaslupa. Malaman ko lang kung sino yon at sasakalin ko.
Naiinis ako hindi dahil niyakap nya ako kundi dahil ang tanga nya. Alam nya namang binabato kami, nakialam pa. E di sya yong nasaktan.
"Avery..."
Napatingin ako kay Walter na nakaupo sa gilid ng kama na kinahihigaan ko. May band aid ang pisnge nya and I assume na dahil yon sa nangyari kanina?
"What happened?" Tanong ko at umupo sa kama.
Nananakit ang mga braso ko. Feeling ko ay sobrang namamaga yon. Masakit din ang nuo ko.
At nang hawakan ko yon ay may nakapa akong bandage.
"Nahimatay ka kanina. Are you okay? May masakit ba sayo?" He asked.
Mas lumapit pa sya sakin hanggang sa magkatabi kami.
Ah. So, kanina nga yon nangyari. Masyado kang OA, Avery. Hinay hinay lang. Nakakabaliw yan.
Tumango ako. "My arms are aching," sabi ko. "Pero nawawala na din naman. But, ugh, ang lansa ko."
'Fvck that eggs and tomatoes!...'
"Umeepekto na siguro ang painkiller na ininject sayo kanina," sabi nya at hinaplos ang buhok ko. "Don't worry, padating na sina Nica. Nagpabili ako sa kanila ng damit."
"Ilang oras akong walang malay?" Tanong ko.
"Mga sobra dalawang oras siguro," nakangiti nyang sabi.
Ngumiti rin ako. Sya lang kasi mag-isa ang nakangiti. Kawawa naman kaya sasabayan ko na.
"Ikaw ba yon?" Tanong ko. He looked at me, confusion is visible in his face.
"Huh?"
"Yong yumakap sakin kanina? Ikaw ba yon? Nang sa ganon ay masampal kita. Ang tanga kasi. Kita nang binabato ako, yumayakap pa. Kung ako nga nabugbog yon pa kaya na niyakap ako. Tss." I rolled my eyes.
Nawala naman yong kaguluhan sa muka nya at sasagot na sana nang biglang pumasok si Nica kasunod ang kambal. Nagbihis ata sila dahil iba na ang suot nila.
Mukang nakaligo na rin sila dahil pare-parehong basa yong mga buhok nila.
"You're awake, Avey. OMG," sigaw ni Nica at Sab at dali-daling lumapit at umupo sa kama.
"Ano? May masakit ba sayo?" Tanong ni Sab.
Ngumiti lang ako at umiling.
"Okay lang ako. Umepekto naman na ang painkiller kaya ayos na ako." Huminga ng malalim si Sab at inabot sa amin ang dalawang paperbag.
"Good. Here. You're clothes. Buti pa ay magbihis muna kayo," sabi nya kaya tumango ako at tumayo saka tinanggap ko ang paper bag.
Kinuha ko ang bag ko na nasa maliit na mesa at binuksan ang isang bulsa nito. Kinuha ko ang wet wipes, alcohol at face towel saka naglakad papunta sa CR.
Inalalayan naman ako ni Walter papunta sa CR. Nilinisan ko muna ang katawan ko ng wet wipes para matanggal ang kamatis at itlog na dumikit sa balat ko.
Saka ko binasa ng alcohol ang face towel at pinahid sa buong katawan ko para matanggal ang amoy saka nagbihis.
Pagkatapos kong magbihis ay nilagay ko ang damit sa paperbag at lumabas na ako ng CR. Palapit na ako sa kama ko nang marinig ko ang usapan nila.
"We should thank them for what they did. Kung hindi sila dumating at pinatigil yong mga students baka kung ano nang nangyari satin," sabi ni Walter.
Nagpatuloy lang ako sa paglapit pero dahan-dahan.
"I agree. Pero hindi ko parin maintindihan kung bakit nila yon ginawa. I mean, they're bullies. So, why do that?" Tanong ni Nica. "Sa sobrang tagal na natin dito, this is the first time they saved someone mula sa mga bullies."
"Sino?" Tanong ko kaya napalingon sila sakin.
Lumapit ako sa kama at umupo katabi ni Nica. Nakatayo ang kambal at si Walter ay nakaupo sa kabilang kama, tapos na rin syang magbihis.
Si Sam ang sumagot. "Sina Ashton Montero." Napataas ang kilay ko dahil sa sagot nya.
"Tinulungan nila tayo kanina?" Tanong ko. Tumango lang sila. "Bakit naman nila ginawa yun?" Nagkibit balikat sila. "Kung sila ang tumulong sa'tin, sino ang yumakap sa'kin kanina?"
"Si Cyrus," maikling sagot ni Sab kaya napanganga ako.
"The fvck?!" Akala ko ba si Walter?
"Yeah, at kung bakit nila ginawa yon ay hindi namin alam. Ang tanging naiisip ko lang is they have a hidden agenda, may plano sila." Napatango ako sa sinabi ni Sam.
"Grabe ka naman, Sam. Baka naman hindi?" Sabi ni Nica.
Umiling ako, "nah, I really think Sam is right. Ano pa bang ibang pwedeng dahilan kung bakit nila ginawa yon? I can't think of any."
Vince's POV
Umupo ako sa upuan ko habang kumakamot sa batok ko.
My whole body is aching. May mga pasa rin ako sa katawan, dahil don sa pagshi-shield ko sa mga babaeng yon.
Medyo hirap din akong humiga dahil nabugbog yong likuran ko.
I heaved a sigh at nilingon ang dalawa. Chill lang silang nakaupo na parang wala silang ginawa. Napailing na lang ako.
Bigla ay napaisip ako. Bakit ko nga ba ginawa yon? It's not so me.
Pero aminado akong, masarap pala sa pakiramdam. Yong nakatulong.
I sighed again.
I just hope mawala na tong sakit sa likod ko.
Sab's POV
Nag-start na ang first subject namin sa umaga pero wala pa rin sina Avery. Two days na silang absent at hindi ko alam kung papasok ba sila ngayon o hindi pa rin.
O baka naman na-late lang.
Pero natapos na lang ang first subject namin at nag-umpisa and ikalawa ay wala pa rin sila.
Siniko ko si Sam, "Sam, absent parin ba sina Avery ngayon?"
Umiling sya at nagkibit balikat,"hindi ko alam, eh," sagot nya. "Wala ka bang number nya?"
Umiling ako.
"Kapag pumasok sila, hingin natin para naman matawagan nating in times like this."
Tumango ako.
Maya maya lang ay may nginuso sya. "Hayan na pala sila, oh. Late lang." Pagkasabi nya non ay pumasok sina Avery at Walter na mukang nagmamadali.
Hindi pa sila nakakapagsuklay pero ang gaganda at gwapo parin. Specially, Walter. Ang hot nya tingnan pag magulo ang buhok at mas lalong gumagwapo.
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
TeenfikceAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...