Avery's POV
Thursday na ngayon at ngayon ang araw kung kailan magaganap ang pinakahihintay nilang pageant, ang Mr. and Ms. Viondeil High.
Ang bilis nga talagang lumipas ng oras. Parang nong isang araw, muntik na akong mapahamak.
Buti na lang at hindi naman ako nagkaroom ng mga pasa.
Nandito kami sa classroom ngayon nina Nica, Sab, Sam at Walter, naghahanda ng mga gagamitin mamaya sa pageant like make ups, clothes at kung ano-ano pa.
"Galingan nyo mamaya, ah. Ipanalo nyo. Para sa dignidad natin," sabi ni Sab na tinanguan naman ni Sam. "Ipahiya ang dapat ipahiya," dagdag nya pa habang nakangisi kaya napailing na lang ako.
Alam ko naman kung anong ibig nyang sabihin sa 'ipahiya ang dapat ipahiya'.
Tumingin ako sa wallclock na nakasabit sa ibabaw ng chalkboard. Ten mag-uumpisa ang pageant at malapit na mag Nine-thirty kaya kailangan na namin matapos.
Inabot ni Sam ang T-shirt na susuotin namin ni Walter. Color blue yon at may tatak na 'Mr. and Ms. VH 2020'.
Kinuha ko naman ang sa akin saka tumalikod sa kanila para hubarin ang suot kong T-shirt.
Kami na lang ang nandito dahil nagsilabasan na ang lahat.
Pagkatapos kong suotin ang t-shirt ay humarap ako sa malaking bilog na salamin na dala ni Nica.
Nakasuot ako ng white fitted jeans na bumagay naman sa t-shirt na medyo fit din.
"Wow."
Napatingin ako kay Sab na nakatingin sa'kin habang nakaawang ang mga labi.
"Ang sexy mo pala, Avery. Ngayon ko lang napansin na bilog pala ang pwet mo, ang laki ng dibdib mo tapos ang liit ng bewang mo," nakangisi nyang sabi.
Umiling lang ako.
Napatingin ako kay Walter na tapos nang isuot ang T-shirt nya, "Baks, ayusin mo nga yang belt mo," sabi ko.
Agad nya namang inayos ang belt nya na nalukot sa bandang likod.
Nakasuot din sya ng white na jeans gaya ng sa'kin pero hindi yon fit gaya ng sa'kin. Saka black na boots.
Giniya ako ni Nica paupo sa upuan ko kaharap ng make-up kit na dala ni Nica at ng bilog na salamin habang si Walter ay pinatabi ni Sab sa'kin.
Tumingala ako kay Nica, "pwede bang ako na muna ang mag make-up sa sarili ko ngayon? Mamaya ka na, hah?" Nakangiti kong sabi.
Ngumuso naman sya pero pumayag din kaya humarap na ako sa salamin at inumpisahang make-up-an ang sarili ko pagkatapos kong tanggalin ang eyeglasses ko.
Habang si Sab naman ang nagmi-make up kay Walter.
Pagkatapos kong maglagay ng konting foundation, sinunod ko ang kilay ko.
Hindi ko naman kailangan kapalan ang make-up ko kasi instead na maging maganda ay pumapanget ako.
Pagkatapos ay naglagay ako ng konting blush-on, then pink na lip tint. Yon lang ang nilagay ko sa muka ko dahil baka maging magkamuka pa kami ni Anabelle kapag kinapalan ko.
Sinuklay ko ang buhok ko na abot hanggang bewang at nilagay ko sa gilid ang bangs ko. Nilagyan ko na rin ng hairpin para hindi bumalik sa gitna.
Tumayo na ako kasabay ng pag-abot ni Sam sa'kin ng maliit na carton na bilog kung saan nakalagay ang number ko at ni Walter.
13.
Valerie's POV
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...