Avery's POV
This is the last part if the pageant. Ang pag-a-announce ng nanalo.
Sinimulan sa top ten, down to top five at ngayon ay top three naman ang pipiliin.
Tapos nang tawagin ang top three na lalaki, isa don si Walter kaya babae na ngayon ang kinukompleto.
Valerie was called first, then yong candidate number six. At isa na lang ang kulang para makumpleto ang top three sa mga babae.
"Please step forward candidate number... Thirteen!" Sigaw ng host. Naghiyawan naman ang mga audience.
Siniko ako ng katabi ko, "uy, congrats, thirteen daw. Step forward." Napatingin naman ako sa number ko.
Oh, damn. I forgot na thirteen nga pala ang number ko.
"Thanks," naglakad ako at huminto sa tabi ng number six.
Si Valerie naman ang sama ng tingin sa'kin. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako pinaglalamayan.
Problema ba ng babaeng to? Hindi pa ba sya nakuntento sa ginawa mya sakin?
Hindi ko na lang sya pinansin at tumingin sa harap habang nakangiti. She's not important naman kaya hindi ko na sya kailangan pansinin.
"The second runner up for Mr. Viondeil High goes to... Candidate number Ten!" Sabi ng host.
Binigyan ng sash at pinakamaliit na trophy yong candidate, panglalaking crown at isang puting sobre na maliit.
Yong crown na binigay sa kanya ay parang crown ng Prince.
"Ang tatawagin ko po ay ang winner ng Mr. Viondeil High 2020, so it means ang hindi matatawag ang syang first runner up. Okay, people! The winner for Mr. Viondeil High 2020 goes to... Candidate number 13! Mr. Walter Suarez!"
Umingay ang buong gym.
Binigyan ng sash ang first runner up, mas malaking trophy at crown na medyo katulad ng sa second runner up at sobre.
Kay Walter naman ay korona na parang crown ng King, gold sya at may mga diamond na nakadikit sa palibot, sash, at yong pinakamalaking trophy saka sobre.
Ngayon naman ay ang winner na sa babae ang ia-announce.
Napatingin ako kay Valerie na sobrang lawak ng ngiti at sa katabi ko na parang constipated. Halatang kinakabahan.
"The second runner up for Ms. Viondeil High 2020 goes to candidate number six!"
Bouquet ng bulaklak, sash, trophy, sobre at parang crown ng princess ang binigay sa kanya.
"Ang tatawagin ko ay ang syang nanalo sa Ms. Viondeil High 2020. Okay, people! The winner for Ms. Viondeil High 2020 is candidate number..."
Biglang nagsalita si Valerie sa gilid ko habang nakasulyap sa'kin, "hah. I'm sure I'm the winner kaya maghanda ka nang mapahiya. I am the queen so I always win."
I smirked. Masyado yatang mataas ang bilib nya sa sarili nya. And really? Queen?
"The winner is candidate number... Thirteen! Ms. Duchess Avery Valdez! Congratulations!" Announced ng host.
Napatawa na lang ako habang sinusuotan ng korona at sash, may nag-abot naman sa'kin ng bouquet ng bulaklak saka puting sobre.
Yong crown ay kulay gold din, na puno ng gems, malaki din yon at ang bigat sa ulo pero carry naman. Inabot din sakin yong pinakamalaking trophy.
I glanced at Valeries direction, she's looking at me like I'm the baddest person in the world.
"Avery! Avery! Avery!" Hiyaw ng mga classmates ko kaya napatawa ako.
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...