Chapter XXVIII

187 5 0
                                    

Avery's POV

Pagkatapos naming mag-enjoy sa paglilibot sa mga booths, magkakasabay kaming lahat na kumain sa canteen.

They are all talking so loud habang tahimik lang kami ni Cyrus na nagsusubuan.

"Masarap ba?" He asked.

Tumango ako at sinubuan din sya, "pero feel ko mas masarap yong isa. Mas lasap mo kasi ang sarap non kesa nito."

Nagkibit-balikat sya at pinunasan ang gilid ng labi ko, "mas gusto ko to. Masyadong oily yong isa, eto sakto lang."

Ngumiwi ako, "wow. Maka-oily to, parang babae." Tumawa ako.

"Pasintabi naman sa mga single dyan, ano ba," sabat ni Sab habang nakangiwing nakatingin sa amin.

I smirked at her, "sorry, not sorry." Sabay kaming natawa ni Cyrus. Umirap lang sya.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam ako na magbabanyo muna.

"Samahan na kita. Baka kasi may gawin ulit si Valerie sayo," sabi ni Cyrus.

Naiiling akong tumawa, "wala yong gagawin, okay? Sa dami ng taong nandito, wala yong magagawa. Sige na, tinatawag na talaga ako ng kalikasan, eh."

Hindi ko na hinintay ang sagot nila at tumakbo na palabas ng cabteen. Patakbong pumasok ako sa building namin at umakyat sa hagdan.

Pagdating ko sa banyo ay kaagad akong pumasok sa isang bakanteng cubicle at nilabas ang sama ng tyan ko.

Naglinis muna ako ng sarili bago lumabas ng cubicle. Naghuhugas na ako ng kamay sa sink nang may lumabas sa isa pang cubicle at lumapit sa sink.

Hindi ko na sya tiningnan at nagpatuloy sa paghuhugas. Akmang magpapatuyo na ako nang kamay nang biglang may malakas at matigas na bagay ang humampas sa batok ko.

Napasigaw ako sa sakit at napahawak sa batok, kasabay ng pagbagsak ko sa sahig habang namimilipit.

"Ahh... Aray..."

Narinig ko ang ilang tunog ng tumatamang takong sa semento, pumalibot ang mga yon sakin.

Kahit na mahirap ay pinilit kong imulat ang mga mata ko. Una kong nakita ay ang mga itim na high heels.

When I looked up, I saw the smirking Valerue and her minions. One of them is holding a wood. And I guess, yon ang ginamit nilang pamalo sakin.

Biglang sinipa ni Valerie ang sikmura ko kaya napatagilid at napasapo ako don. "Ouch... Shet..."

Nagtawanan silang lahat. Umupo si Valerie at mahigpit na sinapo ang muka ko. Napapikit ako dahil sa kuko nyang dumiin sa balat ko

"You deserve that, bitch. Akala mo ba talaga, hindi ako gaganti sa pamamahiya mo sakin? Ha. You're wrong," sabi nya. "Punong-puno na ako sayong malandi ka. Gustong-gusto na talaga kitang patayin, kaso para kang pusa, eh."

Pabalya nyang binitawan ang muka ko at tumayo.

"Pero kahit naman may syam na buhay ka, this time, I'm sure na magtatagumpay na ako." Tumawa sya ba parang baliw.

Mahina akong natawa.

"What's funny?" Inis nyang tanong sabay sipa ulit sa tyan ko.

Napaubo ako habang tumatawa, "you are so pathetic, Valerie. Don't think too high of your self, dahil hindi ko naman kasalanan na napahiya ka. Boba ka lang talaga."

Nagtagis ang panga nya at mas tumalim ang mga mata. Maya-maya lang ay huminga sya ng malalim at mahinang tumawa.

She smirked, "let's see, Avery. Let's see." Nakangising bumaling sya sa pinto ng banyo. "Come in, boys!"

Loving The Probinsyana Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon