Avery's POV
Kasalukuyan kaming nanunuod ng comedy na palabas sa TV nang may sumigaw sa likuran namin.
"Dinner is ready!"
Si Kuya Alexander na nakatayo sa likuran namin at may malawak na ngiti, nakahawak sa magkabila nyang bewang at may suot na apron na pink.
Palihim akong natawa.
Yon lang ang nag-iisang apron namin, dahil yonbang gusto ko. Ako naman kasi ang tagaluto rito dahil hindi naman sya marunong magluto. Tagalamon lang naman sya.
Tumayo ako, "tara na, kain na tayo."
Pagpasok namin sa mesa may hotdog, fried chicken, adobong manok at saka adobong baboy na nakahain don.
Umupo na kami sa twelve seater na table. Magkakatabi kami nina Nica, Sam at Sab at Cyrus.
"Whoah, marunong ka palang magluto, kuya Alexander? Ang galing naman," manghang tanong ni Nica habang isa-isang sinusuri ang mga ulam.
Proud namang tumango si Kuya, "of course, ako kaya ang cook sa bahay namin," sabi nya sabag kinindatan kay Nica.
Si Nica naman, hayon, nanginig. Kinilig.
Umirap ako, "sya raw. Excuse me lang, kuya ah, ang kapal ng muka mo, sobra. Mahihiya si manang Layla sayo kapag narinig yang mga sinasabi mo."
Naglagay ako ng kanin at fried chicken sa plato ko.
Narinig kong tumawa si Walter, "oo nga naman, kuya," sabi nya habang naglalagay ng pagkain sa plato nya.
Napalingon ako kay Vince nang magtanong sya, "sino si Manang Layla?"
Subo-subo nya pa ang kutsara nya habang curious na nakatingin samin.
"Sya ang 'totoong' cook sa bahay namin," sagot ni Walter habang nakangisi.
Tumango tango naman si Vince.
"Nasa iisang bahay kayo?" Tanong ni Ashton.
"You can call it one kasi isa lang sya kung titingnan pero dalawa talaga ay pinag-isa lang. I mean, pinagdikit," sagot ko habang pinagdidikit ang dalawang hintuturo ko.
Nakasimangot na tiningnan kami ni Kuya, "you can shut up now, baby princess. Binubuko nyo naman ako, eh. Paalala lang ah, mas matanda ako sa inyong dalawa."
Tumawa si Nica, "don't worry, kuya Alexander. Masarap naman ang luto mo, eh. Parang niluto ng pinakamagaling na chef sa bansa."
'Aysus. Nambola pa.'
"Ang cute mo, Veronica," sabi ni kuya, nakangiti ng sobrang lawak.
Susubo na sana ako nang biglang magkadikit ang siko namin ni Cyrus. Parang may kuryenteng dumaloy mula sa siko ko papunta sa iba pang bahagi ng katawan ko dahilan para manginig ako ng kaunti.
Shocks. Ano na naman ba to?
Nilayo ko sa kanya ang siko ko at siniksik talaga sa katawan ko. Bahagya kong nilingon si Cyrus habang dahan dahang nginunguya ang pagkain sa bibig ko.
Sakto namang paglingon ko ay paglingon nya din sakin kaya nagkatitigan kami.
At heto na naman ang puso ko, tumitibok na naman ng sobrang bilis tapos parang may kumiliti sa tyan ko.
Agad akong nag-iwas ng tingin at nakisabay sa kwentuhan nila hanggang sa matapos ang dinner.
Sa lahat ng parte ng muka nya, yung mata nya ang hindi ko talaga matingnan ng matagal. Kasi parang may kung ano dun na nagpapakaba sa'kin at parang hinihigop ako.
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...