Chapter V

1K 45 1
                                    

Cyrus’ POV

"Hey, Cyrus," rinig kong tawag sakin mula sa likuran kaya napalingon ako.

Nakita ko si Valerie na nakaupo sa katabi kong upuan. "Yeah?"

She grinned seductively. She's really sexy, I know. Sanay na akong lumalapit sya sakin, but I can't say if it's good or not.

I've known her since our first year in high school, at kung meron man kaming isang bagay na napagkakasunduan, yon ay ang mang-trip ng mga schoolmates namin.

I know it's childish and bad, but what can I do? Ang saya kaya makita yong mga expressions nila kapag tini-trip namin, priceless.

"Are you free later?" She asked sabay hawak s balikat ko.

I smiled. "Yeah, why?"

She winked at me, "dinner later?"

Napatitig ako sa kanya, "sure."

She kissed my cheek. "A’right. I'll text you the place, I'll be waiting, Honey." Then, bumalik sya sa upuan nya.

Nakangising sinundan ko sya ng tingin. Well, well, well. Hindi naman siguro masama kung magiging girlfriend ko sya, diba? A trophy girlfriend to be exact.

Kasi, niyaya nya akong mag-dinner. Were not friends, kaya saan pa ba papunta yon?

Biglang pumasok si Vince sa classroom at lumapit sakin.

"Hey, let's go outside," nakangisi nyang aya.

Tumingala ako. "Anong gagawin natin don?"

He laugh, "ano pa ba? E di, maghahanap ng kasiyahan," sabi nya at nauna na lumabas habang tumatawa.

Oh, well. Why not?

Tumayo ako at sumunod sa kanya. Maraming tao sa labas, siguro dahil walang mga klase ang lahat ng grade 10 dahil absent ang mga teacher, may meeting daw over something.

Bumulong si Ashton samin, na kanina pa nasa labas kasama si Vince, "sino na naman bang target nyo?" Nakangisi nyang tanong.

Napatawa naman kaki nj Vince.

"Oh, come one, cuz. Sumakay ka na lang, pwede? Wag mong pairalin yang kabaitan mo," natatawa kong sabi.

Sa aming tatlo, si Ashton yong palaging humahadlang sa mga trip namin kaso wala rin naman syang nagagawa. Walang ginagawa to be exact, hanggang salita lang kasi yong pagpipigil nya samin.

Hindi naman sya nangti-trip pero dahil nga wala syang ginagawa para pigilan kami, eh, tingin din ng mga eatudyante sa kanya ay kagaya namin ni Vince na bully.

Hindi na lang sya nagsalita at lumapit sa grupo ng mga lalaking nag-uusap at nagtatawanan sa tapat ng bintana ng room nila.

Sumunod kami pero muntik na namin syang mabangga ng tumigil sya at tumitig sa kung sino man ang nasa loob.

Dinikitan namin sya ni Vince at sinundan ang tinitingnan nya. I frown when I realized kung sinong tinitingnan nya. Yong nerd, kasama ang mga kaibigan nya na nagku-kwentuhan at nagtatawanan.

Pero imbes na tanungin sya kung bakit sya nakatitig sa nerd ay napatitig nalang din ako sa nerd na yon.

Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya at habang nakatitig ako sa kanya, unti-unting nag-iba ang takbo ng puso ko to the point na para na akong hinihingal.

At parang nag-mute ang paligid dahil parang wala akong naririnig. May kung ano din sa tyan ko na hindi ko maintindihan. Naka-focus lang ang attention ko sa kanya.

Loving The Probinsyana Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon