Chapter IX

940 44 0
                                    

Avery's POV

"Tara na, malapit na mag start ang class natin," sabi ni Sam at nauna nang tumayo.

Kakatapos lang namin kumain at may 30 minutes na lang kaming free.

Tumayo na rin kami at naglakad palabas ng canteen.

"Avery," tawag ni Sab sakin nang makalabas na kami sa canteen kaya lumingon ako sa kanya.

"Bakit, Sab?"

"May assignment ka na sa Math? Pa-copy naman, oh," sabi nya at pinapungay ng mata nya kaya napatawa ako.

For sure, wala na namang assignment to. Sa mga nagdaan kasing araw, pag may assignment, kumukopya sila sakin o kaya ay kay Walter dahil tinatamad daw sila magsagot.

Sasagot na sana ako nang may mabunggo akong tao kaya napaharap agad ako. Nakatalikod ito sakin. Magso-sorry na sana ako mg lumingon sakin yong nabunggo ko.

Si Cyrus.

Sya lang mag-isa at hindi nya kasama yong mga pinsan nya.

Bigla akong napatitig sa kanya. At sa kadahilanang hindi ko alam, nakaramdam ako ng weird na feeling. Hindi ako naging handa sa biglaang paglakas ng tibok ng puso ko. Biglang parang may kung ano sa tyan ko.

'What's this? Ganito rin yong naramdaman ko kanina nang magkatinginan kami.'

Pasikreto akong umiling para matauhan ako at umiwas ng tingin. "S-sorry," sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Oh, now you're apologizing," sabi nya kaya napatingin ako sa kanya, naka ngisi sya at parang gusto nya pang tumawa pero hindi sya nakatingin sakin kundi sa lupa.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Bakit hindi kung kasalanan ko naman?"

Mas lumawak pa ang ngisi nya at tumingala. "Naisip ko lang kasi kung sa alin ka nagso-sorry. Is it because you bumped me? Or, is it because of what you said last day?"

Bigla akong napatawa ng mahina kaya napatingin sya sakin. "Of course, I'm apologizing because I bumped you. What made you think na nagso-sorry ako dahil sa sinabi ko nong una? As far as I can remember, ikaw ang nauna at may kasalanan non, so why would I say sorry?

"Hindi ko naman pinagsisihan yong mga sinabi ko, eh. At kung maibabalik man ang panahon, gagawin at gagawin ko parin yon. But, If you really want me to say sorry for what happened in the locker room, then..." Matamis akong ngumiti, "...you wish."

Saka ako naglakad palampas sa kanya habang tumatawa.

Cyrus’ POV

Grabe talaga ang babaeng yon. Ang inosente nyang tignan, pero ang talas ng dila. 

I wonder kung saan nya nakukuha ang lakas ng loob nya.

At saka, bakit ko nga ba naisip na nagso-sorry sya dahil sa nangyari don sa locker? Syempre, nag-sorry sya dahil nabangga nya ako kahit na sinadya ko naman talaga yon. Hay, nagiging bobo na talaga ako. Napahiya tuloy ako, tang'na.

At isa pa, bakit nga ba ako huminto para mabangga sya sakin? Ay, ewan
Nong makita ko siya bigla akong nag-ugat sa kinatatayuan ko.

Hay, bahala na. Makaalis na nga.

Habang naglalakad ay iniisip ko kung anong pwede kong gawin para makaganti sa babaeng yon.

Aba, hindi naman pwedeng sya lang ang pwedeng bumanat. Kailangan ko ring gumanti. Pakiramdam ko kasi ay naapakan nya ang ego ko dahil never pang may sumagot sakin nang binully ko.

At bilang isang tinaguriang bully, may idea na ako. But this time, ibang process. At sisiguraduhin kong magagawa ko to ng maayos. I'll make her fall in love with me.

Loving The Probinsyana Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon