Avery's POV
Next week na ang foundation week at friday na ngayon. Nagiging madalas na din ang practice namin sa pageant at yong preparation sa booth kaya medyo busy talaga, ngayon lang ata kami walang ginagawa.
Magkasama kami ngayon ni Cyrus at nakaupo sa bench dito sa gilid ng field. Mula nang pumayag akong magpaligaw sa kanya, hindi nya na talaga ako nilubayan.
It's been a week mula nang pumayag ako at sa kaunting panahon na yon, masasabi kong nakilala ko talaga sya ng lubusan.
Behind his bully image, there's a sweet, loving, sincere and caring boy.
"So, you mean, pupunta dito ang parents nyo para manuod ng contest?" Tanong nya habang kumakain ng spaghetti na binili nya sa canteen bago kami pumunta dito.
Tumango ako, "oo. Lagi naman silang ganon. Nong kay Kuya Alender nga noon, poster making contest ang sinalihan pero lahat kami pumunta para manuod. Pina-absent lang talaga kami para lang panoorin sya."
Tumawa sya, "ang sweet naman. Ako, sinusuportahan naman ako ng parents ko pero hindi ko pa na-experience yong ipapa-absent ako para lang manuod ng contest ng kapatid o kaya um-absent para panuorin ako," natatawa nyang sabi kaya natawa din ako.
"Gusto mo, gawin ko?" Tanong ko habang nakangisi.
Tinaasan nya naman ako ng kilay, halatang hindi naintindihan ang sinabi ko, "gawin ang alin?"
Tumawa ako, "ang um-absent para lang panoorin ka. Sabi mo, hindi mo pa yon nai-experience kaya ako ang gagawa," sabi ko.
Sya naman ngayon ang tumawa ng tumawa, habang ako ay pinapanuod lang sya.
"Hala sya, ang saya mo, ah."
Tumingin sya sa'kin pero natatawa parin, "hindi ko lang in-expect na sasabihin mo yon. Pero seryoso ka talaga?"
Tumango ako habang nakatingin sa kanya at nakangiti, "syempre naman, bakit naman hindi?"
"Okay, ikaw bahala, pero saka na kapag may contest na akong sasalihan."
Inabot ko ang baba nya at pinahid ang dumikit na sauce don. "Okay, sabi mo eh."
Bigla nyang hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako don.
He intertwined our fingers. And looking at our intertwined hands warmed my heart, it fits perfectly.
Ang corny man pakinggan pero totoo talaga, yong kamay ko ay saktong sakto sa kamay nya. Yon bang parang ginawa talaga para sa kamay nya.
"Sinong first love mo?" Biglaan nyang tanong kaya nagulat ako.
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung yong topic nyo ay tungkol sa family nyo tapos biglang magj-jump sa first love mo.
Ngumuso ako, "bakit mo natanong?"
Nagkibit-balikat sya saka tumitig sa'kin, "wala lang, gusto ko lang malaman. So, sino nga?"
Tumawa ako, "secret."
Ngumuso naman sya habang nakasimangot, "bakit secret? Ayaw mong sabihin sa'kin? Bakit? Mahal mo pa ba sya hanggang ngayon? Hah?— shit!"
Malakas akong natawa nang mapatigil sya sa pagmamaktol dahil may ipot ng ibon na nahulog sa ulo nya.
Tumingala ako at nakita ko ang maliit na ibon na kakalipad pa lang. Binalik ko ang tingin kay Cyrus na aligaga at mas lalo pang tumawa.
Tiningnan nya ako ng masama kaya napanguso ako para pigilan ang tawa ko.
"Ang cute mo..." Nakangisi kong sabi. Yong masama nyang tingin, bigla nyang binaling sa gilid namin, "Cy..." Lumingon sya sa'kin, "ang cute mo."
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...