Chapter XVII

865 37 0
                                    

Vince's POV

Tahimik lang kaming tatlo nina Ashton at Cyrus habang pinapanuod ang mga classmates namin na kung anu-ano lang ang ginagawa.

Ay hindi.

Ako lang pala ang nanunuod sa kanila dahil ang dalawa kong pinsan ay sa labas nakatingin na para bang may hinihintay sila na dumaan.

Binatukan ko silang dalawa kaya tiningnan nila ako ng masama.

"Bakit ka ba nambabatok?" Inis na tanong ni Cyrus.

Nagkibit balikat ako, "eh, para kayong mga tanga, eh. Ano bang tinitingnan nyo dyan sa labas? May hinihintay kayong dumating?"

"Wala!" Sabay nilang sabi at binalik ang tingin sa labas.

Nakatingin lang ako sa kanila ng nakataas ang dalawang kilay habang sila ay nakatingin sa labas kaya hindi nakatakas sa'kin ang panlalaki ng mata ni Cyrus at pag-ayos ng upo ni Ashton.

Napatingin ako sa labas at nakita ko si Avery at Walter na dumaan papunta sa katabi naming classroom na classroom din nila.

Binalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa habang naniningkit ang mata. May hindi ata ako nalalaman sa dalawa na to.

Pinag krus ko ang dalawang braso sa dibdib, "sabihin nyo nga sa'kin, si Avery ba ang hinihintay nyong dumaan? O si Walter?"

Tiningnan ako ni Cyrus ng masama, "I don't know what you're talking about, Vince. Wala akong hinihintay na dumaan," sabi nya habang si Ashton ay parang walang narinig.

Maniniwala na sana ako, eh, kaso halata kayong dalawa masyado. Tss. Ako pa talaga niloko nyo.

Ngumisi ako, "totoo? Wala kayong hinihintay?" Sabay naman silang tumango. "Talaga lang, ah."



- - - -

Avery's POV

"Ang taray nga, eh. Grabe, tinanong ko lang kung masarap ba ang mga pagkain don sa karendirya na yom, tapos tinalakan na agad ako," sabi ni Nica habang naglalakad kami pababa sa hagdan papunta sa canteen para maglunch.

"Kesyo, kung ayaw ko raw bumili eh wag daw kasi hindi naman daw sya namimilit," sabi nya pa.

Sa aming lahat, si Nica yong laging may baon na balita, si Sab naman yong babarahin ka kapag nakahanap ng butas tapos kami naman nina Sam at Walter yong tagapakinig.

"Tapos, ano ang ginawa mo?" Tanong ko.

Umirap sya, "hayun, sinabihan ko na nagtatanong lang naman ako. At wala rin naman akong sinabi na namimilit sila."

"Tapos? An'yare?" Tanong naman ni Sab.

"Tapos, hayon, umuwi ako ng walang nabibiling pagkain kaya noodles na lang kinain ko kasi pinauwi ko lahat ng katulong namin tapos hindi ako marunong magluto."

Umingos si Sab, "tanga talaga kahit kailan."

Pinanlakihan ni Nica ng mata si Sab, "alam mo, Sab. Napapansin kong panay na panlalait mo sa'kin. Bakit? Ayaw mo na ba sakin? Hindi mo na ba ako bestfriend?"

Umirap lang si Sab, "ewan ko sayo."

Pumasok na kami sa canteen at um-order saka kami pumwesto sa malaking lamesa sa gilid ng pinto. Yong kinuha nina Cyrus dati.

Kakasimula pa lang namin kumain habang nagkukwentuhan nang may tumabi samin.

"Hi, guys!" Hyper na naman si Vince.

Katabi ko sa kaliwa si Walter at Nica habang sa kaliwa ay si Cyrus. Katapat naman namin ang kambal at sina Ashton at Vince.

"Hi, Avery," bati ni Ashton sa'kin pagkaupo nila. Nginitian ko naman sya.

Loving The Probinsyana Princess (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon