Avery's POV
Cyrus Is standing meters away from me and he's looking straight to my eyes.
Undercut parin ang buhok nya pero mas mahaba na yon. Medyo pumuti din sya, tumangkad and he already have a well-built body.
Ang daming nagbago sa kanya, tulad ng feelings nya pero...
Totoo ba talaga ito? Sya ba talaga yan?
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang na-freeze ang paligid, parang tumigil ang oras at ang mga tao at kaming dalawa lang ang nanatiling humihinga at gumagalaw.
I suddenly wanted to run towards him. God knows how much I missed him. I wanted to hold him, to touch him, to hug him, to kiss him.
Napatingin ako sa babaeng lumapit sa kanya at inilingkis ang braso sa braso nya.
What the hell?
Yong kaunting saya at pag-asa ko kanina ay bigla na lang namatay. Napalitan yon ng disappointment, lungkot at sakit.
Not that naninibago ako, kasi kung tutuusin ay walang araw na hindi ko yon naramdaman, I just didn't expected na mafi-feel ko yan sa oras na makita ko sya ulit.
And who is she? Is she his girlfriend? Wife?
Napatingin ako sa kabuuan ng babae. She's pretty, and she looks so prim, muka ding mayaman. Bagay na bagay silang dalawa.
Ito na ba? Ito na ba ang sign na dapat na akong sumuko? Na dapat na akong bumitaw? Na dapat ko nang kalimutan ang lahat? Na dapat na akong mag move on? Pero paano?
Nilipat ko ang tingin kay Cyrus who's also looking at me.
Am I seeing it right? The longing, sadness and pain in his eyes? No, maybe my eyes are just playing with me.
Napatingin ulit ako don sa babae na nakaangkla parin ang mga braso sa braso ni Cyrus.
Yong sakit na palagi kong nararamdaman ay mas domoble. Nadagdagan.
Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko, hindi ako makahinga ng maayos at parang naiiyak ako pero pinigil ko.
Buong lakas kong pinigil na maluha sa harapan nya, nila. At buong lakas kong sinikap na wala silang makitang emosyon sa mga mata ko.
"Bakit hindi mo ko hinintay, hah? Saka, ikaw hah. Ang sweet mo talaga. Dinala mo ko dito sa magandang lugar na to. Thank you!" Sabi nong babae saka hinalikan si Cyrus sa pisngi.
Gusto kong iiwas ang tingin sa kanilang dalawa pero hindi ko magawa. Nakapako lang ang paningin ko sa babae.
Bigla syang napatingin sa'kin at dahil nasa kanya na ang paningin ko, I saw how her eyes widened and her mouth parted.
It seems like she knows me. Well, I'm one of the known singers in Asia. Kaya hindi na ako magtataka. Sakto namang nag-ring ang phone ko.
Kinuha ko yon sa bulsa ko at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino yon habang nakatingin diretso sa mga mata ni Cyrus.
"Hey, ate. Where are you? Malapit nang magsimula ang dinner." It was Emperor who's already twenty years old and he's talking about the family dinner for Azunta's birthday.
"Babe..." Sambit ko habang nakatingin diretso sa mata nya.
I don't know kung bakit ko yon nasabi, parang gusto ko tuloy tirisin ang sarili ko.
I saw how he avoided my gaze and looked down. He looks hurt and ashamed.
"Babe? Anong babe? Inaatake ka na naman siguro ng topak mo, ate. Asan ka na ba? Nandito na kaming lahat, ikaw na lang ang wala," sabi nya.
BINABASA MO ANG
Loving The Probinsyana Princess (Completed)
Teen FictionAvery Valdez is the school's new student. A typical nerd; may suot na malaking salamin, walang fashion sense, at pangit. Cyrus Montero is the school's heartthrob. Gwapo, mayaman, habulin ng mga babae. But unlike any other heartthrob, he's a bully...