Synopsis

344 9 2
                                    

Someone's Point Of View

Habang patungo ako sa library ay hindi ko maiwasan ang kabahan, mabilis na kumakabog ang aking puso. Ano bang meron? May sakit ba ako?

Nang nasa bungad na ako ng mga book shelves ay nakarinig ako ng boses ng kung sino. Boses na parang kilala ko kung sino.

H-hindi pwede....

Dahan-dahan akong nagtungo sa pinagmumulan ng maliliit na boses na 'yun.

Nagtago ako sa mga libro, ngunit may siwang naman ito na sapat upang maaninag ko kung sino ang mga nandun.

Hindi nga ako nagkakamali. Si Kiel, my boyfriend.

At s-si? Natashia?!

Nag-umpisa na akong humagulgol dahil sa nakikita ko ngayon.

Nakaupo si Kiel sa table habang si Natashia ay nakatayo at nakikipaglampungan sa boyfriend ko.

This is the worst! Kiel is my boyfriend and Natashia is my best friend!

Mariin kong pinikit ang aking mga mata saka pinunasan ang mga luhang nakakalat sa aking mukha.

Magpakatatag ka.

Nanatili lamang ako sa aking puwesto at sandali pang pinakinggan ang usapan nila.

"Alam mo babe, one year na tayong magkasama pero hindi mo pa din ako pinapakilala sa buong university, nakakatampo ka!" Maarteng turan ni Natashia. Napangisi naman ako.

One year? Ha!

Si Kiel kasi ang Ssg President dito sa University namin at siya din ang anak ng may-ari nito. Talaga lang ha.

Sinipa ko ang nasa pinakababang libro dahilan para mapapitlang ang mga ito.

Malamig ang ekspresiyon akong lumabas sa aking pinagtataguan dahilan ng kanilang pagkagulat.

"What are you doing here?!" Galit na sigaw ni Kiel, hindi ko naman ito pinansin ang tumingin kay Natashia na nangingilid na ang luha.

"B-beshy..." Nakayukong sambit nito

"You're still calling me 'Beshy' na akala mo walang nangyari? Huh! Hahaha! How ridiculous you are!" Saka lumapit pa sa kanila ng isang hakbang

"Shhh, don't cry.." pagpapatahan nito kay Natashia.

Masakit man pero pinili ko maging kalmado.

"I don't need to be sorry dahil una pa lang sinabi ko na sa'yo na gusto ko ng makipaghiwalay pero pinilit mo pa din! You are desperate!" Nakadurong turan nito sa akin

"D-dahil mahal kita..." Turan ko

Nakita ko naman ang pag igting ng panga niya.

"Let's en----" pinutol ko ang sasabihin nito

"You don't need. Everyone inside here in our university is my witnesses" pilit ngiting saad ko saka tumingin sa itaas ng kisame ng library at pinunasan ang aking luha

Tumingin din naman sila doon at halos mapasapo sa kanilang mga ulo ng mamataan nila ang Library Camera na naka-on at nakikita ito sa malaking screen sa aming gymnasium. Saktong lunch break na din namin ngayon.

"Gumawa ka ng paraan Kiel!" Sigaw ni Natashia habang nakatago ang mukha sa sarili nitong palad

"Will you shut up?!" Turan din nito habang umiiwas ng tingin sa Camera.

Nginisian ko lamang sila at nag-umpisa ng lumisan sa lugar na 'yun.

Nanghihina akong nagtungo sa comfort room at doon tuluyan ng humagulgol.

"This is b*lls*it!" Sigaw ko at napaupo sa sahig.

I am Alvara De Luca and this is my story.

Author's short message!

Hi, this is me Ara! Sana magustuhan niyo itong first story ko dito sa Wattpad. Hindi ako kagalingan na manunulat pero gagawin ko ang lahat para mabigyan kayo ng magandang experience sa unang subok ko. Tutal para hindi ako mahirapan mag mention ng mga name niyo isa-isa, ang itatawag ko na lang sa inyo ay 'Arabbits' haha funny ko di'ba? Dahil ang rabbits ay cute at masunurin, ayun na lang ang itatawag ko sa inyo dahil mahal ko kayo ≤//3

Kung may tanong o problema about dito sa story ko wag mahiyang mag message sa akin, salamat!

 

AraFarrah

DISCLAIMER!

ANG MGA LUGAR, TAUHAN AT PANGYAYARI SA ISTORYA NA ITO AY HINDI SINASADYA O PAWANG KATHANG ISIP LAMANG.

TYPOGRAPHICAL ERRORS AND GRAMMATICAL ERRORS ARE EXPECTED.

PLAGIARISM IS A CRIME. DON'T COPY AND REPOST IT WITHOUT MY PERMISSION.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon