Chapter 10

61 3 0
                                    

Alvara's PoV

Maaga akong nagising, hindi na pala ako nakakain pagkauwi ko galing klase kagabi.

Sumubo muna ako ng kaunti bago gumayak. Simple katulad ng nakasanayan ko. Almusal, ligo at bihis.

Ngayon din pala ang laro Macky at grupo nila Kiel.

Kinuha ko na ang bag ko at ni-lock ang pinto ng silid ko. Mahirap na baka may pumasok na kung sino.

Marahan akong naglakad patungong building kung saan ang aking silid at klase.

Nang makarating ako ay agad na umupo sa aking pwesto. Wala pa si Macky?

Maya maya pa ay may nag announced sa office speaker.

"To all students of Helvica Trinidad University. Please come and watch the game of Team Python and Team Tiger. The participants in this game will soon be seen inside the gymnasium. Thank you and have a nice day everyone!" Announce nito

Napailing na lamang ako, ang corny ng pangalan ng team nila.

Isa isa na kaming nagsilabasan sa aming mga silid at dumiretso sa gymnasium. Hinagilap ng mata ko si Savana at agad ko naman itong nakita.

"Nakita mo na ba si Macky at mga kagrupo niya? Alin ba sila sa dalawang team na 'yon?" Usisa ko

"Nasa locker room na ata sila. Hindi ko pa kilala 'yung ibang kagrupo ni Macky. Team tiger sila at Team python naman sila Kiel at mga kaibigan niya." Ani nito na ikinatango ko

Umupo na kami sa bandang unahan kung saan malapit ang upuan ng Team tigers.

"Savana! Alvara!" Sabay kaming napatingin sa sumigaw, si Macky na naka jersey na.

"Bumalik ka sa loob, Macky! Isa isa pa kayong tatawagin!" Napakamot naman ng ulo si Macky sa sinigaw ni Savana

Napailing na lamang ako.

"Magandang araw, Helvica! Ngayon, matutunghayan ninyo ang pagtutuos ng dalawang magagaling na team ang team python at team tigers! Heto na ang mga kalahok sa laro.." pasimula nito

"Para sa Team Python. Unang una ang pinakamamahal nating si Kiel Montenegro Alvarez at ang mga kagrupo niyang sina, Troy Ichigo, Mauro Hades at iba pang player ng kanilang grupo. Para sa Team Tigers naman ay nandito sina Macky Dela Fuentes, Carlo Santos, Kurt Rambino at ang iba pang player ng kanilang grupo!" dagdag pa nito


Nagsimula na ang laban, halos dikit ang score ng dalawang team pero umaangat na ang team python.

Nakatuon ang mga paningin ko sa galaw na team python kung nasaan si Kiel dahil hindi ako sigurado sa mga pinaplano nito.

Ang score ay 'TP-35 at TT-23', hindi na makahabol sina Macky.

Napalingon naman ako sa katabi kong kanina pa dasal ng dasal.

Muling nakapuntos ang team python na nagpakaba sa akin, bakas na din ang pagod sa mukha ng team tigers.

Makalipas pa ang ilang minuto ay 3rd quarter na ng laro. Sino kaya ang mananalo?

Bigla namang pumito ang referee ng may matumba at napahawak sa paa niya. Napatayo kaming mga team tigers.

May na injured sa grupo nila Macky! Naku!

"Pano na yan Alvara? Nabawasan na sila!" Nag aalalang turan ni Savana

Kailangan gumawa ako ng paraan para hindi napahiya si Macky sa paaralang ito. Hindi pwedeng manaig sila Kiel.

Akala nila hindi ko napapansin ang paniniko at violation ng mga kasamahan niya. Lahat ng 'yun ay nakikita ko.

"I need to do something..." Bulong ko

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon