Chapter 67

36 3 1
                                    

KINABUKASAN pag gising ko ay init ng araw ang tumama sa aking mukha. Inis akong tumayo at tinignan ang oras.

What?! Male-late na 'ko!

Dali dali akong naligo, nagbihis at kumain. Kinuha ko na rin ang cellphone ko na nakacharge pa mula kagabi. Siguradong wala akong messages ngayon dahil wala namang pake ang mga tao sa'kin.

Nang makasakay na ako sa taxi ay agad kong sinagot ang tawag. Hindi ko na tiningnan pa kung sino ang caller.

"What?" Tanong ko, wala talaga ako sa mood

"Nasaan kana ba, Alvara?! Baliw ka ba?! Late ka na! Dalian mo!" Bulyaw ng napakaingay na babaeng kilala ko

"On the way na 'ko, shut it and wait for me na lang!" Sambit ko at pinatayan na ito ng tawag

Napapakuskos palad pa ako dahil sa kaba, baka pagalitan ako ng prof namin!

"First time mong ma-late, Ma'am!" Bati sa'kin ni Manong Guard saka ako pinagbuksan ng gate

Mahina lamang akong tumawa at nagkamot ulo.

Wala ng tao sa labas ng campus siguro lahat ay nasa kanya kanya na nilang klase.

Mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ako ng takbo sa aming building.

Nang nasa tapat na ako ng room namin ay bumuntong hininga muna ako bago kumatok, maya maya ay may nagbukas nun at sumilip.

"You're late?" Bungad sa'kin ni Ms. Salazar

Tumango lamang ako at humingi ng paumanhin, gulat naman ako ng ngumiti lang ito at pinapasok na 'ko sa loob.

Hindi ko pinansin ang mga nagbubulungan kong kaklase at umupo na lang sa upuan ko.

"Hoy ba't ngayon ka lang?" Saad ni Macky sabay ako siniko

Inirapan ko lamang ito, akmang ibababa ko na ang bag ko nang biglang magsalita si Ma'am na ikinalaglag ng panga ko.

"Mukhang mahaba ang naging pag uusap niyo ni Tristan kagabi, Alvara? How sweet..." Tila ba may pang aasar sa boses ni Ma'am

Napangiwi akong tumingin sa gawi nito na mahinang tumatawa.

Nagtakip na lamang ako ng mukha ko nang maramdaman ko ang matatalim na titig sa'kin ng kung sino. At ayoko ng alamin kung sino man iyon.

I sighed bago binuksan ang laptop ko, ipapakita ko kay Ma'am ang p'wedeng gawin naming background sa aming grandball.

Naguguluhan ako kay Ma'am. Paanong nagusap kami ni Tristan kagabi? Eh ang kausap ko ay si Jason? Nang aasar ba siya?

Napailing na lamang ako dahil sa mga iniisip ko. Medyo makirot ang ulo ko, hang over siguro. 'Di na mauulit!

——

Inililigpit ko na ang mga gamit ko para sana sabay sabay na kami ng mga kaibigan ko kumain sa cafeteria.

Akmang magsasalita na ako at hahawak ako sa braso ni Aliah nang magsalita ito,"Kain na tayo?—Oh! I almost forgot! Sunny! Come and Join us!" Tumango naman si Sunny at simpleng ngumisi sa gawi ko

Laglag ang panga kong tumitig sa kanilang lahat na tila ba ako'y isang hangin lamang para sa kanila. Dinaanan lang nila 'ko. Para bang..... parang wala lang ako.

Nakatitig lang ako sa mga likod nilang papalayo na ng room. Masaya silang nag uusap at magkasabay na naglalakad. Even him. Kahit siya, si Kiel ay hindi ako nagawang pansinin at ayain.

Ni isa sa kanila ay hindi ako tinapunan ng tingin kahit nasa tabi lang ako ng table nila.

Nakalingkis si Sunny kay Kiel habang masayang nakikipagtawanan sa mga KAIBIGAN ko. Ako dapat ang nandu'n, ako ang kaibigan nila eh.

Napatitig ako sa babaeng umupo sa table nila. Si Savana, pirmi lang akong nakatingin sa kan'ya. Ngunit sa isang iglap, nag iwas ito ng tingin sa'kin.

A-anong meron? Bakit hindi nila ako pinapansin?

Pinigilan ko ang hindi umiyak at nagpatuloy na lang sa pagkain.

Nanlaki ang mata ko at halos umusok ang ilong ko nang makita kong halikan ni Sunny si Kiel sa kan'yang labi.

"You!" Malakas na sigaw ko saka lumapit sa gawi nila at sinampal ng magkabilaan si Sunny

Ang atensyon ay nasa amin na ngayon, lahat ng estudyante ay nagulat dahil sa ginawa ko.

Dali daling dinaluhan ng mga kaibigan ko si Sunny at pinatayo.

Kita ko ang pag ngisi nito bago nag inarte kay Kiel, "B-babe, sinaktan niya 'ko!" Nag iinarteng turan nito

Natuod ako sa aking kinatatayuan nang masamang tingin ang pinukol sa'kin ni Kiel.

Mabilis pa sa alas kwatro itong lumapit sa'kin at hinawakan ang panga ko na pilit ko ngayong iwinawaksi ang aking mukha, "Y-you're hurting me, Kiel...." Usal ko

"You! Don't you ever to touch Sunny again! Or else, you'll regret...." Aniya at padarag akong binitawan dahilan upang matumba ako at siko ko sa matulis na parte ng lamesa

Hindi ko naramdaman ang sakit ng pagtama sa'kin, ang nararamdaman ko lang ngayon ay ang sakit ng pagkadismaya. At sakit dahil sa pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng mga kaibigan ko at ng taong pinagkakatiwalaan ko.

Napakurap ako dahil sa nangyari, ang bilis. Ni tapunan nila ako ng tingin ay hindi nila nagawa. All of them ignored me.

"Wanna ride?" Napalingon ako sa nagsalita

Nakatayo lang ako ngayon sa bus stop habang naghihintay ng masasakyan. Gabing gabi na 'ko umuwi dahil nag usap pa kami ni Tristan.

"A-adrian..." Usal ko

Ngumiti ito sa'kin.

"Sakay ka na, hatid na kita..." Mahinahong turan nito

Tumango naman ako at umangkas na sa motor niya.

Para akong nawalan ng gana. Nawalan ng enerhiya.

Sobrang daming pumapasok sa utak ko. Ano ang nangyayari? Galit ba sila sa'kin? May kasalanan ba 'kong ginawa?

"Salamat..." Pilit ngiting turan ko

Tumango lamang ito at ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko.

Malakas itong tumawa bago nagpaalam ng aalis siya.

Bumuntong hininga ako at akmang papasok na sa loob ng bahay nang maamoy ko ang bulaklak ni Mommy.

"Nay...." Mahinang usal ko mahinang suminghot

Wala ng luha pa ang lumalabas sa mga mata ko dahil kanina pa 'ko umiiyak. Kahit nagmumukha na akong tanga sa paningin ng mga taong nakakasalubong ko ay sige pa rin ako sa pag iyak.

"Ang sakit po, Mom. I feel.... I feel betrayed. At sana, iba ang nasa isip ko.

Sana walang kampihan na nagaganap. Sana wala silang sikreto. Sana bukas ay ayos na.

Mahina lang akong natawa nang mamataan na lang ang sarili kong niyayakap ang halaman ng Nanay ko.

Umiling iling ako bago pumasok na sa loob.

Hindi na ako nag abala pang kumain at magpalit ng damit. Dumiretso na ako agad sa taas at ibinagsak ang aking katawan sa aking kama.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon