Chapter 53

39 5 0
                                    

Nagising ako ng may ngiti sa labi, ewan ko ba parang ang saya saya ko ngayong araw na 'to. Sana kahapon ay ganito ako para hindi man lang na out of place si Kiel.

"Hey, Goodmorning. What's up?" nakangiting bungad ko sa caller

"Hmm? Bakit parang ang ganda ng gising mo babaita ka?!" Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtantuhan ko kung kanino itong boses

"Kate! Are you okay? Bakit hindi kita ma-contact?" nag aalalang tanong ko, narinig ko naman ang pag tawa niya

"Ano ka ba?! I'm doing good! Tinakas lang ako ni Troy panandalian! Ayaw niya talagang makipaghiwalay!" aniya, natawa naman ako

Nahinto ako sa pagtawa nang maalala ko si Aliah. Hindi pa siya tumatawag.

"Eh si Aliah? Hindi pa kasi siya nagrereply sa text ko o kaya sumagot sa tawag ko? Asa'n na ba siya? Ayos lang kaya siya?" turan ko habang sinusuklayan ang aking basang buhok

Kanina pa ako bihis dahil baka biglaang pumunta si Kiel dito.

"Uhmm... Hindi ko rin alam eh. Kahit sa akin, hindi siya nagrereply o sumasagot sa tawag ko. Subukan na lang natin mamaya kung makita natin siya sa campus! Baka sakaling pumasok siya...." aniya, tumango naman ako kahit alam kong 'di niya kita

Maya maya pa ay pinatay ko na ang tawag dahil magbibihis na raw siya.

Bumuntong hininga ako at inilapag ang cellphone ko sa kama. Ano ba ang nangyayari sa kanila? Hays.

Napatayo ako ng mabilis nang marinig ang tunog ng sasakyan ni Kiel. Kabisado ko na ang tunog ng sasakyan ni Jason, Calix, ni Aliah at pati na rin ang kay Kiel.

Siguro ay nasanay na ako sa kanila na sumasabay. Sa susunod ay ako naman ang bibili ng sasakyan ko. Marunong naman ako magmaneho wala lang akong lisensya.

"Hi, gorgeous!" halos mapunit na ang bibig nito dahil sa kan'yang malawak na pag ngiti

Nangunot naman ang noo ko, "Ano'ng nginingiti mo d'yan?" tanong ko

Tumawa naman ito saka ako pinagbuksan ng sasakyan.

"Just happy that you will be mine officially." aniya saka pumasok na rin sa loob

Sabay kaming nagsuot ng seat belts namin.

May pa sipol sipol pa siya habang nagmamaneho.

Nababaliw na ata ang lalaking ito.

"Have you eaten your breakfast?" aniya habang ang tingin ay nasa daan

Walang imik at tanging pagtango lamang ang tinugon ko. Ang dami kong iniisip. Tila ba sasabog na ang utak ko.

"Here you go again, you're quite as f.cking dead!" aniya at malakas na inihinto ang sasakyan dahilan ng pagkagulat ko

Inis akong tumingin sa kan'ya ngunit binawi ko rin dahil sa sama ng titig na pinupukol niya sa akin.

"Ano bang problema mo? Baka ma-late pa tayo! Tara na!" inis na singhal ko

He sighed, "May problema ba? Hmm? Tell me, my angel. Please, I'm begging you!" aniya at hinawakan ang kamay ko

"Ang dami ko lang naiisip, parang gusto kong magpahinga. Tinutulog ko naman pero parang lagi pa rin akong pagod. Why is that?" turan ko at sa hindi inaasahan ay tumulo na ang mga luha ko

I'm weak.

"Can you just stop thinking for something, Alvara? Kahit ilang araw lang. You want to rest but you're giving yourself a reason to overthink!" aniya at pinunasan ang pisngi kong basang basa na

"I'm weak! I can't help it. H-hindi k-ko rin alam...." saad ko sabay hagulgol

Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Umiyak ka hanggang gusto mo. Ilabas mo ang pagod mo sa akin. I'm willing to be your bed or pillow. Basta sa akin ka lang magpapahinga, got it?" mahina naman akong tumango

"S-salamat..." saad ko nang humiwalay ako ng yakap sa kan'ya. Ngumiti naman siya at umayos ng upo

"I love you." aniya, ngumiti ako sa kan'ya at umayos na rin ng upo

"Talaga?! Pinakinggan niya kuwento mo?" Pigil sigaw na tanong ni Savana

"Paulit ulit, Sav? Nakakarindi!"maarteng reklamo naman ni Kate

Andito kami ngayon sa gate ng campus. Hinihintay namin si Aliah na pumasok. Ang dami naming katanungan para sa kan'ya.

"Nakailang ulit ka na ng tanong, Savana. Bingi ka ba?" inis na turan ko, sumimangot naman ito

I sighed dahil ilang minuto na kaming naghihintay dito sa labas at unti na lang ay mag uumpisa na ang aming klase.

"Pinapatawag na kayo ni Mr. President, Girls!" tawag sa'min ni Macky

"Macky, I love you but you need to shut up. Hinihintay namin si Aliah! Nag aalala na kami!" turan ni Savana

"Alvara, baka hindi na siya pumasok. Mamaya, subukan na lang natin siya uling tawagan. Okay?" sambit ni Kate. Wala na akong nagawa kundi ang tumango at sumunod na sa kanila

Pumasok na kami sa loob ng classroom.

Parang hindi talaga kumpleto ang araw ko kapag hindi kami kumpleto. Nag aalala na kami kay Aliah. Nasaan na kaya siya?

Natapos ang unang subject namin nang lumilipad ang utak ko. Ewan ko ba, guilty'ng guilty ako tuwing iniisip ko si Aliah!

"Rest your mind, Alvara." napalingon ako sa nagsalita

"M-mr. President...." I uttered, ngumiti siya at umupo sa tabi ko

Andito pa rin ako sa room, inaya ako nila Savana kanina pero I insisted na dito na lang muna ako sa room. Wala akong ganang kumain.

"Tumawag si Dad kanina, he said na kailangan nating pumunta sa bahay mamayang gabi. Kakausapin niya tayo.." aniya habang ang mata ay nasa akin

Mahina lamang akong tumango.

"Talk to me or You will never see your friend again, Alvara?" nangunot ang noo ko sa tinuran niya

He smirk, "Nakausap ko si Mauro kanina, and he told me that your friend is doing good. Pero, p'wedeng mabago iyon kung hindi mo ako kakausapin. I will call him to hurt your friend, you want that?" tinampal ko ng hindi kalakasan ang kaniyang pisngi atsaka tumayo

"Ang sama ng ugali mo! Pinagbabantaan mo na nga ako idadamay mo pa kaibigan ko!" inis na turan ko rito at nagmartsa palabas ng aming silid. Nadinig ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko pero hindi ko na siya pinansin pa

Neknek niya.

Nakangiti akong lumapit sa mga kaibigan ko na kumakain.

Nakataas ang kilay ni Savana, "Oh? Ano'ng meron? Nginingiti mo d'yan?" aniya

Tumawa naman ako ng mahina.

"Okay naman daw si Aliah. Nasa mabuting kamay siya ng boyfriend niya!" masayang turan ko

"That's good!" komento ni Kate

Tumango naman ako at kinuha ang friedchicken leg na isusubo na dapat ni Savana.

"Sarap." komento ko, sumimangot naman ito

After our break time, bumalik na kaming muli sa aming mga silid para ipagpatuloy ang natitira naming klase.

"Bye! Ingat kayo!" sambit ko at kumaway sa papaalis na motor na lulan sina Savana at Macky.

Nagkantiyawan pa kami kanina dahil sa motor lamang isasakay ni Macky si Savana, samantalang si Troy naman ay inihatid si Kate gamit ang kan'yang sasakyan.

Napailing ako at umupo sa gilid ng waiting area ng mga bus.

Itinaas ko ang aking kamay upang harangan ang aking mga mata dahil sa sasakyan na biglaan na lang pumarada sa harapan ko. Yung ilaw niyo ho!

"Ano ba yan!" inis na singhal ko saka tumayo ng hindi pa rin namamatay ang ilaw

Napalunok ako nang mariin dahil sa nakabusangot na mukha ni Kiel, "You little brat!" aniya saka ako binuhat na para bang isang sako ng bigas

"Put me down!" singhal ko, tumawa lamang ito saka ako sinakay sa sasakyan at pinaharurot ito paalis

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon