Chapter 49

60 4 0
                                    

"Ganda mo." mabilis akong napalingon sa kan'ya dahil sa tinuran nito. Ang kaniyang paningin ay nasa kalawakan. Nakatingin lang siya sa langit.

Naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya tinanggal ko ang tingin ko sa kan'ya. Ba't naman ako kikiligin?

"You're blushing." And he chuckled. Sinamaan ko naman ito ng tingin.

"No, I'm not. Nagulat lang ako!" depensa ko na mas lalong ikinatawa niya

Napailing na lamang ako at akmang babalik na sa loob nang hatakin ako nito pabalik at niyakap ng mahigpit.

I can feel his warm arms and I can smell the familiar perfume. Parang naamoy ko na 'to dati ah?

Tila ba ako nasampal ng kabayo dahil hindi ako makagalaw at hindi makapagsalita para bang—parang naubusan ako ng sasabihin?

Gusto ko... gusto kong ilayo siya sa'kin pero ayaw gumalaw ng katawan ko. My mind keep saying that 'Push him!' but my body isn't moving. May naririnig din akong munting tinig mula sa aking dibdib—puso ko.

Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

"I am happy. I'm happy na ikakasal ka sa'kin at hindi sa iba. This time, I saved you again, my love." napaawang ang labi ko sa sinabi niya

He saved me? AGAIN? Ano'ng ibigsabihin niya?

Kumalas ako sa kan'ya ng yakap at hinarap siya.

"What do you mean you saved me again?" Kunot noong tanong ko

Kinuha nito ang aking kamay at hinalikan.

"Nang malaman ko na kailangan ng suporta ng kompanya niyo ay nagdadalawang isip akong tulungan kayo but when I found out na gusto kang ipakasal ng Dad mo sa ibang lalaki. I did not hesitate anymore at kinausap ko si Dad about that. I promised him na magbabago ako once na ikasal na ako sa'yo. Pumayag naman siya. I saved you again, my love. " nakangiting turan nito

Napakurap naman ako dahil sa guilt. Tapos pinagtutulakan mo pa siya palayo sa'yo, Alvara?! Nakakahiya!

"Why did you do that? Sayang ang kabataan mo. Masaya ang hindi pa ikasal ng maaga. Masaya ang buhay single o 'di kaya yung mag girlfriend ka lang muna. Bakit hindi mo na lang i-enjoy ang bagay na 'yon? Ang chance na 'yon?" Ani ko, umiling naman ito.

"I will not regret getting married at this young age kung ikaw naman ang mapapang-asawa ko. Hindi ako manghihinayang na masayang ko ang chance na magpakasasa na lang sa kabataan ko kung ikaw naman ang babaeng dadalhin ko sa altar." Aniya at hinalikan ako sa noo

Nakaramdam ako ng pag init ng sulok ng mata ko at nagumpisa ng tumulo ang mumunting patak ng aking luha.

"K-kiel....." Hindi makapaniwalang usal ko

Hindi ako makapaniwala. Mas pinili niyang pumayag na ikasal sa akin imbes na i-enjoy na lang ang buhay niya nang hindi ikinakasal. Hindi ko maintindihan.

"Wala akong pake kung ayaw mong ikasal sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ikasal sa'yo. At isa pa, gusto kong matali ka sa'kin. Habang buhay...." Aniya at ngumisi

"Ehem!" Napalingon kaming sabay sa tumikhim mula sa aming likuran

Si Ria.

Lumapit ito sa'kin at yumakap.

"Ate...na-miss kita, alam mo ba? Si Mom kasi ayaw akong pauwiin sa bahay! Baka daw kasi magalit ka kapag nalaman nila na may second family si Dad!" Aniya habang nakanguso

"Si Tita talaga. Actually, hinahanap ko nga kayo pero hindi ko kayo nakita sa bahay. Buti na lang at sinabi sa'kin ni Dad na nag stay muna kayo sa bahay ng friend ni Tita." turan ko at ngumiti

Tumingkayad ito at bumulong. "Ate, ang GWAPO ng future husband mo!" aniya at pinipigilan pang hindi kiligin nang humiwalay ito sa'kin

"I know, I'm handsome. Your ate always greeting me like that noon pa lang. How I missed that moment." Napatili naman si Ria sa kanyang nadinig

"Aish! Bakit ka ba lumabas dito, Ria?" pag iiba ko ng usapan

"Ang tagal niyo raw po kasi kaya pinasundan na kayo sa'kin ni Dad. May pag uusapan pa daw kayo!" Aniya, tumango naman ako

"Let's get inside, then." Si Kiel at nauna ng pumasok sa loob

Nang makaupo kami ay tila ba mapang asar na tingin ang ginawad sa'kin ni Tita Aicy.

"Mukhang nagkakamabutihan na ang dalawa, Mahal ko. Baka magkatuluyan sila!" Ani ni Tita Aicyz tumawa naman sila

Napayuko ako dahil sa kahihiyan. Myghad!

"Mayroon na akong nabiling bahay para sa inyong dalawa. Siguro, next week ay p'wede na kayong lumipat." Nanlaki naman ang mata ko sa tinuran ng Dad ni Kiel.

What?! Bahay?! Naming dalawa ni Kiel?!

"B-bahay po? P-para sa aming dalawa?" Naguguluhang usal ko

"Yes, Iha. Gusto kong mabantayan mo rin ang Anak ko para hindi na rin siya makagawa pa ng kalokohan. Baka atakihin lang ako sa puso nito pag nagkataon!" What?! Ano ako bodyguard?

"Hindi po ba't masyado tayong padalos dalos? Hehe...What I mean po is, p'wede naman po na magkahiwalay kami ng titirhan tutal fixed marriage lang naman po ito." Nahihiyang usal ko

"Ayaw mo ba, Ija?" Seryosong tanong ni Tito Alberto.

Akmang sasagot ako nang maunahan ako ni Kiel.

"She's just nervous, Dad. Don't worry, we'll talk about it later." Aniya at seryosong tumingin sa akin

Nag iwas naman ako ng tingin at uminom ng tubig.

Nakakabastos ba iyong sinabi ko? Mygash! Hindi ko naman kasi alam ang gagawin kung sakaling sa iisang bahay lang kaming dalawa!

Ang awkward kaya!

"That's good. Mas mabuti nga na kayong dalawa ang mag usap tungkol sa bagay na 'yan!" Komento ni Dad

Hindi na ako pumalag pa at pinagpatuloy na lang ang pagkain ng aking dessert.

May iba pang pinag usapan si Dad at Tito Alberto na tungkol sa trabaho. Hindi naman ako nakinig dahil wala naman ako sa trabaho nila. Labas na'ko du'n.

"Kiel will drive you home, Anak. Sa kan'ya ka na sumabay." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Dad

Nauna ng umalis ang mga magulang ni Kiel.

"Dad? Hindi ba p'wedeng sumabay na lang ako sa inyo?"

"Tatlo lang ang kaya ng sasakyan na 'to. H'wag ka ng makulit pa." Aniya at sinaraduhan ako ng pinto ng sasakyan

Napahawak naman ako sa ulo ko dahil sa inis.

Ano'ng hindi kasya?! Sa pang dalawang taong upuan nga kasya kami nila Savana, Kate at Aliah eh!

"Let's go." Napatingin ako sa lalaking hatak hatak ako patungong sasakyan niya

Nang naipasok na ako nito sa sasakyan niya ay siya naman ang sumakay.

"Makahatak? Mukha ba akong props lang na walang nararamdaman? Sakit ah!" Reklamo ko

"Shut up. Marami tayong pag uusapan mamaya." Seryosong ani lang nito at nagumpisa ng magmaneho

Galit ba siya?

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon