Chapter 45

47 3 0
                                    

Alvara's PoV

Narito pa rin kami sa bar. Akala ko naman ay kung saan kami pupunta sa nightclub lang pala!

Hindi ko 'to first time kaya nga ayoko nang maulit pang pumunta rito! Sh.t talaga 'tong si Kate at Aliah!

"Ano girls? Wala ba kayong balak sumayaw duon sa dancefloor?" Tila ba nang aaya ang boses ni Kate

"It's a no for me." Tipid na sagot ko at nilagong ang Tanqueray na nasa shot glass

Napangiwi naman ako sa lasa nito.

Lahat kami ay naka Tanqueray lang ang iniinom. Ayoko masyado ng hard drinks.

"Kung ayaw mo edi kami na lang!" Pasigaw na ang boses ni Kate dahil maingay masyado ang beats at tugtog ng Dj na nasa harapan.

Idagdag mo pa ang ingay ng mga tao dito sa loob.

"Hoy!" Sigaw ko nang iwan nila akong mag-isa dito

Wala naman akong nagawa kundi ang panoodin na lamang sila habang sumasayaw sa dancefloor.

Nagulat pa ako nang kumuha sila tig iisa ng shot glass na may laman na kulay pulang alak.

Sa pagkakaalam ko ay RomanoV iyon! Teka, hard drinks iyon ah! Paktay na!

Bago pa man ako makalapit sa kanila ay muli silang lumagok pa ng alak.

"Tama na 'yan!" Saad ko saka hinatak silang tatlo pabalik sa aming puwesto

Parang baliw pa ang mga loka dahil tawa nang tawa kahit wala namang nakakatawa.

"Ang sabi ko bawal sa matatapang na alak! Ang kulit niyo! Paano tayo uuwi?! Sino'ng magda-drive?!" Inis na bulyaw ko sa mga 'to

Nagtaas naman ng kamay si Aliah. "Don't worry. Hindi pa naman mashadong madami ang nainom k-ko!" Halos pasuka na ang pananalita nito

Napailing na lamang ako at kinuha ang bag ko.

"Tara na." Tipid na turan ko at hinatak na sila palabas ng bar

Pumasok na kami agad sa sasakyan. Tumingin muna ako kay Aliah.

"Are you sure na kaya mong mag drive?" Paninigurado ko

Ngumiti naman ito at tumango.

Binuhay niya na ang makina at nagsimula ng magmaneho.

Binuksan ko ang cellphone ko at nagulat ako sa notifications na tumambad sa akin.

'You missed a call from Macky'

'You missed a call from Troy'

'You missed a call from Mauro'

Napailing na lamang ako. Ang hirap pala kapag hindi nakapagpaalam ang mga ito. Ako ang nagmumukhang hanapan ng nawawalang mga jowa nila.

"F.ck it!" Usal ko ng bumangga kami sa isang concrete barrier

Napatingin naman ako kay Aliah na ngayon ay nagkakamot ulo.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon