Third person's PoV
Habang nagmamadali ng maglakad patungong dormitoryo si Savana ay may kung sino na lamang ang humatak sa kanya sa tahimik na lugar.
Si Macky.
"O-oh, may kailangan ka?" Bakas sa boses nito ang pagkagulat
"M-may gusto akong sabihin.." mahinang usal nito na sapat na para madinig ng dalaga
"Ano 'yun?" Kunot noong tanong ng dalaga
Hindi pinapahalata ni Savana ang saya ngunit kailangan niya maging kalmado, baka mahalata siya.
"Kung liligawan ba kita, papayag kaba? "Prangkang saad ni Macky
"H-ha? Bakit ako? I mean, bakit mo naman ako liligawan?" Utal na saad nito, bahagya namang napakamot sa ulo ang binata
"Hindi ba obvious? Gusto kita kaya kita liligawan, Savana!" Muntik na niya itong maisigaw
"Baka binibiro mo lang ako, Macky naman. Hindi ka nakakatu-----" napatigil sa pagsasalita ang dalaga ng yakapin siya ng binata
"Gusto kita, gustong gusto na. Bakit ba kase kita nagustuhan eh napakakulit mo? Ang daldal mo pa! Natamaan ako sa'yo, Savana." Ani nito na nagbigay ng kung ano mang kiliti sa dalaga.
"Bakit parang kasalanan ko? Kung napipilitan ka, edi h'wag!" Sambit ng dalaga saka humiwalay sa pagkayakap
"Hindi naman ako napipilitan. Hindi lang ako makapaniwala."
Ilang segundo muna silang nabalot ng katahimikan bago naglakas loob magtanong muli si Macky.
"So, p'wede na ba ako manligaw?" Aniya na may halong marahan na ngiti
"Okay. Wala ng atrasan 'yan ha! Kundi yari ka talaga kay Alvara!" Ani naman ng dalagang si Savana
"Yes! P'wede na!" Masayang saad ng binata
Napa takip naman ng libro sa mukha si Savana "P'wede ba kumalma ka?! Ang ingay mo! Nakakahiya!" Ani nito na may halong inis
"Okay, tara hatid na kita" ani nito saka kinuha ang buhat buhat na gamit ng dalaga
Wala ng ibang nagawa ang dalagang si Savana kundi ang sumang-ayon sa binata.
May kunting ilang pa sa gitna ng dalawa pero hindi hadlang sa nararamdaman ng mga ito ang ilang ilang na iyon.
—
"O'siya, dito na ako. Mag iingat ka. Pumunta kana din sa dorm mo, maaga pa ang laro niyo bukas." Ani nito"Manonood ka ba bukas?" Nahihiyang tanong ng dalaga
"Oo naman, ayaw mo ba?" Napailing naman ang binata
"Okay, papasok na ako." Ani nito at kumaway na sa binata bago tuluyang pumasok sa loob ng kanyang silid.
May pasayaw sayaw pa si Macky bago nilisin ang lugar na 'yun. Hindi matatanggi ng binata na hulog na hulog na nga siya.
Alvara's PoVHindi ko maiwasang mapangiti habang nakatanaw kanina sa bulto ng dalawa kong kaibigan na kinikilig sa isa't-isa. Akala siguro nila ay sila lang ang tao sa lugar na 'yun.
"Why are you here? Smiling like a crazy woman." Malamig na boses na nagmula sa aking likuran, paalis pa lang sana ako.
Hindi ko na sana ito lilingon pero dahil naka uniporme pa ako ay kailangan kong galangin ang mokong na ito.
"Masaya lang ako sa nakita ko, Mr. President." Sagot ko
"Too formal, Alvara. Stop mocking yourself, alam kong may galit ka pa din" Alam naman pala niya
"You know but you keep bothering me, why is that?" Taas noong sambit ko
"Bothering you is my habit since----, Nevermind. What's the reason why are you smiling here alone?"
"It's definitely not part of your businesses, Mr. President. Excuse me I have to go" Pagpapaalam ko ngunit nakakaisang hakbang pa lamang ako ng hatakin niya ako palapit sa kanya
Inilapit nito ang mukha sa aking tenga at may binulong "I want to see you tomorrow. Watch us. I want you to see how we can beat the man you’re crazy about right now" saka ngumisi
"Don't you dare to hurt him or els---" pinutol nito ang sasabihin ko
"Or else what?" Muli itong lumapit sa akin kaya bahagya akong napaatras
"Let's see. You won’t know until you do, you’ll just see the outcome of your plan" matapang na turan ko at nilagpasan siya
"Hindi pa ako tapos magsalita, Alvara!" Sigaw nito
"I'm done." Maikling turan ko at tuluyan ng nilisan ang lugar na iyon
—
Matamlay kong ibinaba ang bag ko sa aking higaan, bigla naman akong napatingin sa kama ko ng may tumulong patak ng tubig.Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Bakit ako na- aapektuhan pa sa lalaking iyon? Hindi ba dapat kalimutan ko na siya? Galit ako sa kanya pero bakit kapag wala na ako sa harap niya ay parang lumalabas ang sakit na ipinadama niya? Bakit, Alvara?! Bakit?!
Napayukom ako ng kamao at pinagsusuntok ang dibdib ko.
Napaupo ako sa sahig "Bakit ba lagi akong nabibigo?" Sambit ko saka tuluyan ng humagulgol
Lahat ng taong nagpapalakas sa akin ay iniiwan ako. Mga taong minsan ng naging importante sa akin. Bakit?
BINABASA MO ANG
The heirs (University Series #1)
De TodoKapag mahirap ka ay talunan ka, tingin ng ibang tao sa kanilang sarili ay mataas na kapag sila ay meron na hindi kayang bilhin ng iba. Si Alvara ay isang simpleng babae, hindi maarte at makapagkumbaba sa murang edad ay hindi siya nabigyan ng pagkaka...