Nagising na lamang ako sa iilang boses na nadidinig ko.
Minulat ko ang mga mata ko at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nakahiga sa kama habang may nakatusok sa'kin na dextrose.
"Alvara...." Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko
Si Jason? Ano'ng ginagawa niya dito?
"Gising na siya guys!"
"Oy si Alvara!"
"Tumayo na kayo diyan! Si Alvara!"
Ilan lamang 'yan sa boses ng mga kaklase ko at ka-batch ko.
Bigo akong madinig o makita ang taong inaasahan kong mag alala sa akin. Ano nga ba ang aasahan ko? Masaya siya kasama ang ka-date niya.
"Buti gising kana, Alvara. Nag alala kami sa'yo. Sabi mo okay ka lang pero nahimatay ka kaya dinala kana namin sa ospital. Sabi ng doctor allergy ka raw sa seafoods at may nakain ka na bawal sa'yo. Ang tigas kase ng ulo mo!" Sunod sunod na turan ni Savana na parang ate ko na sinesermunan ako
"Oo na, ayoko lang naman na magkagulo ulit kayo." Saka ako lumingon kay Jason
"Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"
"Tumawag ako sa phone mo kanina at kaibigan mo ang sumagot nu'n tapos sinabi niya na nawalan ka ng malay at wala kayong masakyan kaya pumunta na ako." Napasapo naman ako sa aking noo
"Pasensya na sa abala, Jason. M-mabigat ba ako?" Nahihiyang turan ko, umiling naman ito
"Hindi naman...." Aniya
Naghintay pa kami ng kaunti hanggang sa p'wede na akong lumabas sabi ng doktor.
"Tara na uwi na tayo. May dinala akong pagkain sa bahay mo kanina. Pinadala ni Senior." Aniya saka ako pinagbuksan ng sasakyan
Nauna na ang mga kaklase ko at mga ka-batch ko na umuwi. Pati sila Savana at Macky.
"Daanan na lang natin 'yung pagkain sa bahay, sa dorm na kase ako matutulog. Maaga ako sa school bukas may aasikasuhin lang." Tumango naman ito
Nang makarating kami sa bahay ay bumaba lang ako saglit bago kinuha ang pagkain saka bumalik sa sasakyan patungo sa university.
"Salamat, Jason. Bawi na lang ako sa'yo next time." Nakangiting paalam ko
"Okay lang. Ingat ka!" Aniya saka pinaandar na ang sasakyan
May mga nakasabay pa akong pumunta sa dorm buildings, siguro ay dito sila matutulog.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay inilapag ko ang pagkain sa lamesa at inubos ito pagkatapos ay nagpalit ako ng damit bago mahiga sa malambot kong kama.
Hindi ko maiwasan maisip 'yung mga pangyayari kanina, 'yung halikan at 'yung pag atake ng allergy ko. Parehas na masakit pero mas masakit 'yung una. Aminadong may epekto pa rin sa akin pero wala akong magagawa. Nasa process pa lang ako ng healing siguro ganun talaga. Masasaktan ka pero wala kang karapatan at magagawa.
BINABASA MO ANG
The heirs (University Series #1)
RandomKapag mahirap ka ay talunan ka, tingin ng ibang tao sa kanilang sarili ay mataas na kapag sila ay meron na hindi kayang bilhin ng iba. Si Alvara ay isang simpleng babae, hindi maarte at makapagkumbaba sa murang edad ay hindi siya nabigyan ng pagkaka...