Chapter 25

71 7 1
                                    

Nakahiga na ako ngayon sa aking kama habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Iniisip kung bakit hindi pumasok si Kiel. May problema ba siya?

Sinampal ko ang aking sarili. Bakit ba ako nagkakagan'to? Hindi ba gusto ko siyang iwasan? Kalimutan? Bakit hindi ko mapigilang isipin siya?

Aish!

Nakaramdam ako ng ginaw at bigat sa aking mga mata kaya ipinikit ko na ang mga ito at nagpatianod sa aking antok.

Third Person's PoV

Hindi makatulog ang binatang si Jason dahil iniisip niya kung paano siya mapapatawad ng dalagang si Alvara bukod sa ang hirap nito pakiusapan ay nahihiya din siyang magpakita sa dalaga.

Aminado siya sa kanyang sarili na hinahangaan niya ang dalaga pero wala siyang balak na ligawan ito o ipaalam ang kanyang nararamdaman. Gusto niya lamang maging malapit sa dalaga bilang utusan nito at kaibigan. Wala ng iba pa.

Napailing na lamang ito na mapagtantuhan niyang magliliwamag na. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tuluyan ng nilamon ng antok.

Alvara's PoV

Nagising ako ng maaga dahil sa alarm ng aking cellphone. Tinignan ko ang note na nakalagay duon kung ano ba ang okasyon bakit ako nag alarm.

'Mamimili ng regalo para kay Tita' napabalikwas ako sa aking hinihigaan ng maalalang birthday pala ngayon ni Tita Aicy ang Mommy ni Kiel.

Bumaba na ako at nagluto ng aalmusalin ko.

Simpleng almusal lang. Itlog, kanin at bacon. Hindi naman kase ako malakas kumain.

Pagkatapos, ay naligo na ako at nagbihis. Inaya ko pa si Savana na mag shopping pero busy daw siya dahil natambakan siya ng school activities kaya heto ako ngayon mag isang naglalakad sa loob ng mall.

Saan ba hilig si Tita Aicy ulit?

Ah-huh! Sa pagtatahi! Mahilig ang Mom ni Kiel sa pagtatahi sa katunayan ay naregaluhan na ako nito ng wallet na hugis kahon at may puting rosas na espesyal niyang binurda.

Hinanap ko ang craft store na agad ko ring nahagilap ngunit bago pa man ako pumasok sa loob ay napaatras ako nang may bumangga sa akin.

"Ouch!" Sabay na usal namin

Napaangat naman ako ng tingin sa kanya "Sorry...." Mahinang usal ko, nag angat din ito ng tingin at ngumiti sa akin

"Sorry din hehe...Nagmamadali kase ako. Bye!" Aniya saka tumakbo papalayo

Napausog naman ako sa gilid ng nagsitakbuhan ang mga lalaking nakasuot ng unipormeng itim. Mga guards niya ba iyon?

Familiar sa'kin 'yung babae, hindi ko lang matandaan.

Nagkibit balikat na lamang ako at tuluyan ng pumasok sa store.

"Good morning, Ma'am. How can I help you po?" Bungad sa'kin ng isang saleslady

"Uhm, I need sewing materials and also special craft ideas book na din." Nakangiting turan ko, iginayak naman ako nito sa gitnang bahagi ng store

Tumambad sa akin ang napakaganda at napakadaming sewing materials.

"Kukuha lang po ako ng craft ideas book...." Aniya saka umalis

Pumunta ako sa isang set ng sewing materials na nakaagaw sa atensyon ko. Hindi maarte si Tita Aicy sa mga bagay, tuwing nagbibigay nga ako sa kanya ng regalo noon may okasyon man o wala ay malugod niya itong tinatanggap.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon