Chapter 5

69 6 0
                                    


Third person's PoV

Alvara's PoV

Nakaupo na ako ngayon sa upuan ko habang hilot-hilot ang batok ko, wala kaming professor ngayon dahil lahat ay nasa seminar.

Sumakit ang batok ko sa tensyon kanina sa field, parang ayaw ko nang tumayo pa at mahiga na lang sa loob ng room.

Bigla naman akong napalingon sa gilid ko "Huy, okay ka lang?" Si Macky lang pala

"Oo naman..." Pilit na ngiting turan ko

"Sus, oh!" Saad nito sabay abot ng hot compress

"Alam mo, kahit ako mag iinit din ulo at sasakit batok kung ganun kaarte ang kaharap ko!" Nakapangalumbaba itong nakatanaw sa akin, napatawa na lamang ako ng mahina

"Minsan lang kita makitang tumawa at masaya ako na ako ang dahilan nun.." nag iiwas ang tingin nito sa akin

"Sinong nagsabing ikaw? Hahaha patawa ka ba?" Pang aasar ko dito, sumimangot naman ito bago kinuha ang bag niya sa desk niya

"Lumipat na pala ng school yung katabi mo dito kaya ako na lang dito ha.." aniya saka nilapag ang bag sa upuan

"Nailagay mo na gamit mo, ano pa bang magagawa ko? Tsk" usal ko nginisian pa ako nito

Matapos ang ilang minuto pa ay nainip na kami at nagpaalam sa professor na nasa faculty na magpapahinga na kami sa kanya-kanya naming mga dorm na sinang ayunan naman nila.

Agad kong inayos ang bag ko at tinignan kung kompleto ba ang gamit ko, kompleto naman kaya nag ayos na akong muli.

Nauna na akong umalis sa lahat ng kaklase ko na nasa room.

Habang naglalakad ako ay pansin ko ang mga matang nakatitig sa akin, patungo pa lamang ako sa building kung saan ang dormitoryo ng mga estudyante ng unibersidad na ito.

Napayukom ako ng kamao ng lumabas ang isa sa mga tauhan na Dad.

"What are you doing here again?" Malamig na usal ko

"Gusto lang po kayong makausap ni boss, ayun lang po. H'wag niyo na po kaming pahirapan ulit ma'am please" ani nito, napangisi naman ako

"Nahihirapan na pala kayo bakit hindi pa kayo tumigil?" Nagpatuloy ako sa paglalakad, nakasunod naman ito sa akin

"Pwede po ba akong magtanong?" Prenteng saad nito

"Nagtatanong kana..." Usal ko

"Kailan niyo mapapatawad ang Daddy ninyo? Hindi ba kayo na-aawa sa kanya?" Napatigil ako

"Siya ba, naawa sa amin?" Nanliliit ang mata kong titig sa kanya

"For sure ma'am, pinatawad na po siya ng mommy niyo. Alam kong mabuting tao kayo katulad ng mommy niyo..." Saad nito napangisi naman akong muli

"Paano mo naman nasabi?" Komportableng tanong ko sa kanya

"Dahil hindi niyo nagawang siraan ang ama niyo sa ibang tao kahit naging sakim siya sa inyo ng mommy mo" muli akong lumingon sa kanya

"Magaling ka, let's make a deal" napatayo naman ito ng maayos

"Ano po 'yun Ma'am?"

"Aayain kitang uminom this Saturday at kapag natalo mo ako, sige at papayag ako na kausapin ang boss mo"

Wala pa sa isang minuto itong sumagot "Deal!" Nakangiting turan nito

"Sige" saad ko saka naglakad muli ngunit napatigil akong muli at nilingon siya

Nandun pa rin siya sa pwesto niya.

"Ano nga ulit pangalan mo?" Kunot noong tanong ko

"Jason po ma'am..." Nakangiting turan nito

Pamilyar siya.

Tumalikod ako at muling humarap para sana kausapin siya ulit pero nawala siya ng magsulputan na ang mga estudyante.

Napapitik na lamang ako sa hangin at ganoon din kabilis napa irap sa kawalan ng makita ang naglalakad na dalawang si Natashia at Kiel, mukhang asiwa na si Kiel kay Natashia dahil nakapulupot ang kamay nito sa braso nito, ayaw pa man nito na dikit ng dikit sa kanya.

Akmang magtatama na ang mata namin ngunit agad akong tumalikod sa kanila at pinangunahan na silang lahat na bumalik sa dorm. Baka magbago pa ang isip ko at makagawa pa ako ng masama.


Pagkaharap ko sa pintuan ng aking silid ay agad kong hinanap ang susi ko

Teka, bakit wala?

Naiwan ko ba? Sh*t! Tinatamad nako!

Nagkapkap pa ako sa palda ko ngunit wala ito, chineck ko na din sa bag ko ngunit wala pa din. Haaaaays!

Napatigil ako sa boses na nanggaling sa likuran ko "Here.." malamig ang boses nito

Walang emosyon ko itong tinignan bago niya ilahad ang susi sa kanyang kamay. Susi ng kwarto ko.

"Bakit nasa iyo ang susi ko?" Tanong ko

"Remember you gave me your keys duplicate? I can't throw it and besides I think you need it right now..." Napatango na lamang ako

"Salamat." Maikling usal ko saka kinuha ito sa kamay niya at sinuksok na sa doorknob ko.

Agad na akong pumasok at inihiga ang sarili ko sa malambot na kama.

Teka? Nagpasalamat ba ako sa kanya?

Tsk, 'di ko na ibabalik 'yun akin naman 'to eh. Ano siya gold?

Nagpalit muna ako ng uniform at kumain bago nag ayos ng gamit ko dito dahil medyo makalat na din. Baka may pumasok nakakahiya naman makalat.

At sino naman papasok Alvara?! Hay!

Pagkatapos, ay dumiretso na ako sa kama at ipinikit ang aking mga mata.

This is nice. I am exhausted.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon