Chapter 73

39 4 0
                                    

Third Person's PoV

"Welcome to Helvica Trinidad's Grandball! Let's enjoy the night, Everyone!" Masiglang bati ng host sa lahat ng guro at estudyante na nasa stadium.

Ingay at kasiyahan ang maririnig sa bawat sulok ng stadium kung saan ipinagdiriwang ang Grandball ng mga estudyante.

"Nasaan na kaya siya?" Aligagang tanong ni Kate sa kan'yang mga kaibigan

Sa gabing ito ay sila halos ang bigyan ng atensyon ng lahat. Bukod kasi sa magagandang suot ng mga ito ay napakaganda rin talaga ng kanilang simpleng make up. Hindi gaanong makapal.

"Pupunta kaya siya?" Nag aalalang tanong ni Savana.

Tahimik lamang si Aliah at pilit na iniisip na pupunta ang kanilang kaibigan na si Alvara.

Hindi puwedeng hindi ito pumunta dahil kailangan na nilang sabihin sa kan'ya ang lahat.

Ilang minuto pang nag hintay ang mga ito at napagpasyahan nang magtungo sa kanilang mga table ngunit bago pa man sila lumakad ay saktong pagdating rin ng taong kanina pa nila hinahanap.

Tumigil sa pagkilos ang mga estudyante at ang atensyon ay nasa kan'ya lamang.

Kulang na lang ang spotlight ay sa kan'ya rin mapunta.

Nagsimula ang bulong bulungan ng mga estudyante.

Pagbati sa kagandahan ng dalagang si Alvara ang namutawi sa kapaligiran.

Nakasuot ito ng kulay pulang gown na kumikintab at isama mo pa ang mga polseras niyang nag gagandahan at siyempre ang natural niyang mukha.

Sa kabilang banda ay hindi naman mapakali sa kaniyang kinatatayuan ang binatang si Kiel. Nakapulot kasi sa kan'ya si Sunny kaya hindi niya mapuntahan ang asawang nakakapit ngayon sa bisig ng ibang lalaki.

"Fucking shit! Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking iyon! How dare him to touch my woman!" Inis na saad nito

Ngunit tinawanan lamang siya ng kaniyang tatlong kaibigan na sina, Troy, Mauro at Macky.

Maya maya pa ay lumapit na ang tatlong babae sa kanilang pwesto.

"Oh? Anyare sa inyo? Nakausap niyo ba? Naibigay niyo ba yang gown?" Usisa ni Macky ngunit umiling lamang ang kan'yang nobya na si Savana

"H-hindi niya tinanggap. Hindi naman daw ata magandang tanggalin niya iyong suot niyang gown na bigay ni..." Sandaling tumigil si Kate at dahan dahang tumingin kay Kiel

"Bigay ni Adrian." Sabat ni Aliah

Seryoso ang mukha nitong nakatitig kay Kiel nang banggitin niya iyon.

Sandaling katahimikan ang namutawi sa kanilang magkakaibigan. Ngunit nawala iyon nang dumating ang dalagang si Sunny.

"Hi, guys! Wow! Ang gaganda at popogi niyo tonight! Let's dance, babe?" Sandaling bati nito sa lahat bago nilingon si Kiel na nakasimangot

Walang emosyong tumango ang binata at nagpahatak na lamang sa makulit na dalagang iyon.

Wala naman siyang choice. Baka mag eskandalo pa sa stadium iyong babaeng yun.

The heirs (University Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon